Sparkle GMA Ibinahagi Ang Ilang Cute Snaps Ng Bagong Eat Bulaga Hosts

Martes, Hunyo 6, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center sa kanilang official social media page ang ilang mga cute snaps ng mga bagong hosts ng Eat Bulaga.


Ang mga nasabing larawan ay kuha mismo sa loob ng APT studios sa Cainta, Rizal na naging tahanan ng Eat Bulaga mula noong December 2018.


"Here are some cute snaps of Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Kokoy De Santos, and XOXO’s Dani Ozaraga, Mel Caluag, and Lyra Micolob on today’s episode of Eat Bulaga!" caption ng Sparkle sa kanilang post.


Umani naman ito ng samu't-saring mga komento at reaksyon mula sa mga netizens na hindi matanggap na wala na ang TVJ sa Eat Bulaga.


Gayunpaman may mga nagsasabi rin na itigil na ang pambabash sa mga panibagong hosts dahil wala naman silang kasalanan.


"Huwag gamitin yung name ng eat bulaga ! Delikadesa nalang sana !"


"Yong may nag co comment ng hindi maganda jusko naman pinoy tlaga.. wag nyo ibash yong mga artist nagtatrabaho lng nman sila kung ayaw nyo manood di wag simple as that bakit pa kayo nagsasalita ng di maganda.."


"Ibahin nalang po ang name ng show mas maganda pa pakinggan..kasi kung eatbulaga parin tatak tvj na yun ay yung ibang original host ang hahanapin.."


"please No for bashing , wala namang maling ginawa ang mga artists nagtatrabaho lang po sila .. nakakalungkot man pero respeto pa rin ang ipairal natin dahil kahit ang TVJ at mga original na hosts ay hindi rin magugustuhan na maibash ang mga bagong hosts ng EB .. God Bless "


Hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi natutuwang ginagamit pa rin ng TAPE ang Eat Bulaga kahit pa wala na ang mga original host nito na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo