Kathryn Bernardo Ikinukumpara Kay Nadine Lustre -Maingay Kung Mag Moved on at Pakawala?

Martes, Marso 5, 2024

/ by Lovely


 Hindi napigilan ng maraming mga netizens ipagkumpara ang dalawang mga Kapamilya actress na dumaan sa paghihiwalay na sina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo.


Ayon sa ilang mga netizens, kakaiba umano kung mag-move on itong si Kathryn Bernardo dahil nagiging maingay ito at pakawala. Hindi rin naman umano maitatanggi ang malaking pagbabago sa fashion at mga kilos ni Kathryn Bernardo matapos nitong kumpirmahin ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Marami ang nagulat sa pagpapasexy ngayon ni Kathryn Bernardo dahil hindi naman ganito ang pananamit niya noon. May mga naghinala naman na ito na talaga ang gusto na isuot noon ni Kathryn Bernardo subalit, pinipigilan lamang ito ni Daniel Padilla.


Kaya naman sa paghihiwalay ng dalawa, wala na umanong makakapagpigil sa kanyang pananamit at sa kung ano ang kanyang gustong ipakita sa publiko.


Matatandaan na kilala noon si Daniel Padilla bilang isang conservative boyfriend ni Daniel Padilla kung saan ayaw nitong nakikitaan ng skin si Kathryn Bernardo sa mga events o sa mga ibinabahagi nilang pictures sa social media.


Sa kabilang banda, hindi naman maiiwasan na may mga hindi natuwa sa ginagawa ngayon ni Kathryn Bernardo kaya naman kinukumpara siya ngayon kay Nadine Lustre.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na noon pa man ay pinagkukumpara na sina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo. Ayon sa mga netizens, noong naghiwalay sina James Reid at Nadine Lustre ay naging tahimik lamang ang aktres at hindi ito nakitaan ng malaking pagbabago.


Hindi umano ito katulad ng nangyayari ngayon kay Kathryn Bernardo na naging pakawala habang nagmomove on. Matatandaan na nauna nang kumalat ang mga video kung saan nakabikini lamang si Kathryn Bernardo habang naglalasing kasama ang kanyang mga kaibigan.


Mas maganda umano ang paraan ni Nadine Lustre sa pagmomove on kaysa kay Kathryn Bernardo dahil na-maintain ni Nadine ang kanyang class at image hindi katulad ni Kathryn Bernardo na ipinapakita sa lahat ang mga ayaw noon ni Daniel Padilla.


May mga naghinala pa na tila nagrerebelde umano ngayon ang aktres sa nangyari sa kanila ni Daniel Padilla.


@lovekathryn_ pag sinabi ni kathryn na inom, shot puno agad! 🍻 #kathrynbernardo #kathniel #danielpadilla #foryou #foryoupage #kathniel #averygoodgirl ♬ People (Sped Up) - Libianca & sped up + slowed

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo