Original Eat Bulaga' Magbabalik Nasa July 3 Tito, Vic at Joey May Malalaking Rebelasyon!....

Martes, Hunyo 6, 2023

/ by Jerome

 


Mga original host ng Eat Bulaga magbabalik na sa July 3, ito ang kinumpirma ni Tito Sotto sa isang panayam, kaya naman lubos ang tuwa ngayon ng mga taga subaybay ng naturang Variety show.


Sinabi ni Tito Sen sa isang eksklusibong panayam nitong Lunes June 5 na kasalukuyang nakikipag-usap ang kanilang kampo sa ibang network.


At maaaring ianunsyo nila sa lalong madaling panahon ang bagong tahanan ng Eat Bulaga.


Aniya, "Wala pa tayon disesyon, nagkasundo kami sa July 7, ay handa na kaming magpahayag."


Dagdag niya pa, "If things works out the way we want it to, maybe atleast first week of July makakapagpalabas na tayo."


Matapos ang ang halos 44 years nagkagulo  nga ang pinakamatagal na variety show ng Bansa, ang Eat Bulaga.


Talaga namang marami ang nalongkot sa pagkalas na ng TVJ sa TAPE incorporated at ng ibang mga host ng naturang programa.


Ngunit sa pagkakataon ngang ito ay marami nga ang nagulat at sumaya sa balitang ito na magbabalik na nga ang original na Eat Bulaga at wala daw paki ang mga netizens kahit saang network man ito ipalabas dahil papanoorin parin nila ito.


Talagang hindi nga maipagkakaila na marami nga ang mga loyal na mga netizens sa mga dating host ng Eat Bulaga dahil kung saan man ito ma ilipat na stasyon ay susubaybayan parin daw nila ang show ng mga ito.


Nakalulongkot lang talagang isipin ang mga ganitong pangyayari, na sana ay dapat na nagkakasundo at nagsasaya, at patuloy na magpapasaya ang mahaba nilang pagsasama ay bigla nalang nawala.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo