Bea Alonzo Pumut0k Ang Labi Dahil Sa Sampal

Martes, Hunyo 6, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng batikang aktres na si Bea Alonzo sa vlog ni Mariel Padilla ang kanyang hindi malilimutang karanasan sa pagtatrabaho sa entertainment industry.


Si Bea Alonzo ay isa sa pinakamatagal ng artista sa industriya ng showbiz. Sa kanyang 22 years sa industriya ay nakagawa na siya ng maraming pelikula at maging mga teleserye. Si Bea Alonzo rin ang tinaguriang Movie Queen ng bansa.


Sa vlog ni Mariel, sumabak si Bea Alonzo sa 'Two Truth One Lie Challenge'. Dito, ibinahagi ni Bea ang kanyang hindi malilimutang mga karanasan sa pagtatrabaho sa industriya.


Isa umano sa hindi niya malilimutang karanasan kasama ang aktres na si Carmi Martin ay iyong nasa 17 years old pa lamang siya at baguhan pa lamang noon sa industriya.


May isang ekesena umano sila ni Carmi na ilang beses kinunan. Sa partikular na eksenang ito, kinailangan nilang magsampalan.


Ilang beses umano siyang nasasampal nito sa isang take kaya naman dahil paulit-paulit sila ay dumugo na umano ang kanyang mga labi dala na rin sa mga accesories nito sa kanyang mga kamay.


“Alam mo yung pumupunta ako sa dressing room ko yung totoong umiiyak na ‘ko kasi naaawa na ako sa sarili ko. 17 years old lang ako nun… Kaya aging close kami ni Tita Carmi kasi si Tita Carmi ang umiiyak for me,” pagbabahagi pa ni Bea Alonzo.


Ibinahagi pa ni Bea Alonzo na minsan ay totoo rin siyang nasasampal ng ilang male actors sa mga pelikula at teleseryeng pinagbibidahan niya.


Dahil sa pagsisiwalat na ito ni Bea Alonzo, mahihinuha na ang buhay ng isang artista ay hindi puro pasarap at aktingan lamang. Minsan ay nasasaktan din sila ng physical sa ilang mga eksena na kailangan ng pisikalan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo