Julie Anne San Jose Excited Na Gagawa Muli Ng Ep Album!...

Walang komento

Martes, Hunyo 6, 2023

 


Kumpirmadong gagawa ulit ng bagong album o di kaya ay extended play o EP ang singer actress na si Julie Ann San Jose.


Nakumpirma ito dahil sa ibinahaging post ng managing derictor ng Universal Records na si Kathleen Dygo.


Caption niya sa kanyang post, "Great seeing you today Jules!"

"I am so proud that you still prove to be one of the most remarkable stars of today. The monumental success of Maria Clara at Ibarra is truly one of a kind. Likewise, your current version of “Pag-ibig Na Kaya” with Rayver now has almost 2 million streams on Spotify and continues to resonate to the new generation. Looking forward to your new releases soon! @myjaps @universalrecordsph."


Kaya naman sobrang excited na ngayon ang mga fans ni Julie Ann, sa kanyang bagong ihahadog na kanta.


Matatandaang 2018 nag sign si Julie Ann sa label recors na ito at kung susumahin ay mga apat o limang taon na siya dito at nakapag labas na din siya ng Album niya rito ito ay ang BreakThrough.


Matapos naman ang paglabas ng album na ito ni Julie Ann ay nagfocus muna siya at ang kanyang label records ng mga singles, na talagang magagandang mga kanya natatagos sa bawat puso ng makakarinig ng kanyang kanta.


Nagsimula si Julie Ann sa GMA records at nakapagrelease siya ng tatlong album, Ito ay ang Julie Ann San Jose na naka kuha ng Diamond Awards, at siya lang ang pinakabatang singer nakakuha ng ganiton parangal o award.


Kaya naman talagang maraming humahanga kay Julie Ann sa kanyang mga napagtagumpayan sa buhay, lalo na ay sa kabila ng kanyang kasikatan na tinatamasa ngayon ay hindi parin ito nagbabago sa kanyang pag-uugali.


 


Bong Revilla at Max Collins Very Unique Ang Paandar Maipromote Lamang Ang Sitcom

Walang komento

Tila kinabog nina Senator Bong Revilla at Max Collins ang Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival nung Sabado, June 3, 2023.


Inikot nila ang tatlong lungsod para i-promote ang bagong action-comedy series ng GMA-7 na Walang Matigas na Pulis Sa Matinik Na Misis.


Nag-motorcade sila sa Maynila, Caloocan, at Navotas, kaya naman halos inabot na sila ng gabi. Sa kabila nito, hindi naman sila nabigo dahil naging mainit ang pagtanggap sa kanila ng publiko.


Makakasama ni Sen. Bong Revilla sa nasabing teleserye sina Max Collins, Carmi Martin, Kelvin Miranda, Raphael Landicho, Bembol Roco, Jeric Raval, Nino Muhlach, ER Ejercito, Maey Bautista, Nikki Co, at Angel Leighton.


Bukod sa mga nabanggit may mystery guest pa umano sila na may malaking role sa kanilang teleserye. Ang mystery guest na ito ay may malaking pangalan rin sa mundo ng showbiz.


"Siya yung leader ng lahat na kalaban," pahayag ni Direk Enzo Williams nang tinanong ko kung ano ang role nitong si mystery guest.


"Pero may patikim na sa kanya sa early episodes. Somewhere in the middle, may patikim na sa kanya," dagdag pa nito.


"Iri-reveal na lang namin siya sa dulo. Pero everything will fall into this na ahh siya pala yun. Parang puzzle," pahayag naman ng headwriter na si Jojo Nones.


Ibinunyag naman ni Sen. Bong na marami pang mga artista na papasok sa kanilang teleserye.


 "Marami pang papasok, like si Jimmy Santos, bilang isang retired na pulis."


Malaki rin ang pasasalamat ni Sen. Bong Revillame sa mga natatanggap na suporta ng kanilang teleserye mula sa GMA.


Sabi pa ni Sen. Bong Revilla, na ang layon ng kanilang teleseryeng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ay maiangat kahit paano ang hindi magandang imahe ng ilang kapulisan ngayon sa bansa sa gitna ng paglaganap ng ipinagbabawal na droga.


 "Itong Walang Matigas na Pulis, ito ang isang way na maibangon natin sila. Para makalimutan yung mga maduduming gawain nila, at unti-unti nating maibangon ang kanilang imahe.


"Tulungan natin silang makabangon, dahil hindi naman lahat na pulis ay masama. Marami pa ring magagaling na pulis na maaasahan natin."




Richard Gomez May Inamin Sa Publiko Na Ikinagulat Ng Lahat!

Walang komento

 


Beteranong actor at politician na si Richard Gomes may inamin sa publiko na ikinagulat ng lahat.


Inamin ni Richard Gomes na tatlong babae ang minahal niya noon ng sabay-sabay.


Maraming mga nakakagulat na mga rebelasyon ang isiniwalat ng actor at kongresista na si Richard Gomes sa mga tanong sa kanya ng actress na si Bea Alonzo sa Youtube vlog nito na kung tawagin ay Takes a lie detector test.


Kabilang na nga dito ang pambubuking niya sa kanyang mga kaibigan noon na sina John Estrada at Joey Marquez, at pati narin ang pakikipagrelasyon niya noon sa ilang mga babae na nanligaw sa kanya.


Natanong din kay Richard ni Bea kung may mga pagkakataon bang naging suplado siya sa kanyang mga tagahanga.


Sagot naman ng kongresista ay siguro daw sa mga fans na sobrang makukulit.


Aniya, "May mga taong sobrang kulit specially when your young madali kang maiinis, pero ngayon madali mo nang maiiwasan."


"Suplado talaga ako derideritso ako wala akong nakikita, Pero I never say no to picture taking, chaka uso pa noon ang mga fan mails, sinasagutan namin yun kasi sako-sako ang mga dumarating na mga fan mails."


"Kasi nagpapadala sila ng sulat, so in return nagpapadala kami ng pictures na may sulat, pirma ang dami nun."


Humanga naman si Bea dahil sa nalaman niya na si Richard mismo ang siyang sumasagot sa mga sulat na galing sa mga fans nito.


At kasunod nga nito ay inamin din ng kongresista na nasubokan na niyang magmahal ng sabay, at tatlo pa daw ang mga babaeng kanyang pinagsabay.


Si Richard Frank Icasiano Gomez ay isang Pilipinong artista, nagtatanghal ng telebisyon at direktor, politiko, at épée fencer. Siya ay nagsisilbi bilang Kinatawan ng ika-4 na distrito ng Leyte mula noong 2022, at naging alkalde ng Ormoc mula 2016 hanggang 2022. Si Gomez ay isang nangungunang aktor noong unang bahagi ng 1990s, na nakakuha ng ilang mga parangal at nominasyon.




May Kahati Pala Si Vic Sotto Sa Paggawa Ng Eat Bulaga Theme Song

Walang komento

Nilinaw ng isang nakakaalam ng kasaysayan ng Eat Bulaga! ang maling akala ng ibang mga tao na si Vic Sotto lamang ang nag-iisang gumawa ng theme song ng longest-running noontime show ng bansa.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, si Vic Sotto ang composer ng melody ng Eat Bulaga!, habang si Vincent Dy Buncio ang sumulat ng lyrics nito.


Matatandaan na kumakalat noon sa ilang social media platforms na tanging si Vic Sotto lamang ang gumawa ng theme song ng Eat Bulaga.


Nilinaw din na taliwas sa pahayag ng anak ni Joey De Leon na si Jako, na produkto ng Little Miss Philippines si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Totoong sumali noon si Catriona sa Little Miss Philippines 1999 subalit nangyari ito sa Australia at hindi sa Eat Bulaga.


Matatandaan na noon paman ay iginiit na ng TVJ na sila at ang Eat Bulaga ay iisa lamang dahil sila umano ang bumuo nito.


Subalit, sa kanilang pag-alis ay tila hindi nila nadala ang trademark ng Eat Bulaga dahil kumuha na ng mga panibagong hosts ang mga Jalosjos na siyang papalit sa kanila sa Eat Bulaga at tuloy pa rin ang pagpapalabas nito ng mga panibagong episodes.


Samantala sa isang panayam kay Tito Sotto nilinaw niyang biglaan lamang ang kanilang pamamaalam noong May 31.


"Ang usapan namin, pasok kami lahat, pati ako — hindi naman ako pumapasok ng Wednesday — para mag-usap kami kung anong desisyon, kung anong gagawin, kung anong plano kasi hindi naman natutupad‘yung mga sinasabi.


"Nung pagdating namin doon, mga 11, 11:30, nag-uusap na kami. Siguro itong isa sa mga anak na nadodoon, nakita nagmi-meeting kami, kinabahan na baka may gawin kami.


"Aba, biglang ipina-cancel yung live, nagpa-order daw ng playback si Romy. Si Romy raw nagpa-order ng playback."


"Nagdesisyon na kami! Ano pang hinihintay namin? Lahat na lang ng kilos namin…


"So we decided na finally. Ang naging instant reaction, we finally decided na sapagkat ganun ang trato nila, e.


"Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na…Tapos iba sinasabi sa tao, iba naman ang ginagawa. Yun ang istorya nun."



Original Eat Bulaga' Magbabalik Nasa July 3 Tito, Vic at Joey May Malalaking Rebelasyon!....

Walang komento

 


Mga original host ng Eat Bulaga magbabalik na sa July 3, ito ang kinumpirma ni Tito Sotto sa isang panayam, kaya naman lubos ang tuwa ngayon ng mga taga subaybay ng naturang Variety show.


Sinabi ni Tito Sen sa isang eksklusibong panayam nitong Lunes June 5 na kasalukuyang nakikipag-usap ang kanilang kampo sa ibang network.


At maaaring ianunsyo nila sa lalong madaling panahon ang bagong tahanan ng Eat Bulaga.


Aniya, "Wala pa tayon disesyon, nagkasundo kami sa July 7, ay handa na kaming magpahayag."


Dagdag niya pa, "If things works out the way we want it to, maybe atleast first week of July makakapagpalabas na tayo."


Matapos ang ang halos 44 years nagkagulo  nga ang pinakamatagal na variety show ng Bansa, ang Eat Bulaga.


Talaga namang marami ang nalongkot sa pagkalas na ng TVJ sa TAPE incorporated at ng ibang mga host ng naturang programa.


Ngunit sa pagkakataon ngang ito ay marami nga ang nagulat at sumaya sa balitang ito na magbabalik na nga ang original na Eat Bulaga at wala daw paki ang mga netizens kahit saang network man ito ipalabas dahil papanoorin parin nila ito.


Talagang hindi nga maipagkakaila na marami nga ang mga loyal na mga netizens sa mga dating host ng Eat Bulaga dahil kung saan man ito ma ilipat na stasyon ay susubaybayan parin daw nila ang show ng mga ito.


Nakalulongkot lang talagang isipin ang mga ganitong pangyayari, na sana ay dapat na nagkakasundo at nagsasaya, at patuloy na magpapasaya ang mahaba nilang pagsasama ay bigla nalang nawala.






Vice Ganda Pinagtawanan Ang First Day Ng Opening Ng Bagong Show Na Eatbulaga!....

Walang komento

 


Kapamilya Tv host na si Vice Ganda pinqagtawanan ang unang araw ng opening ng bagong show ng Eat Bulaga.


Ang nasabing opening ng kapuso noontime show ay umani ng samu't saring reaksyon, komento at pambabatikos mula sa maraming mga netizens lalo na sa mga matatagal ng sumusubaybay sa nasabing show.


Maging ang ibang mga artista ay natawa nalang ang reaksyon nila, dahil animoy parang nasa peryahan lang daw mga host nito.


Makikita rin daw sa kanilang opening na tila na ngangapa pa ang mga bagong host ng Eat Bulaga at tila hindi pa nila ang kanilang dapat gawin.


Kaya naman inulan ito ng napakaraing mga reaksyon at iba't ibang mga komento,  lalo na rin sa mga naging unang host ng naturang programa.


Kaya naman hindi nga maiwasan na ikumpara ang mga bagong host nito sa mga nagsikalasang host ng Eat Bulaga.


Dahil talagang hindi raw mapapantayan ng mga bagong host na ito ang mga dating host ng Eat Bulaga lalo na ang mga original host nito na sina Tito, Vic at Joey De Leon.


At kahit kaina Paulo, Wally at Jose ay wala daw panama ang mga bagong host na ito.


Ayon pa sa ibang mga netizens na tiyak na daw na matatalbugan ng kapamilya noontime show na It's Showtime ang Eat Bulaga.


Dahil sa marami daw na mga netizens ang hindi nagustohan ang mga bagong host ng Eat Bulaga.


Samantala, maraming mga netizens naman ang umaasa parin na makakabalik pa ang mga dating host ng naturang programa na talagang napamahal na rin ng sobra sa mga masusugid na tagasubaybay sa nasabing noontime show.




Bullet Jalosjos Sinabing Noon Pa Man Ay Alam Na Niyang Iiwan Sila Ng TVJ

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang isa sa mga executives ng TAPE Inc. na si Mayor Bullet Jalosjos patungkol sa pagreresign ng TVJ sa TAPE Inc.


Ayon kay Mayor Bullet Jalosjos, hindi na niya ikinagulat pa ang biglaang pagreresign nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. dahil noon pa man ay nahahalata na umano niyang hindi na sila sinusunod ng mga ito.


“Ako naman, ang reaction ko, I knew it was bound to happen.


"Because of the treatments that they were already giving us, it really didn't look like they wanted to work with the new management.


“They made it clear vocally, body language, alam na namin na talaga, there's no way."


Ibinahagi pa ni Bullet Jalosjos, na wala namang malicious content ang ginawa niyang interview kay Boy Abunda subalit minasama pa ito ng TVJ.


“A good example is when I did an interview with no malicious intent. I mean, I praised them, like, who they are… I praised everyone. Walang malicious intent yun.”


Ipinahayag din ni Bulet ang dahilan kung bakit niya pinaunlakan ang interview niya kay Boy Abunda.


 “The only reason why I did the interview, which was authorized by the board and the chairman, was because there was a lot of uncertainty.


“A lot of people were already questioning and we were scared because the advertisers were the ones who were questioning. That's number one.


“Number two, the network.


“The network itself, we wanted to ensure that we're in good relations. No matter kung ano ba yung nasabi ko, I had to make sure. 


“I think it's our duty as a board, as a company, to show publicly na we're all getting along, that everything is fine, so we can continue the business."


Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano lubos na naiintindihan ni Bullet Jalosjos ang dahilan kung bakit tila galit sa kanila ang TVJ.


“After all this, this whole mess, the whole interviews, everything that is happening to this point, up to now, hindi pa rin namin maintindihan.


“And I'd like sana to ask him—sana po you can also ask him—'Tito Sen, ano po talaga yung puno’t dulo nito? What was it that you wanted us to do?’ Because we didn't get it, e."




Sparkle GMA Ibinahagi Ang Ilang Cute Snaps Ng Bagong Eat Bulaga Hosts

Walang komento


 Ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center sa kanilang official social media page ang ilang mga cute snaps ng mga bagong hosts ng Eat Bulaga.


Ang mga nasabing larawan ay kuha mismo sa loob ng APT studios sa Cainta, Rizal na naging tahanan ng Eat Bulaga mula noong December 2018.


"Here are some cute snaps of Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Kokoy De Santos, and XOXO’s Dani Ozaraga, Mel Caluag, and Lyra Micolob on today’s episode of Eat Bulaga!" caption ng Sparkle sa kanilang post.


Umani naman ito ng samu't-saring mga komento at reaksyon mula sa mga netizens na hindi matanggap na wala na ang TVJ sa Eat Bulaga.


Gayunpaman may mga nagsasabi rin na itigil na ang pambabash sa mga panibagong hosts dahil wala naman silang kasalanan.


"Huwag gamitin yung name ng eat bulaga ! Delikadesa nalang sana !"


"Yong may nag co comment ng hindi maganda jusko naman pinoy tlaga.. wag nyo ibash yong mga artist nagtatrabaho lng nman sila kung ayaw nyo manood di wag simple as that bakit pa kayo nagsasalita ng di maganda.."


"Ibahin nalang po ang name ng show mas maganda pa pakinggan..kasi kung eatbulaga parin tatak tvj na yun ay yung ibang original host ang hahanapin.."


"please No for bashing , wala namang maling ginawa ang mga artists nagtatrabaho lang po sila .. nakakalungkot man pero respeto pa rin ang ipairal natin dahil kahit ang TVJ at mga original na hosts ay hindi rin magugustuhan na maibash ang mga bagong hosts ng EB .. God Bless "


Hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi natutuwang ginagamit pa rin ng TAPE ang Eat Bulaga kahit pa wala na ang mga original host nito na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.



Paolo Contis, Nilinaw Na Hindi Niya Balak Tapatan Ang TVJ

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang aktor na si Paolo Contis patungkol sa mga natatanggap niya critisismo kasunod ng pagpalit niya sa mga dating host ng Eat Bulaga.


Umaani ngayon ng kaliwa't-kanan na pambabatikos sina Paolo Contis at iba pang mga bagong hosts ng Eat Bulaga matapos ang pagpapalabas ng unang episode ng show.


May  mga hayagang ipinahayag ang kanilang disgusto sa mga panibagong hosts ng show at tahasang sinabi na napakapangit na nito at napakaboring dahil wala na ang mga dating hosts.


May mga nagsasabi pang tinapakan umano ni Paolo Contis ang TVJ at ninanais na palitan. Subalit, nilinaw na ni Paolo Contis na wala siya balak na tapatan ang TVJ.


Ipinunto pa ni Paolo na ninanais lamang niyang magbigay ng kasiyahan at saya sa mga Eat Bulaga viewers kaya tinanggap niya ang alok ng TAPE Inc.


Ipinahayag din ni Paolo na ‘honored’ sila na maging bahagi ng Eat Bulaga, aminado din sila na nakakaramdam sila ng pressure dahil sa mga naunang hosts nito na tila kinakailangan nilang tapatan.


Ipinagdidiinan din niyang kinuha sila ng TAPE Inc. na maging hosts at hindi sila ang nagvolunteer na palitan ang TVJ at iba pang naunang hosts ng show.


“Siyempre lilinawin lang naman natin, walang planong palitan, wala kaming chance palitan si Tito, Vic and Joey. Wala kaming chance dun. We were just called to work. To continue the show because gusto ng TAPE office na magkapagbigay ng papremyo, saya everyday.”


Nilinaw pa niya ang dahilan kung bakit hindi niya tinanggihan ang offer ng TAPE Inc. itoy upang magbigay ng saya sa lahat ng mga Eat Bulaga viewers.




Xander Ford, Sinisisi Si Christian Merck Grey Sa Pag-Iwan Sa Kanya Ni Gena Mago

Walang komento


 Muli na namang nag-iingay sa social media si Xander Ford Arizala, matapos umanong iwan siya ng kanyang kinakasama na si Gena Mago.


Sa videong ibinahagi ni Xander Ford, sinisisi niya si Christian Merck Grey sa pagpopost nito ng video sa kanilang bigayan ng pera.


Dahil umano rito, tuluyan na siyang iniwan ng kanyang ka live in partner na si Gena Mago kasama ang kanilang anak na si Baby Xeres.


Kaya naman, sinisisi ngayon ni Xander Ford si Christian Merck Grey sa pagsira umano nito sa relasyon nila ng kanyang kinakasama.


“Sobra ang ginawa mo Merck, sobra… Parang gusto nalang kitang sapakin,” saad pa ni Xander Ford.


Hiniling din ni Xander Ford kay Christian Merck Grey na burahin na ang ibinahagi nitong video kung saan makikita ang pagbibigay nito sa kanya ng 350 thousand pesos.


Subalit, ayon kay Christian Merck Grey ay buburahin lamang niya ang video kung isasauli na ni Xander Ford sa kanya kahit kalahati lamang ng perang ibinigay niya.


Sa kasamaang palad, isiniwalat ni Xander Ford na nasa 13000 na lamang ang natitira sa perang ibinigay ni Merck matapos ang dalawang araw.


Nagbanta pa si Xander Ford na pupunta siya sa tanggapan ng Face to Face upang magdemand kay Christian Merck Grey na burahin nito ang video na ikinasira umano ng relasyon nila ng kanyang kinakasama.


“Ngayon, sige, titignan ko Christian Merck Grey kung hanggang saan yang galing mo. “Kakausapin ko yung staff ng TV5 na dun sa Face to Face kung pupuwede akong mag-ano dun sa kanila para malaman din nila at malaman ng mga tao yung side ko.”


Sa kabilang banda, hindi naman malinaw kung totoong iniwan na nga ba si Xander ni Gena Mago o sadyang ginagamit na lamang ito ni Xander para sa content.


Matatandaan na siya ang unang nagbahagi sa social media ng video kung saan sinisingil niya si Christian Merck Grey sa ipinangako umano nitong pera para sa binyag ng anak.


Subalit, base sa pahayag ni Xander noong natanggap na niya ang pera mula kay Merck inamin niya mismong wala naman palang ipinangako si Merck sa kanya.


Dahil, dito iniisip ng ilang netizens na kaya pinapabura ni Xander ang video ay dahil nalaman na ng lahat na wala naman palang ipinangako sa kanya si Merck.




Bea Alonzo Pumut0k Ang Labi Dahil Sa Sampal

Walang komento


 Ibinahagi ng batikang aktres na si Bea Alonzo sa vlog ni Mariel Padilla ang kanyang hindi malilimutang karanasan sa pagtatrabaho sa entertainment industry.


Si Bea Alonzo ay isa sa pinakamatagal ng artista sa industriya ng showbiz. Sa kanyang 22 years sa industriya ay nakagawa na siya ng maraming pelikula at maging mga teleserye. Si Bea Alonzo rin ang tinaguriang Movie Queen ng bansa.


Sa vlog ni Mariel, sumabak si Bea Alonzo sa 'Two Truth One Lie Challenge'. Dito, ibinahagi ni Bea ang kanyang hindi malilimutang mga karanasan sa pagtatrabaho sa industriya.


Isa umano sa hindi niya malilimutang karanasan kasama ang aktres na si Carmi Martin ay iyong nasa 17 years old pa lamang siya at baguhan pa lamang noon sa industriya.


May isang ekesena umano sila ni Carmi na ilang beses kinunan. Sa partikular na eksenang ito, kinailangan nilang magsampalan.


Ilang beses umano siyang nasasampal nito sa isang take kaya naman dahil paulit-paulit sila ay dumugo na umano ang kanyang mga labi dala na rin sa mga accesories nito sa kanyang mga kamay.


“Alam mo yung pumupunta ako sa dressing room ko yung totoong umiiyak na ‘ko kasi naaawa na ako sa sarili ko. 17 years old lang ako nun… Kaya aging close kami ni Tita Carmi kasi si Tita Carmi ang umiiyak for me,” pagbabahagi pa ni Bea Alonzo.


Ibinahagi pa ni Bea Alonzo na minsan ay totoo rin siyang nasasampal ng ilang male actors sa mga pelikula at teleseryeng pinagbibidahan niya.


Dahil sa pagsisiwalat na ito ni Bea Alonzo, mahihinuha na ang buhay ng isang artista ay hindi puro pasarap at aktingan lamang. Minsan ay nasasaktan din sila ng physical sa ilang mga eksena na kailangan ng pisikalan.




Sellblock : Jericho'S Comeback Movie | International Project!

Walang komento

Lunes, Hunyo 5, 2023

 


 Sa Instagram ay ibinahagi ng sikat na actor na si Jericho Rosales ang kanyang kasiyahan sa pagbabalik niya sa mundo ng pag-arte.


Makikita sa kanyang post na siya ay nakasuot ng kasuotan ng isang bilanggo, ito ay para sa kanyang gagawing pelikula.


Marahil ay para ito sa kanyang gaganapan na role sa kanyang gagawing pelikula, na maypamagat na "Sellblock."


Kasabay naman nito ang kanyang caption na, "I’m just very happy to be acting in front of the camera again.

Hi to my #SellBlock fam. You all are amazing. I’m honored… and happy I’m not waking up at 3am tomorrow. 😜 Sweet meme. 🛌"


Dito nga ay sinabi niyang hindi niya na kailangan na bumangon ng madaling araw ang ibig sabihin lang nito ay marahil tapos niya nang gawin ang mga taping o natapos na nila ang pagshoshooting ng pelikula.


Matatandaang nitong Mayo lang nagsimulang magfilm ang actor para sa co-production, at matatandaan din noong nagdaang taon ay ibinahagi niya sa kanyang social media account na kumukuha siya ng mga acting workshop sa New York City.


Medyo matagal na din ng makita ang actor sa telebisyon, matatandaang ang kanyang huling proyekto ay ang drama series na "Halik" mula taong 2018 at natapos sa taong 2019.


Agad naman na naexcited ang kanyang mga taga hanga at mga tagasubaybay sa magandang balitang hatid na ito ng actor sa kanyang mga tagahanga.





Herlene Budol, Ipinakita Ang Kanyang 'Palengke' Walk

Walang komento


 Ipinasilip na ng beauty queen-actress-vlogger-host na si Herlene Budol ang kanyang palengke walk na talaga namang hinangaan ng mga netizens.


Matatandaang nauna nang naiulat ang pagsali ni Herlene Budol sa panibagong beauty pageant, ang Miss Grand International 2023.


“Ito po ang inyong nag-iisang Magandang Dilag, Herlene Hipon Budol. Celebrity Actress, TV Host, Comedienne, Recording Artist, Vlogger, Bb. Pilipinas 2022 1st Runner Up. Sasabak ulit tayo sa mas engGRANDeng laban. Mas-bonggang patimpalak ng kagandahan!” pagbabalita pa ni Herlene.


Samantala, kamakailan lamang ay ibinahagi ni Herlene Budol sa kanyang Instagram account ang kanyang pagsasanay para sa darating na kompetiyon.


"Ganito daw ako mag lakad si Hipon girl papuntang palengke!" caption pa ni Herlene sa kanyang video post.


Agad naman itong umani ng mga papuri mula sa mga netizens at ng kanyang mga fans.


"Parang mas bagay na ikaw ang lumaban nung Miss U! Di bagay ung representative natin eh hahahhaa"


"Konteng lambot ng balakang lalo na pag naglalakad, Mahusay mga Latina sa paglalakad, konteng landi and fierce and stand up with confidence.makukuha mo din ang tamang projection"


"Sa Thailand grabi galawan kulang na lang mag tumbling sila."


Nakilala si Herlene Budol matapos sumali sa isang contest sa game show ni Willie Revillame na “Wowowin,” at pagkatapos ay kinuha siya ng programa upang maging isa sa mga co-host. Dati siyang inilarawan bilang isang witty girl na may financial problems.


Ginulat naman ni Herlene ang lahat ng sumali siya sa Bb. Pilipinas noong nakaraang taon kung saan siya ang itinanghal bilang 1st runner up.


Nagsign up rin siya para sa Ms. Planet International subalit kalaunan ay nagback out dala ng mga isyung kinakaharap noon ng nasabing kompetisyon.



Liza Soberano May Bagong Jowang Afam

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa social media ang mga isiniwalat ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin patungkol sa pagkakaroon ng bagong jowa ng aktres na si Liza Soberano.


Sa latest episode ng “Showbiz Now Na!”, napag-usapan ng kolumnista, kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez, ang present love life ni Liza Soberano. Ibinahagi nila ang balita na tila may bagong manliligaw si Liza Soberano habang nasa Amerika ito.


Matatandaang, nauna nang naibalita ni Ogie Diaz, dating talent manager ng aktres na si Liza Soberano, ang hiwalayan nila ng kanyang nobyo at kalove team na si Enrique Gil.


“May mga nagasasabi na meron siyang boyfriend na porenero. May banyaga na raw na boyfriend si Liza,” pagsisiswalat ni Cristy Fermin.


May mga nagtatanong pa umano kung si James Reid nga ba ang kanyang tinutukoy na bagong boyfriend ni Liza Soberano dahil ito ang kasa-kasama ng aktres ngayon dahil sa pagiging manager.


Subalit, inaalis ni Manay Cristy ang posibilidad nito ngayon dahil sa pagkakalink naman ni James Reid kay Issa Pressman na kapatid ng aktres na si Yassi Pressman.


“American dream, gusto niyang maging Hollywood star. Pupwede naman siyang mangarap na nandiyan pa rin si Enrique. Sino kaya ‘yung sinasabi ng mga tao na foreigner daw ang kanyang karelasyon,” dagdag pang patanong ni Manay Cristy Fermin.


Matatandaan na unang lumabas ang bali-balitang hiwalay na ang real life couple na sina Enrique Gil at Liza Soberano nang mapansin ng kanilang mga tagahanga at ng mga netizens na hindi na sila nagbabahagi ng update sa kani-kanilang social media na magkasama.


Kapansin-pansin rin umano sa mga interviews ni Liza Soberano ang hindi nito pagbabanggit kay Enrique Gil bilang kanyang nobyo. Tila lumalabas pang napilitan lamang si Liza na mahalin si Enrique Gil para magbloom ang kanilang loveteam at upang mas mahalin sila ng kanilang mga tagahanga.




Paolo Contis, Nagreact Sa Natatanggap Na Negative Comments Sa Pagiging Host Ng Bagong Eat Bulaga

Walang komento


 Nakakatanggap ngayon ng kaliwa't-kanan na pambabatikos ang mga panibagong hosts ng Eat Bulaga, kabilang na sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Alexa Miro at iba.


Sila ang pumalit sa TVJ at sa mga kasamahan nitong hosts, matapos ang mass resignation ng mga ito noong May 31, 2023.


Samantala, inilabas na ngayong araw ang unang episode ng Eat Bulaga, kasama ang mga bagong hosts at mga panibagong segments na ipinalit sa iniwan ng TVJ.


Gayunpaman, may ilang netizens pa rin ang nagpahayag ng kani-kanilang mga disappointment sa mga hosts maging sa mga segments nito.


May mga nagsasabi pang cheap at pangit ang production number. Marami rin ang kumuntra sa ibang mga hosts lalon-lalo na kay Paolo Contis na kilala bilang isang babaero.


Bukod sa mga hosts, hindi rin nagustuhan ng ilang mga netizens ang segments at palaro ng bagong Eat Bulaga. Nagmukha umanong isang malaking birthday party ang show at mas pangit pa kaysa sa naitigil na show ng TV5 na Tropang LoL.


Tila hindi naman kaagad na nakapagtimpi ang actor-host na si Paolo Contis at kaagad na inalmahan ang mga bashers niya at maging ng mga panibagong kasamahan niya sa show.


Ayon kay Paolo Contis, nagsisimula pa lamang sila at marami pang matututunan in the process. Ipinunto rin niyang malayo pa sila sa mga dating hosts ng show kagaya na lamang ng TVJ.


Ibinahagi pa ni Paolo Contis na sa kabila ng bashing na kanilang natatanggap ngayon mula sa mga netizens, masaya siyang naging maayos naman ang kinalabasan ng kanilang first day sa Eat Bulaga.


Hiling din ni Paolo Contis na bigyan sila ng pagkakataon ng mga televiewers na patunayan ang kanilang kalidad sa paghohost.


Nilinaw din niya ang isyung sinasapawan nila at iniinsulto ang mga dating host ng show.


“Ang goal lang naman namin is magtrabaho at magpasaya ng tao. Wala kaming gustong apakan na tao.”




Alden Richard Umamin Na Sa Totoong Dahilan Kung Bakit Pumanig Sa Mga Jalosjos!Nakakagulat!....

Walang komento

 


Asia's Multi Media Star na si Alden Richards may nakakagulat na rebelasyon kung bakit siya ay mas piniling manatili at hindi sumama sa pagkalas.


Naging usap-usapan ngayon sa social media ang pananatili ni Alden Richards sa noontime show na Eat Bulaga, kahit pa nagsipag-alisan na ang lahat ng host ng naturang programa.


Kasalukuyan kasing nakakontrata si Alden sa GMA kaya naman mananatili siya sa Eat Bulaga.


Matatandaang umosbong ang karera ni Alden sa Eat Bulaga at mas sumikat siya ng mabuo nila ang tambalang AlDub nila ni Maine Mendoza.


Kaya ngayon ay hirap na hirap daw ngayon ang loob ng sikat na actor na si Alden Richards sa sitwasyon na mga nangyayari ngayon sa noontime show na Eat Bulaga.


Kaya kahit anu man daw ang pagtangging gawin ni Alden ay wala parin siyang magagawa dahil nasa GMA7 parin ang huling pagpapasya dahil sila ang namamahala ngayon sa karera nitong si Alden Richards.


Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na magpapatuloy parin ang nasabing programa matapos na nagsi-alisan ang mga dati nitong host.


Kaya naman ikinagulat ng marami ng Opisyal na nga nilang ipinakilala ang mga bagong host ng naturang programa na sina, Boboy Villar, Paolo Contis, Betong Sumaya, ang kambal na anak nina Carmina at Zoren Legaspi na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi.


At ang rumored girlfriend ng presidential son at kongresistang si Sandro Macos, walang iba kundi ang actress na si Alexa Miro bilang mga bagong host na magpapasaya ng bawat tanghali sa mga manonood.


Sa ngayon nga ay marami parin ang nalulongkot na mga netizens sa pagkat hindi na nila makikita pa ang Trio sa Eat Bulaga dahil na palitan na ang mga ito ng mga bagong host.


Ngunit kahit na palitan na nga daw ang mga original na mga host ng Eat Bulaga at umere na nga itong muli ay tila hindi parin nasiyahan ang karamihan sa mga manonood at tila ba hindi nila nagustohan ang mga bagong host ng show at medyo korne lang daw tingnan.


Mayroon din namang nagsasabi na baka naninibago lamang sila dahil wala na ang Trio na sina Tito, Vic at Joey, maging ang Jowapao at si Maine Mendoza at ang iba pang mga host nito na napamahal na doin ng sobra sa mga masusugid na mga tagasubaybay ng naturang programa.










Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo