Tinalakan Ni Jamie Bautista Si Andrea Angeles Matapos Tawaging “Cheater” Ang Asawa!

Biyernes, Oktubre 21, 2022

/ by Lovely


Matapang na ipinagtanggol ni Jamie Bautista ang kanyang asawa na si Anthony Leodones, matapos itong taaging cheater ni Andres Angeles.

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga pahayag ng sikat na influencer na si Jamie Bautista laban sa isa pang online personality na si Andrea Angeles. Ito'y matapos tawaging cheater at murahin umano ni Andrea Angeles si Anthony Leodones dahil sa pagbabahagi nito ng isang larawan.

Isinulat ni Anthony Leodones sa caption ang expectation vs reality. Tila hindi nagustuhan ni Andrea ang pagkukumpara ni Anthony sa dalawang babae sa larawan lalo na't isa rito ay ang kanyang asawa na si Jamie.

Post ni Andrea Angeles sa kanyang social media account, "Nani tong cheater na ito kumukulit na naman eh."

Agad naman itong nakarating sa mag-asawang Anthony Leodones at Jamie Bautista. Agad na ipinagtanggol ni Jaime ang kanyang asawa at sinabing matagal na ang isyung ito sa pagitan nilang dalawa.

"Sorry sa post!! Medyo nainis lang ako, hindi ako pala post ng gantong bagay pero parang sumosobra na ata pagddown sa partner ko.. Antagal na nung issue okay na okay kami at nagmmove on na pero may ganto padin? Di padin tapos? grabe namang murahin si jordan at tawaging cheater.. Siguro may mga pinagdaanan ka sa mga cheater pero ilahat mo wag lang yung asawa ko. At bakit yung asawa ko? wala kang karapatan pagsalitaan sya ng ganyan dahil kung may mas nakakaalam ng relasyon namin, kami yon. Hindi kami nagsstay sa ganung sitwasyon parehas kami nagmmove on at masaya kami ngayon.. Yung about naman sa post na to sobrang seryoso mo naman sa buhay hindi ba kayo nagaasaran ng partner mo?? Tsaka pano sya naging body shamer? e nakilala nya kong payat at tumaba pero andyan parin sya sakin? yung pinopoint namin dyan is yung nagka kayak na sa unang pic kala mo relaxing ang peg tas pag ikaw na naka experience nakaka kaba pala hindi yung about sa katawan kayo lang naman nagbigay ng maling meaning sa post nya!
Gusto ko lang i-clear yung sitwasyon..
pinansin na kita baka need mo kasi."

Agad namang sumagot si Andrea Angeles na ang pam-bobody shame ni Anthony ang kanyang kino-call out. Komento ni Andrea Angeles, "Hi! First, Salamat po sa pansin 😂 Your husband is a public figure and posted something in public, it’s not uncommon for other people to leave a comment either negative or positive sa posts niyo. I experienced na ma-body shame din on social media and if binasa mo comment ko sa post ko, sinabi ko na hindi ikaw yung concern ko since sabi mo may consent mo nga. Wala na kami magagawa dun. The point here is he’s a PUBLIC FIGURE with millions of followers and yung mga comments ng mga tao nag bbodyshame din (hindi man ikaw) thinking it’s “okay” dahil nga ginagawa ng isang sikat na influencer. I am sorry kung ikaw yung na-offend ko Jamie, but I’m not going to apologize to your husband because some of his posts are not really about spreading good influence and good vibes sa lahat ng tao sa social media."

Bilang sagot tinanong ni Jamie si Andrea kung bakit kailangan pang murahin nito ang kanyang asawa at kung paano din nito nasasabing nambo-body shame si Anthony. Ipinaliwanag din nito ang concept ng post ni Anthony.

Samantala, maging si Anthony Leodones ay sinagot na rin ang isyu at ipinaliwanag muli ang naging concept ng kanyang ibinahaging larawan. Inilahad din niya kung gaano niya kamahal ang kanyang asawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo