Cristy Fermin Nag Reak Sa Pasaring Ni Vice Ganda Sa Dating Idol Philippines Na Lumipat Sa GMA!

Miyerkules, Setyembre 21, 2022

/ by Lovely


Hindi nakaligtas sa matalas na radar ng sikat na Showbiz Columnist na si Cristy Fermin ang tila pagpapasaring ni Vice Ganda sa unang grand winner ng Idol Philippines na si Zephanie Dimaranan.

Matatandaang nagbigay ng payo si Vice na bagong winner ng Idol Philippines na sana ay manatili ito sa network at hindi tatalon sa ibang network.

Ayon kay Cristy, madali lamang para kay Vice Ganda ang manatili sa ABS-CBN sa kabila ng pagkawala ng kanilang prangkisa dahil milyonarya ito at nakapagpundar na. Ngunit iba ang sitwasyon ni Zephanie, bata pa ito at kasisimula pa lamang sa industriya. Ipinunto rin ni Cristy na si Zephanie ang tumatayong bread winner sa kanilang pamilya kaya kailangan nitong kumayod.

Binalikan naman ni Cristy ang mga sinabi ng ilang fans ng singer na kung ni-renew sana ng ABS-CBN ang kontrata nito di sana'y hindi ito lumipat sa ibang network. May maganda naman offer ang GMA sa singer kaya anong masama kung i-grab niya ito.

Samantala, wala namang inilabas na official statement ang ABS-CBN at ang kampo ni Zephanie hinggil sa kumakalat na balitang hindi naire-new ang kontrata ng singer sa nasabing network.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo