Patama Ni Vice Ganda sa Season 1 Grand Winner Zephanie Dahil Sa Paglipat Nito Sa Gma7!

Martes, Setyembre 20, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang ibinigay na payo ni Vice Ganda sa nanalong grand winner ng Idol Philippines season 2.

Bago inanunsyo ang magiging second grand winner ng nasabing show sa ABS-CBN, tinanong ni Robi Domingo si Vice kung ano ang kanyang payo para sa susunod na grand winner. Sagot naman ni Vice, kailangang tapangan nila ang kanilang mga kalooban sa pagharap sa iba't-ibang pagsubok sa kanilang career. Dagdag pa nito, sana ay manatili umano sila sa ABS-CBN at huwang sumakabilang bakod.

Matatandaan na ang grand winner ng season 1 ng Idol Philippines ay lumipat sa GMA7 noong March 2021.

Samantala, dahil sa trending na mensahe ni Vice Ganda, nagkaroon ng samu't-saring komento at opinyon ang mga netizens. Ipinagtanggol ng ilan si Zephanie dahil naging praktikal lamang ito dahil kailangan nitong kumita. Wala naman umanong batas na nagsasabing bawal lumipat ng istasyon ang isang talent lalo na kung wala na itong active contract.



Ang ilan naman ay ipinagtanggol si Vice at sinabing nagbibiro lamang ito at hindi na kailangan pang seryosuhin.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo