Gelli De Belen, Dinepensahan Si Carmina Villarroel Na Inakusahang ‘Nakikialam’ Sa Love Life Ni Mavy

Martes, Marso 5, 2024

/ by Lovely


 Naglabas ng reaksyon ang isa sa mga malalapit na kaibigan ng aktres na si Carmina Villaroel patungkol sa natatanggap na backlash ng celebrity mom matapos akusahan ng maraming mga netizens na nakikialam siya sa hiwalayan ng kanyang anak na si Mavy Legaspi kay Kyline Alcantara.



Dinepenahan ng aktres na si Gelli De Belen ang kanyang kaibiganss si Carmina Villaroel laban sa mga nagsasabing isa itong pakialamera, sawsawera at kunsintidor na ina ng kanyang mga anak.


Matatandaan na noong January,7, 2024 naglabas ng pahayag si Carmina Villaroel kung saan iginiit niyang hindi siya nakikialam sa lovelife ng kanyang mga anak.


Sa katunayan ay suportado umano niya ang lahat ng mga napupusuan ng kanyang mga anak basta marespeto at sincere lamang umano ang mga ito.


Ipinunto rin noon ni Carmina Villaroel na bilang isang ina ay handa siyang harapin ang mga pambabatikos at handa siyang ipagtanggol ang mga ito sa mga pambabatikos sa kahit na anong isyu.


Samantala, naniniwala si Gelli De Belen na walang sinuman na maaring kumuwestiyon sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak at sa kagustuhang proteksyunan ang kanyang mga anak laban sa anuman sa anumang mga sakit na pinagdadaanan ng mga ito.


Ayon pa kay Gelli, may kanya-kanya namang mga point of view ang bawat isa sa bawat sitwasyon kaya naman wala umanong may karapatan na kwestyunin ang mga desisyon ng bawat isa.


Higit sa lahat, hindi umano maaring kwestyunin ang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang mga anak. Lalo na  kung nasasaktan at nahihirapan na ang mga ito.


Samantala, naitanong rin kay Gelli kung may naging kasintahan na ba ang kanyang mga anak na sina Julio at Joaqui Rivera na kanyang mga tinutulan.


Kaagad naman itong sinagot ni Gelli na wala pa naman dahil una sa lahat mga bata pa ang mga ito. Si Julio ay isa pa lamang ang nagiging girlfriend. Samantala, kahit nakatatlong girlfriend na si Joaquin ay okay naman umano siya sa lahat.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo