Julia Barretto Tiwalang Hindi Sasaktan Ni Gerald | Feels Safe & Secure!

Walang komento

Miyerkules, Setyembre 21, 2022


Naglabas na ng pahayag si Julia Barretto sa kinakaharap na isyu ng hiwalayan nila ng boyfriend na si Gerald Anderson.

Sa panayam ni Karen Davila kay Julia Barretto, sinagot ni Julia ang ilang mga katanungan hinggil sa kanilang relasyon. Ayon kay Julia nararamdaman umano niyang safe siya sa piling ng boyfriend. Sinabi rin ni Julia na tila nasasanay na siya sa mga nagpapakalat ng isyung hiwalay na sila ng aktor, ngunit ipinunto niyang hindi sila naghihiwalay at maghihiwalay.

Buo din umano ang loob ni Julia na hindi siya sasaktan at lolokohin ng boyfriend. Hindi din umano siya binibigyan ng rason ni Gerald na magduda sa pagmamahal nito sa kanya. Sinabi din ni Julia isa sa mga nagustuhan niya sa aktor ay ang kabaitan nito at ito rin umano ang nag-udyok sa kanya upang maging mas mabuting tao.

Matatandaang kumalat ang balita noong naghiwalay sina Julia at Gerald matapos pumunta ng Swirzerland ng aktor para sa filming nila ni Kylie Padilla para sa kanilang pelikula.



Toni Gonzaga at Paul Soriano Sinuprise Ang Anak Ni Sen. Mark Villar! Pamilya Villar Sobrang Natuwa!

Walang komento


Naghanda ng isang surprise sina Toni Gonzaga at Seve para sa ginanap na pagdiriwang ng kaarawan ng anak ni Sen. Mark Villar. Labis naman itong na-appreciate ng pamilyang Villar at lubos na nagpapasalamat sa kanila dahil sa pagpapasaya ng mga ito sa kaarawan ng anak habang nasa malayo sila.

"Thank you Seve, @celestinegonzaga and @paulsoriano1017 for the birthday surprise you prepared for Emma. 🥰🥰🥰 It means a lot to me and Mark that you made Emma’s birthday happy while we are away. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻🥰🥰❤️❤️😘😘😘 Thank you! Thank you!"



Isang surprise celebration ang inihanda nila ni Toni para kay Emma. Makikita namang nag-enjoy ang mga bata. Nagkaroon naman na ng advance celebration para sa kaarawan ni Emma kung saan present ang mga magulang nito. 


Vhong Navarro Isang Serial Reypis Pagbubunyag Ni Cedric Lee!

Walang komento


Nagbigay ng matapang na pahayag si Cedric Lee hinggil sa pagkakakulong kay Vhong Navarro.

Nagsalita na ang isa sa mga sangkot sa hinaharap na kaso ngayon ni Vhong Navarro na si Cedric Lee. Matatandaang sinampahan ng kasong rape ni Deniece Cornejo si Vhong Navarro matapos puntahan ng aktor ang condo ng dalaga noong 2014.

Agad naman itong pinabulaanan ng aktor at sinabing na frame up lamang siya. Siya pa umano ang dehado dahil sa pambubugbog ng grupo nila ni Deniece, na ang mastermind umano ay si Cedric Lee. Kasalukuyang nakakulong ngayon si Vhong Navarro matapos muling nabuksan ang kasong rape na isinampa ni Deniece.

Samantala sa isang panayam sa ABS-CBN, nagbigay ng pahayag si Cedric Lee tungkol sa pagkakakulong ni Vhong. Ayon sa kanya, kailangang harapin ni Vhong ang mga kasong isinampa laban sa kanya. Sinabi din niya na binigyan siya ni Deniece Cornejo ng authorization na siya ang tumanggap sa warrant of arrest dahil nasa out of town ang dalaga.

Masaya rin umano si Cedric dahil matapos ang ilang taon ay makakaharap na niya si Vhong sa korte kaugnay sa mga isinampa nilang kaso. Hindi na rin umano matutulungan ngayon si Vhong ng mga maimpluwensyang tao na tumulong sa kanya noon.

"He has to face all the charges against him. Just like we didi. I feel slightly vindicated because finally we will have our day in court after almost 9 years," ani Cedric Lee sa isang  panayam ng ABS-CBN.

Dagdag pa niya, "This serial rapist will finally be made to answer for all the women he raped. He can't hide anymore behind De Lima who's now in jail, or Calvento who's now dead, or ABS who lost its franchise. His modus operandi of being a serial rapist will now be exposed."



Umalma naman ang ilang mga netizens sa mabigat na paratang ni Cedric na serial rapist si Vhong dahil hindi pa ito napapatunayan sa korte.

Moira Dela Torre Napayakap Kay Ogie Alcasid Pagkatapos Maging Emotional Sa Bagong Kanta!

Walang komento


Hindi napigilan ni Moira Dela Torre na maging emosyunal sa kanyang tagus-pusong kanta.

Nagpresenta ang singer-song writer na si Ogie Diaz na siya ang tutugtog ng piano upang matulungan si Moira Dela Torre na makumpleto ang kanyang bagong kanta.

Base sa mga linya ng kanta, mahihinuhang hugot ito ni Moira para sa kanyang stranged husband na si Jason Hernandez. Ayon sa ibinahaging post ni Moira sa kanyang Instagram, "ano ba ang aking halaga

ba't bigla bigla ka nalang nawala

/ finished another song at the alcasids last night w the help of my tito @ogiealcasid who humbly asked me "may i?" and played the piano for me🥹 what a dreaaam. lysm tito ogieeee.❤️‍🔥 thank you nadin sa bago kong paboritong ate @mrsnerimiranda at kuya @chitomirandajr na nagchcheer lang sa likod"

Samantala, umani naman ito ng samu't-saring opinyon mula sa mga netizens. Ayon sa ilang tagahanga ng singer, napakasakit ng kanta at talagang nababagay sa mga na-ghost at iniwan. May ilan naman na nagsasabing tila nagsagutan na lamang sa pamamagitan ng kanta ang dating mag-asawa.

Wow! Julia Barretto May Special Treatment Mula Sa Mga Opisyal Ng Dumaguete

Walang komento


Nagpapasalamat ang aktres na si Julia Barretto sa mainit na pagsalubong sa kanyang ng mga tao sa Dumaguete City.

Sa nasabing lugar ginanap ang shooting ni Julia at ng team nito para sa kanyang show na JoJoTV. Winelcome din si Julia ng mga konsehal mismo sa kanyang pagdating sa Dumaguete. Makikita naman ang mainit na suporta ng mga tao sa lugar.

Makikita rin sa nasabing video na nagsitayuan at naghiyawan ang lahat sa pagdating ng aktres.



Ibinunyag Na! Kat Alano, Nagsalita Na Tungkol Sa Kanyang Pinagdaanan Sa Kamay Ni Vhong Navarro!!

4 (na) komento


Isa ang dating model at DJ na si Kat Alano sa mga natuwa matapos ma-issue ang non-bailable warrant of arrest kay Vhong Navarro sa kasong rape.

Sa isang post na ibinahagi ni Kat sa social media sinabi niyang, matapos ang ilang taon tila nakamit na nila ang katarungan.

"Finally a glimpse of justice. People still thinking it's all about money and attention. What if you were fed lies by the peolple who had power, and you actually condemened the victim? Think about what you did to her if that was the truth."



Sa kanyang Twitter account pinuna ni Kat ang isang celebrity na ginamit ang pangalan ng Dios upang mapatunayang inosente siya. Ipinunto din ni Kat na nakita rin ng Dios ang totoong panghahalay nito sa kanila. Ayon naman sa isa pang tweet nito, natahimik na rin umano ang kanyang kalooban dahil naibigay na sa kanila ang katarungan matapos ang maraming taon.

Samantala, may isang post si Kat kung saan isinalaysay niya ang kahayupang ginawa sa kanya ng isang celebrity na tinago niya sa #rhymeswithwrong na pinaniniwalaan ng mga netizens na si Vhong Navarro.

"When I was raped by #rhymeswithwrong still famous celebrity who had smear campaigns to destroy my career and raped many more, I was wearing a tshirt and jeans. He drugged me too, so trying to take my jeans off was difficult for him. Hard to rape an unconscious person in jeans."

Ayon sa isang pahayag, sinabi ni Kat na 19 yrs. old pa lamang siya nung panahong iyon. Hindi umano siya nagsumbong dahil natatakot siyang husgahan ng iba.

Cristy Fermin Nag Reak Sa Pasaring Ni Vice Ganda Sa Dating Idol Philippines Na Lumipat Sa GMA!

Walang komento


Hindi nakaligtas sa matalas na radar ng sikat na Showbiz Columnist na si Cristy Fermin ang tila pagpapasaring ni Vice Ganda sa unang grand winner ng Idol Philippines na si Zephanie Dimaranan.

Matatandaang nagbigay ng payo si Vice na bagong winner ng Idol Philippines na sana ay manatili ito sa network at hindi tatalon sa ibang network.

Ayon kay Cristy, madali lamang para kay Vice Ganda ang manatili sa ABS-CBN sa kabila ng pagkawala ng kanilang prangkisa dahil milyonarya ito at nakapagpundar na. Ngunit iba ang sitwasyon ni Zephanie, bata pa ito at kasisimula pa lamang sa industriya. Ipinunto rin ni Cristy na si Zephanie ang tumatayong bread winner sa kanilang pamilya kaya kailangan nitong kumayod.

Binalikan naman ni Cristy ang mga sinabi ng ilang fans ng singer na kung ni-renew sana ng ABS-CBN ang kontrata nito di sana'y hindi ito lumipat sa ibang network. May maganda naman offer ang GMA sa singer kaya anong masama kung i-grab niya ito.

Samantala, wala namang inilabas na official statement ang ABS-CBN at ang kampo ni Zephanie hinggil sa kumakalat na balitang hindi naire-new ang kontrata ng singer sa nasabing network.

Kapamilya Stars-May Madamdaming Mensahe Para Sa Sikat Na Kapamilya!

Walang komento


Martes, September 20, 2022 tuluyan nang ikinulong ang sikat na komedyante at It's Showtime host na si Vhong Navarro.

Agad namang nagbigay ng pagsuporta para rito ang ilang mga kasamahan at kaibigan sa showbiz. Nagbigay sila ng mensahe para sa It's Showtime host. Partikular sa kasamahan nito sa It's Showtime na sina Jhong Hilario at Vice Ganda.

Ayon kay Jhong, nandito lamang umano sila para sa kanya at kumapit. Ipinahayag din nito ang kanilang pagmamahal kay Vhong.

Samantala, hinimok naman ni Vice ang lahat upang ipagdasal ang paglaya ni Vhong at mapatunayang inosente ito.



Deniece Cornejo, Nagsalita Na! Igiiniit Na Dapat Mailipat Sa Taguig City Ja!L Si Vhong Navarro!

Walang komento


Kampo ng modelong si Deniece Cornejo iginiit na dapat ilipat sa Taguig City Jail si Vhong Navarro.

Magpapasa umano ng petition sa korte ang legal team ng actor-host na si Vhong Navarro upang makapagpyansa ito at makalaya ng pansamantala sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo. Matatandaang kusang sumuko si Vhong Navarro matapos malamang inilabas na ng Taguig Metropolitan Trial Court ang arrest warrant laban sa kanya sa kasong Act of Lasciviousness.

Naghahanda ng magpyansa si Vhong ng 36,000 pesos sa nasabing kaso noong September 19. Ngunit may inilabas muling arrest warrant laban sa kaso sa kasong rape naman. Nagpalipas ng gabi sa NBI detention center si Vhong Navarro.

Samantala iginiit naman ng kampo ni Deniece na dapat ilipat na sa kulungan si Vhong Navarro kasama ng ilang mga criminal. Tumanggi namang magpa-interview si Deniece Cornejo ukol sa kanyang reaksyon sa pagkakakulong ni Vhong Navarro. Sa halip, nagbahagi ito ng isang inspirational quote sa kanyang social media, patungkol sa pakikipaglaban niya sa karapatan ng babae. Lalong lalo na ang biktima ng pang-aabuso.

Matatandaang ibinahagi rin ni Deniece ang kaparehong qoute noong 2014 ilang araw matapos mabalita ang umano'y panggagahasa ni Vhong sa kanya.

"Kung ako instrumento upang maging ehemplo sa mga kababaihan na maging matatag sa naabuso, nasaktan at nasasamantalahan. Paglalaban ko at paninindigan ko."




Pamamahiya Ni Vice Ganda Sa Batang Singer Na Si Zephanie Dimaranan Inalmahan Ng Fans!

Walang komento

Martes, Setyembre 20, 2022


Trending ngayon sa mga social media ang tila pagpaparinig ni Vice Ganda kay Zephanie Dimaranan sa nakaraang grand final ng Idol Philuippines season 2.

Naging host si Vice sa nasabing event, nagperform din si Vice ng isang kanta bilang promotion sa kanyang bagong show. Sa huli ay tinanong ito ni Robi kung ano ang magiging payo niya sa susunod na magiging grand winner ng Idol Philippines. Ayon kay Vice ay sana manatili siya sa ABS-CBN.

Matatandaang ang grand champion ng Idol Philippines season 1 noong 2019 ay lumipat sa GMA7 noong mawalan ng franchise ang ABS-CBN. Si Vice ay isa rin sa mga naging hurado sa Idol Philippines noong 2019 kung saan si Zephanie ang tinanghal bilang winner.



Samantala, umalma naman ang mga fans ni Zephanie sa ginawang pagpaparinig ni Vice. Para sa mga ito ay tila paninira ang ginawa ni Vice kay Zephanie. Komento pa nila na wala namang masama sa ginawa ni Zephanie dahil wala naman na itong kontrata sa ABS-CBN at naging praktikal lamang ito.

Yari! Chiz Escudero Isiniwalat Kay Tito Boy Abunda Ang Lalaki Ni Heart Evangelista!

Walang komento


Patuloy pa ring pinag-uusapan sa social media ang isyu ng hiwalayan ng mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Naging kontrobersyal ang hiwalayan ng dalawa dahil sa mga kumakalat na haka-hakang third party ang dahilan ng pagkakalabuan nila. Matatandaang inamin kamakailan ni Heart na may pinagdadaanan siyang personal. Sinabi rin ni Heart na tila may kulang sa buhay niya.

Ilang beses din nagshare si Heart ng mga cryptic messages sa kanyang social media accounts. Dahil dito, hindi naiwasan ng ilang mga netizens ang magbigay ng kanilang opinyon at spekulasyon sa naging sanhi ng pinagdadaanan nito.

Samantala, kumkalat ngayon sa social media ang mga haka-hakang may lalaking karelasyon ngayon ang fashion icon na si Heart Evangelista kaya nais na nitong makipaghiwalay sa asawang si Sen. Chiz Escudero.

Tila naglabas naman ng pahayag si Sen. Chiz Escudero at tila nilinaw ang isyung ito. Ayon sa senador, walang katotohanan ang mga napapabalitang pagkakaroon ng kalaguyo ni Heart. Isa umano sa madalas nilang pinagtatalunan ng kanyang asawa ay ang labis na pagiging materialistic nito. Kahit hindi naman umano kinakailangan ay binibili pa rin nito.



Isa lamang umano ito sa mga pinagtatalunan nilang mag-asawa nitong mga nakaraang buwan. Gayunpaman, marami pa rin sa kanilang mga tagahanga ang positibong magkakaayos rin ang mga ito. Lahat naman ng mag-asawa ay dumadaan sa mahihirap na sitwasyon at sana'y hindi magpadalos-dalos sa kanyang mga desisyon si Heart.

Vice Ganda Naglabas Ng Saloobin Sa Bagong Kas0 Ni Vhong Navarro!

Walang komento


Inilipat na ang aktor at host ng It's Showtime na si Vhong Navarro sa kulungan matapos madagdagan ang naunang kaso at hindi makapagpyansa dahil not bailable ang kasong rape na isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo.

Inilabas na rin ng NBI ang mugshot ni Vhong Navarro sa publiko kung saan nakasulat ang kasong kinakaharap nito ngayon.

Matatandaang, kusang sumuko si Vhong Navarro nang malamang lumabas na ang warrant of arrest sa kasong Act of Lasciviousness laban sa kanya. Naghahanda na sanang magpyansa si Vhong ngunit lumabas naman ang isa pang warrant laban sa kanya sa kaso namang rape na isinampa pa rin ni Deniece.

Ayon kay Vhong Navarro, labis silang nagtataka dahil buong akala nila naipanalo na nila ang kaso noon pa man. Nadidismaya din umano siya dahil tila nabaliktad na ang sitwasyon ngayon.

Samantala, nanahimik kahapon ang mga kasamahan ni Vhong sa trabaho at sa programa ng ABS-CBN na It's Showtime kahapon ngunit tila hindi na nakatiis ang mga ito ngayon. Buo ang tiwala nila sa kanilang kasamahan at patuloy na sinusuportahan ito. Ipinabatid din nila na naroroon lamang sila palagi para kay Vhong Navarro.



Hiling din nila na sana ay lumabas na ang katotohanan at makalaya na ito.

Kapamilya Star-Nagluluksa Sa Pagpanaw Ng Kanyang Minamahal!

Walang komento


 Labis na nagluluksa ngayon ang isang Kapamilya Star sa pagpanaw ng kanyang minamahal.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Kapamilya actress Janine Gutierrez, nakasama niya ito sa loob ng labin dalawang taon. Labis umano siyang nasasaktan dahil sa pagpanaw nito.

Ayon sa Instagram post ng aktres, "hi, my girly. thank you for the 12 and a half years of being the best girl. it was a joy to grow up with you and it still breaks my heart that I won’t be seeing you anymore. thanks for giving us all your love and for staying as long as you possibly could. I’m happy we got to tell you everything and hug you and hold your hand before you had to go. we love you so much girly and I think of you all the time. I miss you already but it gives me comfort to know that you’re probably eating all your favorite food now and running free. know that your spot under the table is yours forever. love you always calibear. you’ll always be the best girl"


M*gShot Ni Vhong Navarro Inilabas Ng Nbi!! Vhong Inilipat Na Ng S3lda Asawa Ni Vhong Kinaawaan!

Walang komento


 Matapos ma-detained sa NBI inilabas na sa publiko ang mugshot ng actor-host na si Vhong Navarro.

May mga kumakalat na mga larawan ngayon kung saan makikitang tila inililipat na si Vhong Navarro sa kulungan mula sa pagkaka-detained sa NBI. Matapos ang pagkalat ng mga larawang ito ng aktor, marami ang naawa sa kalagayan ng mga ito ngayon.

Nakikisimpatya naman ang ilang mga netizens sa mga nangyayari lalong lalo na sa asawa ni Vhong Navarro. Ayon sa kanila na mananaig din ang katotohanan at naniniwala silang inosente ito.



Matapos Pintasan Si Toni Gonzaga, Mariel at Ciara Hindi Din Nakaligtas!

Walang komento


Nagbigay ng update ang official Facebook page ng ALLTV hinggil sa kanilang show kung saan magsasama sina Mariel Rodriguez at  Ciara Sotto.

Ayon sa update ng nasabing Facebook page, "Paparating na ang bago nyong kakulitan, kakwentuhan, at ka aaliwan! Samahan sina Mariel Padilla at Ciara Sotto sa kauna unahang TV TALK SHOW ng ALLTV. Malapit na malapit na!"

Agad naman napansin ng mga netizens ang kalakip na poster ng nasabing show. Napaka plain kasi at tilawa walang kaeffort-effort ang pag-eedit. Pinagtabi lamang kasi ang mga larawan nila ni Mariel Rodriguez at Ciara Sotto, orange naman ang background na siya kulay na sumisimbolo kay Manny Villar.

Agad umani ng pambabatikos mula sa mga netizens ang nasabing post at ipinunto na tila tinitipid o walang alam ang kanilang editor. Pinagtatawanan din ito ng iba at sinabing tila nagmamadali na sa paggawa ng poster dahil 5 mins. nalang deadline na.



Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataong nabash ang ALLTV dahil sa kanilang low budget marketing. Nauna nang binash ang performance noon ni Toni Gonzaga sa launching ng ALLTV dahil sa makalumang audio umano nito.

Sikat, Gwapo at Matipuno Na Kapamilya-Bibida Na Sa Kabilang TV Network!

Walang komento


Bibida sa kabilang TV network ang dating kapamilya aktor.

Ayon sa kumakalat na balita, mapapanood sa October 1, 2022 sa Net25 ang gwapo, matipuno at mister swabe na si Empoy Marquez. Pagbibidahan ni Empoy ay isang sitcom sa Net25 na pinamagatang 'Anong Meron Kay Abok?' kung saan pag-aagawan siya ng mga kababaihan.

Talagang hindi na mapipigilan ang kasikatan ng dating Kapamilya actor dahil sa kabi-kabilang proyekto at projects nito sa ibang TV networks.



Pamb4bastos Ng Ilang Protest4nte Kay Pbbm Sa New York, Umaani Ng Samot Saring Reaction!

Walang komento


Kumakalat ngayon sa social media ang video kung saan makikita ang pambabastos ng ilang protestante kay President Bongbong Marcos sa US. Maririnig sa nasabing video na sinisigaw ng mga protestante ang mga katagang, "Marcos singilin!" habang papalapit sa kanila ang convoy ng pangulo. Sa isang bahagi naman sa video maririnig ang mga katagang "Never again to marshal law."



Samantala, sa kabila ng lantarang pambabastos ng mga taong ito sa Pangulo tila deadma lamang ito sa kanya at kinawayan pa ang mga nagpoprotesta.

Mabilis namang nagtrending ang kaganapang ito at umani ng samu't-saring reaction mula sa mga netizens. Marami ang nakikisipatya sa Pangulo at sinabing hindi makatarungan ang ginawang ito ng mga nagpoprotesta. Sana ay nirespeto at sinuportahan na lamang ng mga ito si President Bongbong Marcos lalo pa't nasa ibang lugar ito.

Pinuri rin ng ilang mga netizens ang ginawang pandededma ng Presidente sa mga bumabatikos rito. Ipinunto pa ng iba na mas nakakabuting suklian ng kabutihan ang ginagawang kasamaan ng iba.

Regine at Ogie May Pa House Party Sa Idol Philippines, Moira at Gary Nakikanta!

Walang komento


Isang masayang selebrasyon ang pinagsaluhan sa tahanan nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid bilang pagdiriwang sa matagumpay na pagtatapos ng Idol Philippines season 2.

Hindi nawala sa nasabing event ang mga judges ng Idol Philippines. Kasama rin nila ang mga winners ng nasabing search at mga staff. Hindi rin nawala ang kantahan sa kanilang celebration. Nag-alay ng mga awitin ang mga judges ng Idol Philippines. Nagduet rin ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Maging si Moira Dela Torre ay nakisali rin sa kanilang kantahan. Hindi rin nagpakabog si Mr. Pure Ebergy Gary Valenciano at ipinakita ang kanyang husay at galing.



Vhong Navarro Tuloy Sa Kulung@n, Bagong Kas0 Walang Piyansa!!!

Walang komento


Posibleng matutuloy sa kulungan ang actor-host na si Vhong Navarro matapos lumabas ang ikalawang arrest warrant laban sa kanya.

Sunod-sunod ang paglabas ng warrant of arrest laban kay Vhong Navarro sa dalawang kasong isinampa sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo hinggil sa insidenteng naganap halos walang taon na ang nakakalipas.

Noong September 19, 2022 inilabas ang unang warrant of arrest laban kay Vhong sa kasong Act of Lasciviousness. Kusa namang sumuko ang aktor sa NBI matapos malamang lumabas na ang nasabing arrest warrant. Maaring magpyansa sa kasong ito sa halagang 36,000 pesos. Inakala ng aktor na agad siyang makakalaya matapos sumuko sa pamamagitan ng pagpapyansa.

Ngunit, ginulat na lamang sila nang may muling lumabas na warrant of arrest sa kasong rape na isinampa pa rin ni Deniece. Ang nakakalungkot, hindi bailable ang kasong rape. Kasalukuyang nasa puder ng NBI Vhong Navarro ngunit maaring mailipat siya sa detention center ng NBI.



Samantala, malakas ang loob ng abogado ni Vhong na malulusotan nila ang kasong rape dahil mahina ang ebedinsya nina Deniece. Maghahain din umano sila ng Motion of Reconsideration para makakapag-apela upang i-overturn at makapagpyansa ang aktor.

Dennis Padilla Di Nakahanap Ng Kakampi, Nakalimutan Ata Na Anak Niya Si Julia!

Walang komento


Pagpapahiya at character assasination ang nakikita ng ilang mga netizens sa mga ginagawang pagpost ni Dennis Padilla sa social media sa kanyang mga hinanakit sa kanyang mga anak. Lalong-lalo na para kay Julia Barretto matapos ang panayam niya kay Karen Davila.

Matatandaang tinag pa ni Dennis Padilla si Karen Davila at sinabing kailangan din siyang interviewhin nitong upang mailahad niya ang kanyang side at maging patas ang laban. Isiniwalat din nito sa kanyang Instagram posts ang lahat ng hinanakit niya kay Julia at tila sinasagot ang mga sinisiwalat nito tungkol sa kanilang pinagdaanan.

Sa isang post nito sinabi ni Dennis na noong maliliit pa lamang sila Julia ay sa kanila nauubos ang lahat ng kanyang kinikita. Panawagan pa ni Dennis kay Karen, tanungin din siya kung kaya rin ba niyang patawarin silang lahat sa kawalang respeto ng mga ito sa kanya.



Binura naman kaagad ni Dennis ang mga rants niya kay Julia ngunit marami na ang nakakuha ng screenshots sa mga ito. Komento naman ng ilang mga nakabasa sa kanyang mga ipinost ay tila nalimutan umano ni Dennis na anak niya si Julia at tila sumubra na ang kanyang mga sinasabi.

Sa halip na simpatya at awa ay tila hindi ito ang naramdaman ng mga netizens para kay Dennis. Komento ng ilan, bakit hindi na lamang umano ito manahimik gayung alam naman nito mismo na may kasalanan din siya sa nangyari sa kanilang pamilya.

Vhong Navarro Napatulala Ng Malamang Hindi Na Makakalabas! Mga Kaibigan Nanawagan Ng Hustisya!

Walang komento


Isang nakakalungkot na balita para kay Vhong Navarro at mga kaibigan nito, matapos lumabas ang ikalawang warrant of arrest sa kasong isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

Habang inaayos ni Vhong ang pagpiyansa sa kanyang kasong Act of act Lasciviousness, inilabas naman ng trial court ang pangalawang warrant sa kanya sa kasong rape na hindi maaring makapagpyansa. Dahil sa second warrant na ito, hindi maaring makalabas sa kulungan si Vhong Navarro.



Samantala muli namang iginiit ng Abogado ni Vhong Navarro na inosente ito at ito ang totoong biktima. Muli din nitong ipinakita ang kanilang ebendsyang hawak makakapagpatunay na inosente ito.

Patama Ni Vice Ganda sa Season 1 Grand Winner Zephanie Dahil Sa Paglipat Nito Sa Gma7!

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang ibinigay na payo ni Vice Ganda sa nanalong grand winner ng Idol Philippines season 2.

Bago inanunsyo ang magiging second grand winner ng nasabing show sa ABS-CBN, tinanong ni Robi Domingo si Vice kung ano ang kanyang payo para sa susunod na grand winner. Sagot naman ni Vice, kailangang tapangan nila ang kanilang mga kalooban sa pagharap sa iba't-ibang pagsubok sa kanilang career. Dagdag pa nito, sana ay manatili umano sila sa ABS-CBN at huwang sumakabilang bakod.

Matatandaan na ang grand winner ng season 1 ng Idol Philippines ay lumipat sa GMA7 noong March 2021.

Samantala, dahil sa trending na mensahe ni Vice Ganda, nagkaroon ng samu't-saring komento at opinyon ang mga netizens. Ipinagtanggol ng ilan si Zephanie dahil naging praktikal lamang ito dahil kailangan nitong kumita. Wala naman umanong batas na nagsasabing bawal lumipat ng istasyon ang isang talent lalo na kung wala na itong active contract.



Ang ilan naman ay ipinagtanggol si Vice at sinabing nagbibiro lamang ito at hindi na kailangan pang seryosuhin.

Bea Alonzo Alagang Alaga Ni Alden Richards Sa Media Con Ng Start Up Philippines Adaptation!

Walang komento

Lunes, Setyembre 19, 2022


Mainit na sinalubong ng kanilang mga tagahanga sina Alden Richards at Bea Alonzo para sa kanilang media con para sa Philippine Adaptation ng Start Up. Ito ay magsisimula sa darating September 26, 2022.

Agad na naghiyawan ang mga dumalo sa media con at final screening ng kanilang show na Start Up Ph. sa pagdating ng dalawang stars sa venue. Napakaraming mga supporters ng dalawa ang dumalo at halos nagsiksikan na sa buong mall.

Makikita naman ang chemistry ng dalawa sa nasabing event. Kitang-kita din ang pagiging gentleman ni Alden sa kanyang Leading Lady.


Heart Evangelista Iniwan Si Chiz, Lumipad Sa Milan Italy!

Walang komento


 Actress at fashion socialite na si Heart Evangelist nagpunta sa Italy.

Tila nagtime-out muna ang fashion icon na si Heart Evangelista sa kanyang personal na pinagdadaanan at lumipad pa Europe. Ibinahagi ni Heart sa kanyang social media account ang mga larawan at videos na kuha mula sa pamamasyal sa Milan, Italy. Kasama ni Heart ang kanyang make-up artist at hair dresser upang umattend sa pamusong Milan Fashion Week na kasalukuyang nagaganap ngayon.

Tila deadma muna kay Heart ang usapin ng hiwalayan nila ni Sen. Chiz Escudero at masayang nag-eenjoy sa Milan.


Julia Barretto Dedma Sa Patutsada Ng Kanyang Ama Na Si Dennis Padilla!

Walang komento


Kahapon, September 18, 2022 binati ni Julia ang kanyang tagahanga sa isang social media post ng happy sunday.

Ibinahagi ni Julia sa kanyang Instagram stories, ang isang larawan na tila kuha mula sa set ng kanilang pelikula ni Carlo Aquino na Expensive Candy.



Samantala, muling nagpost si Dennis sa kanyang Instagram account at muling nagpahayag ng kanyang sama ng loob sa anak. Ayon kay Dennis, pareho lamang sila hindi pa rin niya kayang patawarin si Julia. Agad naman itong binura ng aktor kagaya na lamang sa nauna niyang patutsada at tila sagot sa mga ibinabato sa kanya ng anak sa interview ni Karen Davila.

 Matatandaang hindi sang-ayon si Dennis sa mga ibinahaging salita ni Julia sa panayam nito kay Karen. Sa isang post sinabi pa ni Dennis na alam umano ni Julia nag kalahating katotohanan.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo