Dennis Padilla Di Nakahanap Ng Kakampi, Nakalimutan Ata Na Anak Niya Si Julia!

Martes, Setyembre 20, 2022

/ by Lovely


Pagpapahiya at character assasination ang nakikita ng ilang mga netizens sa mga ginagawang pagpost ni Dennis Padilla sa social media sa kanyang mga hinanakit sa kanyang mga anak. Lalong-lalo na para kay Julia Barretto matapos ang panayam niya kay Karen Davila.

Matatandaang tinag pa ni Dennis Padilla si Karen Davila at sinabing kailangan din siyang interviewhin nitong upang mailahad niya ang kanyang side at maging patas ang laban. Isiniwalat din nito sa kanyang Instagram posts ang lahat ng hinanakit niya kay Julia at tila sinasagot ang mga sinisiwalat nito tungkol sa kanilang pinagdaanan.

Sa isang post nito sinabi ni Dennis na noong maliliit pa lamang sila Julia ay sa kanila nauubos ang lahat ng kanyang kinikita. Panawagan pa ni Dennis kay Karen, tanungin din siya kung kaya rin ba niyang patawarin silang lahat sa kawalang respeto ng mga ito sa kanya.



Binura naman kaagad ni Dennis ang mga rants niya kay Julia ngunit marami na ang nakakuha ng screenshots sa mga ito. Komento naman ng ilang mga nakabasa sa kanyang mga ipinost ay tila nalimutan umano ni Dennis na anak niya si Julia at tila sumubra na ang kanyang mga sinasabi.

Sa halip na simpatya at awa ay tila hindi ito ang naramdaman ng mga netizens para kay Dennis. Komento ng ilan, bakit hindi na lamang umano ito manahimik gayung alam naman nito mismo na may kasalanan din siya sa nangyari sa kanilang pamilya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo