May Kahati Pala Si Vic Sotto Sa Paggawa Ng Eat Bulaga Theme Song

Martes, Hunyo 6, 2023

/ by Lovely

Nilinaw ng isang nakakaalam ng kasaysayan ng Eat Bulaga! ang maling akala ng ibang mga tao na si Vic Sotto lamang ang nag-iisang gumawa ng theme song ng longest-running noontime show ng bansa.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, si Vic Sotto ang composer ng melody ng Eat Bulaga!, habang si Vincent Dy Buncio ang sumulat ng lyrics nito.


Matatandaan na kumakalat noon sa ilang social media platforms na tanging si Vic Sotto lamang ang gumawa ng theme song ng Eat Bulaga.


Nilinaw din na taliwas sa pahayag ng anak ni Joey De Leon na si Jako, na produkto ng Little Miss Philippines si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Totoong sumali noon si Catriona sa Little Miss Philippines 1999 subalit nangyari ito sa Australia at hindi sa Eat Bulaga.


Matatandaan na noon paman ay iginiit na ng TVJ na sila at ang Eat Bulaga ay iisa lamang dahil sila umano ang bumuo nito.


Subalit, sa kanilang pag-alis ay tila hindi nila nadala ang trademark ng Eat Bulaga dahil kumuha na ng mga panibagong hosts ang mga Jalosjos na siyang papalit sa kanila sa Eat Bulaga at tuloy pa rin ang pagpapalabas nito ng mga panibagong episodes.


Samantala sa isang panayam kay Tito Sotto nilinaw niyang biglaan lamang ang kanilang pamamaalam noong May 31.


"Ang usapan namin, pasok kami lahat, pati ako — hindi naman ako pumapasok ng Wednesday — para mag-usap kami kung anong desisyon, kung anong gagawin, kung anong plano kasi hindi naman natutupad‘yung mga sinasabi.


"Nung pagdating namin doon, mga 11, 11:30, nag-uusap na kami. Siguro itong isa sa mga anak na nadodoon, nakita nagmi-meeting kami, kinabahan na baka may gawin kami.


"Aba, biglang ipina-cancel yung live, nagpa-order daw ng playback si Romy. Si Romy raw nagpa-order ng playback."


"Nagdesisyon na kami! Ano pang hinihintay namin? Lahat na lang ng kilos namin…


"So we decided na finally. Ang naging instant reaction, we finally decided na sapagkat ganun ang trato nila, e.


"Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na…Tapos iba sinasabi sa tao, iba naman ang ginagawa. Yun ang istorya nun."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo