Herlene Budol, Ipinakita Ang Kanyang 'Palengke' Walk

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Lovely


 Ipinasilip na ng beauty queen-actress-vlogger-host na si Herlene Budol ang kanyang palengke walk na talaga namang hinangaan ng mga netizens.


Matatandaang nauna nang naiulat ang pagsali ni Herlene Budol sa panibagong beauty pageant, ang Miss Grand International 2023.


“Ito po ang inyong nag-iisang Magandang Dilag, Herlene Hipon Budol. Celebrity Actress, TV Host, Comedienne, Recording Artist, Vlogger, Bb. Pilipinas 2022 1st Runner Up. Sasabak ulit tayo sa mas engGRANDeng laban. Mas-bonggang patimpalak ng kagandahan!” pagbabalita pa ni Herlene.


Samantala, kamakailan lamang ay ibinahagi ni Herlene Budol sa kanyang Instagram account ang kanyang pagsasanay para sa darating na kompetiyon.


"Ganito daw ako mag lakad si Hipon girl papuntang palengke!" caption pa ni Herlene sa kanyang video post.


Agad naman itong umani ng mga papuri mula sa mga netizens at ng kanyang mga fans.


"Parang mas bagay na ikaw ang lumaban nung Miss U! Di bagay ung representative natin eh hahahhaa"


"Konteng lambot ng balakang lalo na pag naglalakad, Mahusay mga Latina sa paglalakad, konteng landi and fierce and stand up with confidence.makukuha mo din ang tamang projection"


"Sa Thailand grabi galawan kulang na lang mag tumbling sila."


Nakilala si Herlene Budol matapos sumali sa isang contest sa game show ni Willie Revillame na “Wowowin,” at pagkatapos ay kinuha siya ng programa upang maging isa sa mga co-host. Dati siyang inilarawan bilang isang witty girl na may financial problems.


Ginulat naman ni Herlene ang lahat ng sumali siya sa Bb. Pilipinas noong nakaraang taon kung saan siya ang itinanghal bilang 1st runner up.


Nagsign up rin siya para sa Ms. Planet International subalit kalaunan ay nagback out dala ng mga isyung kinakaharap noon ng nasabing kompetisyon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo