Liza Soberano May Bagong Jowang Afam

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang mga isiniwalat ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin patungkol sa pagkakaroon ng bagong jowa ng aktres na si Liza Soberano.


Sa latest episode ng “Showbiz Now Na!”, napag-usapan ng kolumnista, kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez, ang present love life ni Liza Soberano. Ibinahagi nila ang balita na tila may bagong manliligaw si Liza Soberano habang nasa Amerika ito.


Matatandaang, nauna nang naibalita ni Ogie Diaz, dating talent manager ng aktres na si Liza Soberano, ang hiwalayan nila ng kanyang nobyo at kalove team na si Enrique Gil.


“May mga nagasasabi na meron siyang boyfriend na porenero. May banyaga na raw na boyfriend si Liza,” pagsisiswalat ni Cristy Fermin.


May mga nagtatanong pa umano kung si James Reid nga ba ang kanyang tinutukoy na bagong boyfriend ni Liza Soberano dahil ito ang kasa-kasama ng aktres ngayon dahil sa pagiging manager.


Subalit, inaalis ni Manay Cristy ang posibilidad nito ngayon dahil sa pagkakalink naman ni James Reid kay Issa Pressman na kapatid ng aktres na si Yassi Pressman.


“American dream, gusto niyang maging Hollywood star. Pupwede naman siyang mangarap na nandiyan pa rin si Enrique. Sino kaya ‘yung sinasabi ng mga tao na foreigner daw ang kanyang karelasyon,” dagdag pang patanong ni Manay Cristy Fermin.


Matatandaan na unang lumabas ang bali-balitang hiwalay na ang real life couple na sina Enrique Gil at Liza Soberano nang mapansin ng kanilang mga tagahanga at ng mga netizens na hindi na sila nagbabahagi ng update sa kani-kanilang social media na magkasama.


Kapansin-pansin rin umano sa mga interviews ni Liza Soberano ang hindi nito pagbabanggit kay Enrique Gil bilang kanyang nobyo. Tila lumalabas pang napilitan lamang si Liza na mahalin si Enrique Gil para magbloom ang kanilang loveteam at upang mas mahalin sila ng kanilang mga tagahanga.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo