Jomari Yllana Inamin Ang Totoong Estado Ng Relasyon Nila Ni Aiko Melendez!

Biyernes, Oktubre 21, 2022

/ by Lovely


Makahulugan ang naging sagot ng aktres na si Aiko Melendez nang muling maitanong sa kanyang ang tungkol sa kanyang dating asawa na si Jomari Yllana.

May kani-kaniyang buhay na sila ngayon at pareho na ring may ibang karelasyon. Subalit hindi pa rin naiiwasan ang isa't-isa dahil sa pagiging co-parent sa kanilang anak na si Andrew Yllana.

Subalit sa naging pagbibigay ng pahayag ni Aiko hinggil sa kanyang asawa ay mahihinuhang tila may hinanakit pa rin ito kay Jomari. Sa naging presscon sa bagong project ni Aiko na Mano Po Legacy 3, naitanong sa kanya kung ano ang masasabi niya sa relasyon ng dating asawa kay Abby. Naitanong din sa kanya kung ano ang masasabi niya sa naging pahayag ni Jomari na first and last love niya si Priscilla Almeda na kilala rin bilang si Abby Veduya.

Ayon kay Aiko ang iniisip lamang umano niya ay ang  kapakanan ng kanyang anak. Kung masaya na umano ito sa buhay pag-ibig nito ngayon ay wala na siyang pakialam. Inamin din ni Aiko na masaya siya sa kanyang relasyon ngayon sa Congressman na si Jefferson Khonghun. Nais din umano niyang ipa-freeze ang kanyang mga egg cells upang magkakaroon pa siya ng anak kung nanaisin nila ng kanyang partner.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo