Piolo Pascual at Kathryn Bernardo Partnership Tuloy Na!

Biyernes, Oktubre 21, 2022

/ by Lovely


Mainit na usapin ngayon sa social media ang tambalan nina Piolo Pascual at Kathryn Bernardo matapos lumabas ang balitang magkasosyo ang dalawa sa isang negosyo.

Tiyak na papatok ang negosyo ng dalawa sa dami ng kanilang mga tagahanga. Ayion sa isang netizen ang bubuksang Hotel Resort Boutique ni Piolo Pascual sa El Nido Palawan ay kasosyo din si Kathryn Bernardo at ang ina ng aktres na si Min Bernardo.

Sa kanyang Instagram account ibinahagi ng aktor na malapit nang magbukas ang Isla Amara na located sa El Nido, Palawan. Ibinalita din ng aktor na sa darating na October 28, ang official na pagbubukas nito.

"We are proud to officially open ISLA AMARA BOUTIQUE RESORT on October 28, 2022. We are located at Lio Beach, a five-minute ride from the El Nido airport. Relax by the pool, in the comfort of any one of our newly renovated rooms or immediately run to the beach as soon as you arrive at Isla Amara Boutique Resort. We can also arrange island hopping tours for a hassle and stress free vacation."

Kalakip nito ay ang contact number upang makapareserve at makapag-inquire sa pag-stay doon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo