Robin Padilla, Mas Pogi Daw Siya Kaysa Sa Mga Korean Actors!

Biyernes, Oktubre 21, 2022

/ by Lovely

 


Labis na nagtataka ang aktor at Senador na si Robin Padilla kung bakit mas nahuhumaling ang mga Pilipino sa mga korean stars. Mas pinipili umano ng mga Pinoy na mas tangkilikin ang mga shows at teleseryes mula sa ibang bansa.

Ayon kay Sen. Robin Padilla, labis siyang nagtataka kung bakit nahuhumaling ang mga Pinoy sa mga Korean dramas, gayung para sa kanya mas gwapo pa rin ang mga Pilipino actors kaysa sa mga ito. Lalo na't wala umanong kahit anong inayos sa kanyang mukha. Kahit pa umano suntukin siya ng ilang beses ay walang problema dahil hindi naman siya nagparetoke.

“Kami po ay naguguluhan dahil kapag tumitingin naman kami sa salamin… mas pogi naman kami sa mga tiga-South Korea. Wala naman inayos sa amin, kasi itong ilong ko kahit suntukin nang ilang beses, walang inayos dito."



Matatandaang nagbabalak si Sen. Jinggoy Estrada na ipa-ban sa Pilipinas ang mga foreign shows upang ang mga local shows na lamang ang mapapanood ng mga tao. Hindi naman umano ito patas ayon kay Sen. Robin Padilla. Aniya, "Maaari po bang taasan natin itong tax ng mga foreign series na pumapasok sa atin para kahit paano po ‘yung subsidiya nito bigay natin sa mga workers sa industriya natin, sa local, kung paano po ginawa natin diyan sa rice tariffication, gawin nating foreign teleserye tariffication dahil marami pong nawawalan ng trabaho dito."

Sang-ayon naman sa mungkahi ni Sen. Robin si Tirzo Cruz III ang Chairman ng FDCP.

Ayon kay Tirzo Crus, “I do believe we Filipinos are better as filmmakers, as actors, but maybe it’s because we’ve been left behind technology-wise and preparation-wise that we can’t be at par with them now."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo