Xander Ford, Sinisisi Si Christian Merck Grey Sa Pag-Iwan Sa Kanya Ni Gena Mago

Martes, Hunyo 6, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang nag-iingay sa social media si Xander Ford Arizala, matapos umanong iwan siya ng kanyang kinakasama na si Gena Mago.


Sa videong ibinahagi ni Xander Ford, sinisisi niya si Christian Merck Grey sa pagpopost nito ng video sa kanilang bigayan ng pera.


Dahil umano rito, tuluyan na siyang iniwan ng kanyang ka live in partner na si Gena Mago kasama ang kanilang anak na si Baby Xeres.


Kaya naman, sinisisi ngayon ni Xander Ford si Christian Merck Grey sa pagsira umano nito sa relasyon nila ng kanyang kinakasama.


“Sobra ang ginawa mo Merck, sobra… Parang gusto nalang kitang sapakin,” saad pa ni Xander Ford.


Hiniling din ni Xander Ford kay Christian Merck Grey na burahin na ang ibinahagi nitong video kung saan makikita ang pagbibigay nito sa kanya ng 350 thousand pesos.


Subalit, ayon kay Christian Merck Grey ay buburahin lamang niya ang video kung isasauli na ni Xander Ford sa kanya kahit kalahati lamang ng perang ibinigay niya.


Sa kasamaang palad, isiniwalat ni Xander Ford na nasa 13000 na lamang ang natitira sa perang ibinigay ni Merck matapos ang dalawang araw.


Nagbanta pa si Xander Ford na pupunta siya sa tanggapan ng Face to Face upang magdemand kay Christian Merck Grey na burahin nito ang video na ikinasira umano ng relasyon nila ng kanyang kinakasama.


“Ngayon, sige, titignan ko Christian Merck Grey kung hanggang saan yang galing mo. “Kakausapin ko yung staff ng TV5 na dun sa Face to Face kung pupuwede akong mag-ano dun sa kanila para malaman din nila at malaman ng mga tao yung side ko.”


Sa kabilang banda, hindi naman malinaw kung totoong iniwan na nga ba si Xander ni Gena Mago o sadyang ginagamit na lamang ito ni Xander para sa content.


Matatandaan na siya ang unang nagbahagi sa social media ng video kung saan sinisingil niya si Christian Merck Grey sa ipinangako umano nitong pera para sa binyag ng anak.


Subalit, base sa pahayag ni Xander noong natanggap na niya ang pera mula kay Merck inamin niya mismong wala naman palang ipinangako si Merck sa kanya.


Dahil, dito iniisip ng ilang netizens na kaya pinapabura ni Xander ang video ay dahil nalaman na ng lahat na wala naman palang ipinangako sa kanya si Merck.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo