Hagulgol Si Claudine Sa Yuma0ng 'Nay Magda' Jaclyn Jose

Miyerkules, Marso 6, 2024

/ by Lovely


 Viral ngayon sa ilang mga social media platforms ang batikang aktres na si Claudine Barretto matapos kumalat ang mga video clips nang pagpunta niya sa burol ng namayapang si Jaclyn Jose na itinuturing na rin niyang totoong ina magmula nang gumanap ito bilang kanyang 'Nanay Magda' sa isang teleserye.


Personal nang nagpunta sa burol ng namayapang si Jaclyn Jose ang aktres na si Claudine Barretto upang personal na makiramay sa mga naulilang mga anak nito.


Cremated na ngayon ang labi ni Jaclyn Jose kaya naman tanging urn na laman ang makikita ng mga taong nagbibigay pugay sa aktres.


Nakaburol ang cremated remains ni Jaclyn Jose sa Arlington Memorial Chapel sa Araneta Avenue Quezon City.


Kabilang sa mga artista na nagpunta sa unang gabi ng burol ni Jaclyn Jose ay ang batikang aktres na si Claudine Barretto. Ala-una ng madaling araw na umano ng dumating si Claudine Barretto sa burol ni Jaclyn Jose.


Nakunan pa ito ng video na nakikipagyakapan kay Andi Eigenmann isa sa mga anak ng yumaong aktres, makikita rin ang paghagulhul ni Claudine Barretto sa labis na paghihinagpis dahil sa biglaang pagkawala ng batikang aktres.


Napalapit si Claudine Barretto at Jaclyn Jose nang magkasama sila sa teleseryeng Mula sa Puso noong 1997 hanggang 1999 kung saan ginampanan ni Jaclyn ang karakter ni Nanay Magda.


Nauna na rito, ang pagbabahagi ni Claudine Barretto ng kanyang tribute para kay Jaclyn Jose sa kanyang Instagram account.


Inilahad pa ni Claudine Barretto na nakaramdam siya ng galit dahil tatlong buwan na niyang hindi nadadalaw si Jaclyn Jose dala ng kanyang busy schedules kaya naman labis siyang nasasaktan na hindi na niya ito makakasama pang muli.


Ibinahagi rin ni Claudine Barretto kung gaano sila ka close ni Jaclyn Jose na itinuturing niyang totoong ina na napagsasabihan niya sa lahat ng kanyang mga dinadala at naging karamay niya noong may matindi siyang pinagdadaanan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo