Netizens Agad Nagreact Sa Pahayag Ni Robin Padilla Na Mas Pogi Siya Sa Mga Korean Actors!

Biyernes, Oktubre 21, 2022

/ by Lovely


Mainit na usapin parin sa mundo ng social media ang mga naging pahayag nina Sen Jinggoy Estrada at Sen. Robin Padilla hinggil sa mga foreign shows na mas tinatangkilik ng mga Pinoy.

Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, dapat ay i-ban ang mga foreign shows na ito upang mas pagtuunan na lamang ng pansin ng mga Pilipino ang mga local shows.

Subalit ayon kay Sen. Robin Padilla mas makakabuting patawan na lamang ng mas mataas na buwis ang mga foreign shows na pumapasok sa bansa upang mabigyan ng ayuda ang mga Pilipino artists na nahihirapan.

Ang ipinagtataka lamang daw ni Sen. Robin Padilla, kunog bakit nahuhumaling ang mga Pinoy sa mga Korean actors gayung mas pogi naman umano silang mga Filipino actors kaysa sa mga Koreans na ito. Ipinunto din ng Senador na hindi siya sumailalim sa pagpaparetoke kaya mas pogi siya sa mga ito.

Tila hindi naman sumang-ayon ang mga K-Drama fans sa mga pahayag ni Sen. Robin. Ayon sa kanila, hindi naman sila nanonood ng K-Drama dahil pogi ang gumaganap na actors dito. Nanonood umano sila dahil sa magagandang plot, uniqueness at magandang cinematograhy.

Panawagan pa ng ilan na kung gusto nilang tangkilikin ng mga Pinoy ang local made shows, dapat ay gumawa sila ng mga palabas na makakatumbas sa mga ipinapalabas ng ibang bansa. Ayon pa ng iba, bakit nangingialam ang mga Senador na ito sa kung ano ang mas pinapanood ng mga tao. Marami namang isyu ang bansa na mas kailangan nilang atupagin kaysa sa pangingialam sa entertainment ng mga tao.

Biro pa ng ilan na baka ay bitter lamang ito dahil pareho silang mga artista at patapon umano ang Pinoy Entertainment.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo