Julia Barretto Nag-Post Ng Nakakaantig Na Birthday Message Para Kay Dani Barretto!

Biyernes, Oktubre 21, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng nakakaantig na mensahe ang aktres na si Julia Barretto para sa kaarawan ng kanyang kapatid na si Dani Barretto.

Ibinahagi ito ni Julia sa kanyang Instagram account kalakip ang larawan nila ni Dani noong kabataan nila. Ayon sa caption ni Julia, "A photo from the day I cut your bangs without your permission (hence why it looks ridiculous)— you didn’t even flinch, or get angry.. that’s you as an ATE. Selfless, forgiving and understanding. Happy happy birthday Dan. I hope this year you give yourself a little bit more, pat yourself on the back a little bit more. You deserve it and more."

Agad namang nagreply si Dani sa mensaheng ito ni Julia sa comment section at sinabing gagawin niya ang lahat para sa ikakasiya ng kanyang mga kapatid.

Samantalang masayang nagdiwang ng kanyang 29th birthday si Dani Barretto na dinaluhan ng kanyang malalapit na kaibigan at pamilya.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo