Toni Gonzaga Sinisisi Sa Pagbaba Ng Sales Ng Online Shopping App Na Shopee!

Biyernes, Oktubre 21, 2022

/ by Lovely


Muling napag-usapan sa Youtube vlog ng kolumnista at talent manager na si Ogie Diaz ang pagiging endorser ni Toni Gonzaga sa online shopping app na Shopee.

Napag-usapan nina Ogie Diaz at kanyang mga kasamahan na marami umanong mga sellers at merchants sa Shopee ang nagrereklamo dahil sa mababang sales nila buhat ng ianunsyo ng Shopee na si Toni Gonzaga ang bagong ambassador nila.

Ayon kay Mama Loi, nagrereklamo umano ang ilang mga sellers dahil sa tagal na nilang nasa Shopee ngayon lamang umano bumagsak ng sobrang baba ng kanilang sales.

Sagot naman ni Ogie Diaz, na isa sa mga pangunahing dahilan nito ay ang bagong endorser ng Shopee na si Toni Gonzaga. Bagama't wala naman talagang kasalanan si Toni Gonzaga na siya ang kinuha  ng Shopee.

Matatandaang naging kontrobersiyal noon ang pagiging endorser ni Toni na inalmahan ng marami. May nagbabanta pang buburahin nila ang Shopee App at hindi na muling oorder rito. Tila tinotoo ng iba ang nasabing banta dahil sa pagbagsak ng sales ng Shopee.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo