Julia Barretto Nag-Post Ng Nakakaantig Na Birthday Message Para Kay Dani Barretto!

Walang komento

Biyernes, Oktubre 21, 2022


Nagbigay ng nakakaantig na mensahe ang aktres na si Julia Barretto para sa kaarawan ng kanyang kapatid na si Dani Barretto.

Ibinahagi ito ni Julia sa kanyang Instagram account kalakip ang larawan nila ni Dani noong kabataan nila. Ayon sa caption ni Julia, "A photo from the day I cut your bangs without your permission (hence why it looks ridiculous)— you didn’t even flinch, or get angry.. that’s you as an ATE. Selfless, forgiving and understanding. Happy happy birthday Dan. I hope this year you give yourself a little bit more, pat yourself on the back a little bit more. You deserve it and more."

Agad namang nagreply si Dani sa mensaheng ito ni Julia sa comment section at sinabing gagawin niya ang lahat para sa ikakasiya ng kanyang mga kapatid.

Samantalang masayang nagdiwang ng kanyang 29th birthday si Dani Barretto na dinaluhan ng kanyang malalapit na kaibigan at pamilya.


Piolo Pascual at Kathryn Bernardo Partnership Tuloy Na!

Walang komento


Mainit na usapin ngayon sa social media ang tambalan nina Piolo Pascual at Kathryn Bernardo matapos lumabas ang balitang magkasosyo ang dalawa sa isang negosyo.

Tiyak na papatok ang negosyo ng dalawa sa dami ng kanilang mga tagahanga. Ayion sa isang netizen ang bubuksang Hotel Resort Boutique ni Piolo Pascual sa El Nido Palawan ay kasosyo din si Kathryn Bernardo at ang ina ng aktres na si Min Bernardo.

Sa kanyang Instagram account ibinahagi ng aktor na malapit nang magbukas ang Isla Amara na located sa El Nido, Palawan. Ibinalita din ng aktor na sa darating na October 28, ang official na pagbubukas nito.

"We are proud to officially open ISLA AMARA BOUTIQUE RESORT on October 28, 2022. We are located at Lio Beach, a five-minute ride from the El Nido airport. Relax by the pool, in the comfort of any one of our newly renovated rooms or immediately run to the beach as soon as you arrive at Isla Amara Boutique Resort. We can also arrange island hopping tours for a hassle and stress free vacation."

Kalakip nito ay ang contact number upang makapareserve at makapag-inquire sa pag-stay doon.



Publiko Nagulat Sa Ginawang Pag-React Ni Tom Rodriguez sa Larawan ni Kim Domingo!

Walang komento


Masaya ang mga tagahanga ng aktor na si Tom Rodriguez sa makita nilang update ng aktor ngayon sa kanyang social media accounts. Makikita sa mga ibinahaging larawan ng aktor na tila nakabangon at naka-move on na itp sa naganap na hiwalayan nila ng asawang si Carla Abellana.

Ibinahagi kamakailan ni Tom Rodriguez na may nakikita na siyang maliliit na pagbabago sa kanyang katawan sa kanyang pag-eexercise. Pansin din ito ng kanyang mga tagahanga na nag-gain na ito ng timbang mula ng bumagsak ang katawan nito ng maghiwalay sila ni Carla.

Ngunit ang mas ikinagulat ng mga netizens ay ang pagrereact at pagkokomento ni Tom Rodriguez sa Instagram post ng aktres na si Kim Domingo. Ibinahagi ni Kim ang isang larawan niya kung saan makikita ang hotness nito.

Makikita sa comment section ng nasabing post ang komento ni Tom Rodriguez na, "At grabe naman ! 😍" Agad naman itong umani ng samu't saring komento mula sa mga netizens. Tanong ng ilan kung ano ang ibig sabihin ng komento ito ng aktor. 

Tila sa nasabing komento ng aktor ipinahayag niya na humahanga siya sa aktres. Komento ng ilan, wala naman umanong masama kung may nagugustuhan man si Tom Rodriguez dahil hiwalay na naman sila ng dating asawa.

Toni Gonzaga Sinisisi Sa Pagbaba Ng Sales Ng Online Shopping App Na Shopee!

Walang komento


Muling napag-usapan sa Youtube vlog ng kolumnista at talent manager na si Ogie Diaz ang pagiging endorser ni Toni Gonzaga sa online shopping app na Shopee.

Napag-usapan nina Ogie Diaz at kanyang mga kasamahan na marami umanong mga sellers at merchants sa Shopee ang nagrereklamo dahil sa mababang sales nila buhat ng ianunsyo ng Shopee na si Toni Gonzaga ang bagong ambassador nila.

Ayon kay Mama Loi, nagrereklamo umano ang ilang mga sellers dahil sa tagal na nilang nasa Shopee ngayon lamang umano bumagsak ng sobrang baba ng kanilang sales.

Sagot naman ni Ogie Diaz, na isa sa mga pangunahing dahilan nito ay ang bagong endorser ng Shopee na si Toni Gonzaga. Bagama't wala naman talagang kasalanan si Toni Gonzaga na siya ang kinuha  ng Shopee.

Matatandaang naging kontrobersiyal noon ang pagiging endorser ni Toni na inalmahan ng marami. May nagbabanta pang buburahin nila ang Shopee App at hindi na muling oorder rito. Tila tinotoo ng iba ang nasabing banta dahil sa pagbagsak ng sales ng Shopee.



Ruffa Gutierrez Ipinasyal Sa Australia Si Annabelle Rama!

Walang komento


Kamakailan lamang ay nagtungo sa Australia ang mag-iinang Anabelle Rama, Raymond Guiterrez at Ruffa Gutierrez.

Ayon sa update na ibinahagi ni Ruffa sa kanyang Instagram account, ang dahilan ng kanilang pagpaparoon ay dahil naimbetahan siyang maging host sa gaganaping Mrs. Universe- Australia Passion and Fashion 2022.

"Sydney, here we come! 🇦🇺 it’s mom’s first time so we can’t wait to show her around," caption ni Ruffa sa kanyang Instagram post.

Nabanggit din ng actress-host Ruffa Gutierrez na first time ng kanyang ina na si Anabelle Rama na makapunta sa Australia. Kaya labis itong na-eexcite.

Samantala, binisita din Raymond ang kanyang kaibigang si Bianca King na matagal nakabase roon.


Tinalakan Ni Jamie Bautista Si Andrea Angeles Matapos Tawaging “Cheater” Ang Asawa!

Walang komento


Matapang na ipinagtanggol ni Jamie Bautista ang kanyang asawa na si Anthony Leodones, matapos itong taaging cheater ni Andres Angeles.

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga pahayag ng sikat na influencer na si Jamie Bautista laban sa isa pang online personality na si Andrea Angeles. Ito'y matapos tawaging cheater at murahin umano ni Andrea Angeles si Anthony Leodones dahil sa pagbabahagi nito ng isang larawan.

Isinulat ni Anthony Leodones sa caption ang expectation vs reality. Tila hindi nagustuhan ni Andrea ang pagkukumpara ni Anthony sa dalawang babae sa larawan lalo na't isa rito ay ang kanyang asawa na si Jamie.

Post ni Andrea Angeles sa kanyang social media account, "Nani tong cheater na ito kumukulit na naman eh."

Agad naman itong nakarating sa mag-asawang Anthony Leodones at Jamie Bautista. Agad na ipinagtanggol ni Jaime ang kanyang asawa at sinabing matagal na ang isyung ito sa pagitan nilang dalawa.

"Sorry sa post!! Medyo nainis lang ako, hindi ako pala post ng gantong bagay pero parang sumosobra na ata pagddown sa partner ko.. Antagal na nung issue okay na okay kami at nagmmove on na pero may ganto padin? Di padin tapos? grabe namang murahin si jordan at tawaging cheater.. Siguro may mga pinagdaanan ka sa mga cheater pero ilahat mo wag lang yung asawa ko. At bakit yung asawa ko? wala kang karapatan pagsalitaan sya ng ganyan dahil kung may mas nakakaalam ng relasyon namin, kami yon. Hindi kami nagsstay sa ganung sitwasyon parehas kami nagmmove on at masaya kami ngayon.. Yung about naman sa post na to sobrang seryoso mo naman sa buhay hindi ba kayo nagaasaran ng partner mo?? Tsaka pano sya naging body shamer? e nakilala nya kong payat at tumaba pero andyan parin sya sakin? yung pinopoint namin dyan is yung nagka kayak na sa unang pic kala mo relaxing ang peg tas pag ikaw na naka experience nakaka kaba pala hindi yung about sa katawan kayo lang naman nagbigay ng maling meaning sa post nya!
Gusto ko lang i-clear yung sitwasyon..
pinansin na kita baka need mo kasi."

Agad namang sumagot si Andrea Angeles na ang pam-bobody shame ni Anthony ang kanyang kino-call out. Komento ni Andrea Angeles, "Hi! First, Salamat po sa pansin 😂 Your husband is a public figure and posted something in public, it’s not uncommon for other people to leave a comment either negative or positive sa posts niyo. I experienced na ma-body shame din on social media and if binasa mo comment ko sa post ko, sinabi ko na hindi ikaw yung concern ko since sabi mo may consent mo nga. Wala na kami magagawa dun. The point here is he’s a PUBLIC FIGURE with millions of followers and yung mga comments ng mga tao nag bbodyshame din (hindi man ikaw) thinking it’s “okay” dahil nga ginagawa ng isang sikat na influencer. I am sorry kung ikaw yung na-offend ko Jamie, but I’m not going to apologize to your husband because some of his posts are not really about spreading good influence and good vibes sa lahat ng tao sa social media."

Bilang sagot tinanong ni Jamie si Andrea kung bakit kailangan pang murahin nito ang kanyang asawa at kung paano din nito nasasabing nambo-body shame si Anthony. Ipinaliwanag din nito ang concept ng post ni Anthony.

Samantala, maging si Anthony Leodones ay sinagot na rin ang isyu at ipinaliwanag muli ang naging concept ng kanyang ibinahaging larawan. Inilahad din niya kung gaano niya kamahal ang kanyang asawa.



Jomari Yllana Inamin Ang Totoong Estado Ng Relasyon Nila Ni Aiko Melendez!

Walang komento


Makahulugan ang naging sagot ng aktres na si Aiko Melendez nang muling maitanong sa kanyang ang tungkol sa kanyang dating asawa na si Jomari Yllana.

May kani-kaniyang buhay na sila ngayon at pareho na ring may ibang karelasyon. Subalit hindi pa rin naiiwasan ang isa't-isa dahil sa pagiging co-parent sa kanilang anak na si Andrew Yllana.

Subalit sa naging pagbibigay ng pahayag ni Aiko hinggil sa kanyang asawa ay mahihinuhang tila may hinanakit pa rin ito kay Jomari. Sa naging presscon sa bagong project ni Aiko na Mano Po Legacy 3, naitanong sa kanya kung ano ang masasabi niya sa relasyon ng dating asawa kay Abby. Naitanong din sa kanya kung ano ang masasabi niya sa naging pahayag ni Jomari na first and last love niya si Priscilla Almeda na kilala rin bilang si Abby Veduya.

Ayon kay Aiko ang iniisip lamang umano niya ay ang  kapakanan ng kanyang anak. Kung masaya na umano ito sa buhay pag-ibig nito ngayon ay wala na siyang pakialam. Inamin din ni Aiko na masaya siya sa kanyang relasyon ngayon sa Congressman na si Jefferson Khonghun. Nais din umano niyang ipa-freeze ang kanyang mga egg cells upang magkakaroon pa siya ng anak kung nanaisin nila ng kanyang partner.


Netizens Agad Nagreact Sa Pahayag Ni Robin Padilla Na Mas Pogi Siya Sa Mga Korean Actors!

Walang komento


Mainit na usapin parin sa mundo ng social media ang mga naging pahayag nina Sen Jinggoy Estrada at Sen. Robin Padilla hinggil sa mga foreign shows na mas tinatangkilik ng mga Pinoy.

Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, dapat ay i-ban ang mga foreign shows na ito upang mas pagtuunan na lamang ng pansin ng mga Pilipino ang mga local shows.

Subalit ayon kay Sen. Robin Padilla mas makakabuting patawan na lamang ng mas mataas na buwis ang mga foreign shows na pumapasok sa bansa upang mabigyan ng ayuda ang mga Pilipino artists na nahihirapan.

Ang ipinagtataka lamang daw ni Sen. Robin Padilla, kunog bakit nahuhumaling ang mga Pinoy sa mga Korean actors gayung mas pogi naman umano silang mga Filipino actors kaysa sa mga Koreans na ito. Ipinunto din ng Senador na hindi siya sumailalim sa pagpaparetoke kaya mas pogi siya sa mga ito.

Tila hindi naman sumang-ayon ang mga K-Drama fans sa mga pahayag ni Sen. Robin. Ayon sa kanila, hindi naman sila nanonood ng K-Drama dahil pogi ang gumaganap na actors dito. Nanonood umano sila dahil sa magagandang plot, uniqueness at magandang cinematograhy.

Panawagan pa ng ilan na kung gusto nilang tangkilikin ng mga Pinoy ang local made shows, dapat ay gumawa sila ng mga palabas na makakatumbas sa mga ipinapalabas ng ibang bansa. Ayon pa ng iba, bakit nangingialam ang mga Senador na ito sa kung ano ang mas pinapanood ng mga tao. Marami namang isyu ang bansa na mas kailangan nilang atupagin kaysa sa pangingialam sa entertainment ng mga tao.

Biro pa ng ilan na baka ay bitter lamang ito dahil pareho silang mga artista at patapon umano ang Pinoy Entertainment.



Robin Padilla, Mas Pogi Daw Siya Kaysa Sa Mga Korean Actors!

Walang komento

 


Labis na nagtataka ang aktor at Senador na si Robin Padilla kung bakit mas nahuhumaling ang mga Pilipino sa mga korean stars. Mas pinipili umano ng mga Pinoy na mas tangkilikin ang mga shows at teleseryes mula sa ibang bansa.

Ayon kay Sen. Robin Padilla, labis siyang nagtataka kung bakit nahuhumaling ang mga Pinoy sa mga Korean dramas, gayung para sa kanya mas gwapo pa rin ang mga Pilipino actors kaysa sa mga ito. Lalo na't wala umanong kahit anong inayos sa kanyang mukha. Kahit pa umano suntukin siya ng ilang beses ay walang problema dahil hindi naman siya nagparetoke.

“Kami po ay naguguluhan dahil kapag tumitingin naman kami sa salamin… mas pogi naman kami sa mga tiga-South Korea. Wala naman inayos sa amin, kasi itong ilong ko kahit suntukin nang ilang beses, walang inayos dito."



Matatandaang nagbabalak si Sen. Jinggoy Estrada na ipa-ban sa Pilipinas ang mga foreign shows upang ang mga local shows na lamang ang mapapanood ng mga tao. Hindi naman umano ito patas ayon kay Sen. Robin Padilla. Aniya, "Maaari po bang taasan natin itong tax ng mga foreign series na pumapasok sa atin para kahit paano po ‘yung subsidiya nito bigay natin sa mga workers sa industriya natin, sa local, kung paano po ginawa natin diyan sa rice tariffication, gawin nating foreign teleserye tariffication dahil marami pong nawawalan ng trabaho dito."

Sang-ayon naman sa mungkahi ni Sen. Robin si Tirzo Cruz III ang Chairman ng FDCP.

Ayon kay Tirzo Crus, “I do believe we Filipinos are better as filmmakers, as actors, but maybe it’s because we’ve been left behind technology-wise and preparation-wise that we can’t be at par with them now."

TV Patrol-Hindi Mapapanuod Sa TV5!

Walang komento

Huwebes, Oktubre 20, 2022


Sa isang pagtitipon ng kompanya ni Manny Pangilinan, tinudukan na nito ang matagal ng usap-usapan ng mga netizens na mapapanood sa TV5 ang TV Patrol ng ABS-CBN.

Marami ang humihiling na sana ay mapanood sa TV5 ang news broadcast na TV Patrol ng ABS-CBN. Subalit ayon kay Manny Pangilinan, mga entertainment shows lamang ng ABS-CBN ang mapapanood sa TV5 at hindi kasali doon ang news program. 

Patuloy pa rin umano ang pag-uusap nila ng ABS-CBN para mas maraming pang shows ng ABS-CBN ang mapapanood sa TV5.

Kylie Verzosa Wagi Bilang Best Actress of the Philippine Sa DIAFA!

Walang komento


Hinirang ang Beauty queen, actress na si Kylie Verzosa bilang “Best Actress of the Year” Ng Dubai International Arab Festival Awards. 

DIAFA is an annual special and renowned red carpet & awards ceremony which celebrates distinguished persons in appreciation of their annual achievements and efforts towards committees and society's progress.

Ang pagkapanalo ni Kylie ay ibinalita mismo ng DIAFA official accounts. Ayon sa kanilang caption, “Announcing one of this year’s honorees, Actress and Beauty Queen Kylie Verzosa will grace the DIAFA Red Carpet and Awards Ceremony and receive her #DIAFA Award for her outstanding role in #TheHousemaid live November 04 from Dubai.”

Kinilala si Kylie Verzosa sa kanyang katangi-tanging pagganap sa pelikulang The Housemaid. Ang pelikulang ito ay ang Philippine adaptatation ng hit South Korean film noong 2010. Ito rin ang kauna-unahang pelikula na pinagbibidahan ni Kylie.

Maasahan na rarampa si Kylie Verzosa sa red carpet ng DIAFA sa susunod na buwan.


Chito Miranda May Mas Magandang Solusyon Sa Kaysa Sa Pagpapa-Ban Na Solusyon Ni Sen. Jinggoy Estrada Sa Mga K-Drama!

Walang komento


Nagbigay ng opinyon ang lead vocal ng Bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda hinggil sa maaring solusyon sa kakulangan ng pagsuporta sa mga local shows.

Matatandaang nagbigay ng solusyon si Sen. Jinggoy Estrada sa kakulangan sa mga sumusuporta sa mga lokal shows. Ayon kay Sen. Jinggoy, "I don't agree with Korean shows, Filipino actors are losing their jobs and income, Im thinking of banning these telenovelasby foreigners that should be Filipino actors who have their own origin."

Samantala ayon kay Chito Miranda, hindi solusyon sa problema ang pagpapaban sa mga shows at acts ng ibang bansa. Bagkus dapat galingan at tumbasan ng mga local artists ang mga ginagawa nila upang hindi mapag-iwanan.

"Targeting foreign shows or acts is not the solution for the lack of support towards local shows and artists. Coming up with better shows and songs, is. As artists, kelangan lang natin galingan mas lalo para sabay tayo sa foreign acts. "Earn" the support. Di pwedeng sapilitan."


Agad naman itong sinang-ayunan ng ilang mga netizens at ipinunto ang ilang dahilan kung bakit mas tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga telenobelas mula sa ibang bansa. Ayon sa ilan, pangit ang plot at paulit-ulit na lamang ang nangyayari sa ending ng mga local teleseries kaya nakakasawa na itong panoodin.

Pinuri din ng iba ang pahayag ni Chito Miranda habang binabatikos ang ibinigay na solusyon ni Sen. Jinggoy Estrada. Nagpapakita lamang umano ng kabitteran itong si Sen. Jinggoy at tila tatanggalan pa ng kalayaan ang mga Pilipino na mamili sa mga nais panoorin na shows.

K-Drama, gustong ipa-BAN sa Pilipinas ni Sen. Jinggoy Estrada; Korean fans umalma!

Walang komento

 



Gusto ni Sen. Jinggoy na ipagbawal ang K-drama sa Pilipinas, pero sabi ni Robin, taasan na lang ang buwis sa mga foreign series!

Mukhang marami ang hindi sumusuporta sa panukala ni Sen. Jinggoy Estrada na ipagbawal o paghigpitan ang pag-eere ng mga Korean drama sa Pilipinas.

Ayon sa aktor at mambabatas, sa halip na tangkilikin ang iba pang seryeng Pinoy, mas nasusuportahan ang K-drama series.

Sinabi ito ni Senator Jinggoy sa sesyon ng Senado noong Martes para talakayin ang 2023 budget ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Chairman Tirso Cruz III.

At dito, sinabi niyang pinag-iisipan niyang i-ban ang serye mula sa iba't ibang bansa tulad ng Korean drama na sinusubaybayan ngayon ng mga Pinoy.

“Chairman Pipo (tawag kay Tirso) sa tingin n’yo ba dahil diyan sa Korean telenovelas, una ako hindi ako sang-ayon dahil ang aking obserbasyon pag patuloy tayong nagpapalabas ng Korean telenovela ang hinahangaan ng ating mga kababayan, itong mga Koreano.

“At mawawalan ng trabaho at kita ‘yung ating mga artistang Pilipino. Kaya minsan pumapasok sa aking isipan na i-ban na itong mga telenovelas ng mga foreigners na dapat ang mga artista nating Pilipino na talagang may angking galing sa pag-arte ay iyon dapat ang ipalabas natin sa sarili nating bansa.

“E, ang pino-promote natin ‘yung mga produkto ng Koreano kaya nagkakaroon tayo halos ng mga produktong Koreano sa atin imbes na ipo-promote natin ang mga sarili natin atin, ang napo-promote ang mga banyaga. Tama po ba ako ro’n Mr. Chair?”

Kasama sa pagdinig si Senator Robin Padilla na ang panukala ay taasan ang buwis sa foreign policy.

“Maaari po bang taasan natin itong tax ng mga foreign series na pumapasok sa atin para kahit paano po ‘yung subsidiya nito bigay natin sa mga workers sa industriya natin, sa local, kung paano po ginawa natin diyan sa rice tariffication, gawin nating foreign teleserye tariffication dahil marami pong nawawalan ng trabaho dito.

“Ang hirap naman pong i-ban natin sila pero dapat po siguro maging patas lang po tayo kawawa po ang ating industriya,”

Sumang-ayon si FDCP Chair Tirso na dapat pantay-pantay ang promosyon at proteksyon ng ating mga panrehiyong eksena.

Pagbabalik kay Senator Jinggoy, marami tayong nabasang komento na hindi sang-ayon sa plano niyang ipagbawal ang K shows sa bansa.

Tila ang isa pang hindi sumusuporta kay sen Jinggoy na nagbabawal sa K-drama ay ang manager niyang si Manay Lolit Solis na isang malaking adik sa K-drama. Noong siya ay may sakit, pumunta siya sa Korea para bisitahin ang ilan sa mga lokasyon kung saan kinukunan ng pelikula ang kanyang mga paboritong Korean stars.

Matapos Ang 13 Years Maricar Reyes May Matinding Rebelasyon Sa Video Nila Ni Hayden Kho!

Walang komento


Matapos ang isang buwan mula nang ipinalabas ni Maricar Reyes ang kanyang isinulat na libro na pinamagatan niyang 'Maricar' muling napag-usapan ng mga netizens ang naging video scandal nina Maricar at Hayden Kho.

Tinalakay ni Maricar sa kanyang libro ang kanyang pinagdaanan sa buhay at kung paano niya nalampasan ang matitinding pagsubok na kanyang napagdaanan. Hindi man nito sinabi kung ano ang tinutukoy niya bilang hardest time of her life, hinuha ng mga netizens na ang tinutukoy nito ay ang pagkalat ng malalaswang video nila ni Hayden.

Si Hayden Kho ay binata pa noon ngunit may relasyon na kay Dra. Vicky Belo nang pumutok ang nasabing isyu.

Ayon kay Maricar, matagal siyang nanahimik tungkol sa isyung ito upang bigyan ang sarili na maghilom. Ngayon, handa na umano siyang pag-usapan ito nang hindi nasasaktan. Isa umano sa mga dahilan niya kung bakit isinulat niya ang libro ay upang makapagbigay inspirasyon. Alam din umano niya na marami ang makakarelate sa kanyang pinagdaanan lalo na ang online shaming.

"2009 - the year when a crisis changed my life. 13 years have passed and I've chosen not to talk about it...until now. Today, I'm finally telling my side of the story — how I bounced back from the darkest chapter of my life. Be one of the first to know about my journey towards overcoming online shame," paglalahad ni Maricar.

Matatandaang baguhan pa lamang sa showbiz si Maricar noong kumalat ang video scandal nila ni Hayden Kho.


Matapos Ang Paghihiwalay Nila Ni Carla Abellana! Ito Ngayon Ang Buhay Ni Tom Rodriguez!

Walang komento


Matapos ang ilang buwan pananahimik sa social media ni Tom Rodriguez, muling nagbahagi ito ng update tungkol sa kasalukuyang pinagkakaabalahan niya ngayon.

Sunod-sunod ang pagbabahagi ni Tom Rodriguez sa kanyang pagpapaganda ng katawan ngayon. Bagama't malayo pa umano ito sa kanyang goal, masaya si Tom na may nakikita na siyang maliit na resulta sa kanyang pagwo-work out.

"I’m still a long way from my goal, but I can’t help but be elated at the difference I feel being in my own body compared to a few months ago. Here’s to everyone surpassing their own personal expectations. Just remember to enjoy the process, focus on the progress, and forget perfection." pagbabahagi ng aktor.

Base sa mga social media post ng aktor, mahihinuha na tila unti-unti na itong nakabangon sa mga pinagdaanan niya at sa paghihiwalay nila ng dating asawa na si Carla Abellana. Usap-usapan din ngayon ang nalalapit na pagbabalik ni Tom Rodriguez sa showbiz at nakahanda na rin umano ang mga proyekto nito.


Nadine Lustre, Ginulat Ang Mga Fans at Netizens!

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon ang aktres na si Nadine Lustre dahil sa kanyang mga larawang kumakalat sa social media.

Marami ang nagulat sa mga larawang ito at tila hindi nila inakala na magagawa ito ng aktres. Makikita sa larawan na nakahubad si Nadine at ang tanging ipinantakip niya sa kanyang hubad na dibdib ay ang kanyang kamay.

Naloka naman ang ilang mga netizens dahil napakadaring ng kanyang mga kuha. Halos hubad na ang aktres. Agad namang bumuhos ang samu't-saring komento mula sa mga netizens na nakakita sa mga larawan nito. May ilan na nagustuhan ang napaka daring nitong shoot at lalong humanga sa kanya ngunit may ilan naman na hindi gusto ang ginawa ng aktres.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo