Paolo Contis, Nagreact Sa Natatanggap Na Negative Comments Sa Pagiging Host Ng Bagong Eat Bulaga

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Lovely


 Nakakatanggap ngayon ng kaliwa't-kanan na pambabatikos ang mga panibagong hosts ng Eat Bulaga, kabilang na sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Alexa Miro at iba.


Sila ang pumalit sa TVJ at sa mga kasamahan nitong hosts, matapos ang mass resignation ng mga ito noong May 31, 2023.


Samantala, inilabas na ngayong araw ang unang episode ng Eat Bulaga, kasama ang mga bagong hosts at mga panibagong segments na ipinalit sa iniwan ng TVJ.


Gayunpaman, may ilang netizens pa rin ang nagpahayag ng kani-kanilang mga disappointment sa mga hosts maging sa mga segments nito.


May mga nagsasabi pang cheap at pangit ang production number. Marami rin ang kumuntra sa ibang mga hosts lalon-lalo na kay Paolo Contis na kilala bilang isang babaero.


Bukod sa mga hosts, hindi rin nagustuhan ng ilang mga netizens ang segments at palaro ng bagong Eat Bulaga. Nagmukha umanong isang malaking birthday party ang show at mas pangit pa kaysa sa naitigil na show ng TV5 na Tropang LoL.


Tila hindi naman kaagad na nakapagtimpi ang actor-host na si Paolo Contis at kaagad na inalmahan ang mga bashers niya at maging ng mga panibagong kasamahan niya sa show.


Ayon kay Paolo Contis, nagsisimula pa lamang sila at marami pang matututunan in the process. Ipinunto rin niyang malayo pa sila sa mga dating hosts ng show kagaya na lamang ng TVJ.


Ibinahagi pa ni Paolo Contis na sa kabila ng bashing na kanilang natatanggap ngayon mula sa mga netizens, masaya siyang naging maayos naman ang kinalabasan ng kanilang first day sa Eat Bulaga.


Hiling din ni Paolo Contis na bigyan sila ng pagkakataon ng mga televiewers na patunayan ang kanilang kalidad sa paghohost.


Nilinaw din niya ang isyung sinasapawan nila at iniinsulto ang mga dating host ng show.


“Ang goal lang naman namin is magtrabaho at magpasaya ng tao. Wala kaming gustong apakan na tao.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo