Netizens Nagulat Sa Ginawa Ng TV5 Sa Isang Show Ng Abs Cbn!

Martes, Marso 5, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon ng ilang mga Kapamilya fans ang balitang hindi na mapapanood sa TV5 ang Kapamilya morning talk show na Magandang Buhay.


Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya ng malamang tsinugi na sa Kapatid nito ang Magandang Buhay simula noong lunes March 4, 2024. Marami ang nagulat nang hindi na mapanood ang nasabing morning talk show dahil kamakailan lamang ay inanunsyo ng TV5 na ililipat nila ng timeslot ang nasabing show sa alas sais ng  umaga.


Nagpahayag ng pagkadismaya ang maraming mga netizens dahil sa pabago-bago ng schedule ng TV5 sa kanilang mga palabas. May mga nakapansin rin na tila hindi na binibigyan ng halaga ng TV5 ang mga Kapamilya programs na umiere sa kanila.


Dahil rito marami ang nagsasabing sana ay iere na lamang sa ibang TV network ang Magandang Buhay kagaya na lamang sa GTV, kaya naman sa GMA7 o sa channel 2 na ngayon ay AllTV.


Bagama't wala pa namang binitawang pahayag ang TV5 patungkol sa nasabing balita kinumpirma naman ito mismo ng mga hosts ng Magandang Buhay na hindi na sila iere sa TV5 sa pamamagitan ng panibagong photo na inupload nila kung saan wala na ang logo ng TV5.


Ayon naman sa ilang mga netizens na tama lamang na hindi na eere sa TV5 ang Magandang Buhay dahil nakaka-offend naman umano ang ibinigay nilang timeslot para sa Magandang Buhay na 6 in the morning kung saan kadalasan sa kanilang mga magiging katapat ay mga early news.


Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na binigyan ng alanganing timeslot ang programa ng ABS-CBN matatandaan na noong kasagsagan ng isyu ng TVJ at TAPE Incorporated ililipat sana nila ang timeslot ng It's Showtime sa panggabing slot kung saan ang mga makakatapat nito ay puro mga teleserye.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo