Julie Anne San Jose Excited Na Gagawa Muli Ng Ep Album!...

Martes, Hunyo 6, 2023

/ by Jerome

 


Kumpirmadong gagawa ulit ng bagong album o di kaya ay extended play o EP ang singer actress na si Julie Ann San Jose.


Nakumpirma ito dahil sa ibinahaging post ng managing derictor ng Universal Records na si Kathleen Dygo.


Caption niya sa kanyang post, "Great seeing you today Jules!"

"I am so proud that you still prove to be one of the most remarkable stars of today. The monumental success of Maria Clara at Ibarra is truly one of a kind. Likewise, your current version of “Pag-ibig Na Kaya” with Rayver now has almost 2 million streams on Spotify and continues to resonate to the new generation. Looking forward to your new releases soon! @myjaps @universalrecordsph."


Kaya naman sobrang excited na ngayon ang mga fans ni Julie Ann, sa kanyang bagong ihahadog na kanta.


Matatandaang 2018 nag sign si Julie Ann sa label recors na ito at kung susumahin ay mga apat o limang taon na siya dito at nakapag labas na din siya ng Album niya rito ito ay ang BreakThrough.


Matapos naman ang paglabas ng album na ito ni Julie Ann ay nagfocus muna siya at ang kanyang label records ng mga singles, na talagang magagandang mga kanya natatagos sa bawat puso ng makakarinig ng kanyang kanta.


Nagsimula si Julie Ann sa GMA records at nakapagrelease siya ng tatlong album, Ito ay ang Julie Ann San Jose na naka kuha ng Diamond Awards, at siya lang ang pinakabatang singer nakakuha ng ganiton parangal o award.


Kaya naman talagang maraming humahanga kay Julie Ann sa kanyang mga napagtagumpayan sa buhay, lalo na ay sa kabila ng kanyang kasikatan na tinatamasa ngayon ay hindi parin ito nagbabago sa kanyang pag-uugali.


 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo