Publiko Nagulat Sa Ginawang Pag-React Ni Tom Rodriguez sa Larawan ni Kim Domingo!

Biyernes, Oktubre 21, 2022

/ by Lovely


Masaya ang mga tagahanga ng aktor na si Tom Rodriguez sa makita nilang update ng aktor ngayon sa kanyang social media accounts. Makikita sa mga ibinahaging larawan ng aktor na tila nakabangon at naka-move on na itp sa naganap na hiwalayan nila ng asawang si Carla Abellana.

Ibinahagi kamakailan ni Tom Rodriguez na may nakikita na siyang maliliit na pagbabago sa kanyang katawan sa kanyang pag-eexercise. Pansin din ito ng kanyang mga tagahanga na nag-gain na ito ng timbang mula ng bumagsak ang katawan nito ng maghiwalay sila ni Carla.

Ngunit ang mas ikinagulat ng mga netizens ay ang pagrereact at pagkokomento ni Tom Rodriguez sa Instagram post ng aktres na si Kim Domingo. Ibinahagi ni Kim ang isang larawan niya kung saan makikita ang hotness nito.

Makikita sa comment section ng nasabing post ang komento ni Tom Rodriguez na, "At grabe naman ! 😍" Agad naman itong umani ng samu't saring komento mula sa mga netizens. Tanong ng ilan kung ano ang ibig sabihin ng komento ito ng aktor. 

Tila sa nasabing komento ng aktor ipinahayag niya na humahanga siya sa aktres. Komento ng ilan, wala naman umanong masama kung may nagugustuhan man si Tom Rodriguez dahil hiwalay na naman sila ng dating asawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo