Matapos Pintasan Si Toni Gonzaga, Mariel at Ciara Hindi Din Nakaligtas!

Tuesday, September 20, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng update ang official Facebook page ng ALLTV hinggil sa kanilang show kung saan magsasama sina Mariel Rodriguez at  Ciara Sotto.

Ayon sa update ng nasabing Facebook page, "Paparating na ang bago nyong kakulitan, kakwentuhan, at ka aaliwan! Samahan sina Mariel Padilla at Ciara Sotto sa kauna unahang TV TALK SHOW ng ALLTV. Malapit na malapit na!"

Agad naman napansin ng mga netizens ang kalakip na poster ng nasabing show. Napaka plain kasi at tilawa walang kaeffort-effort ang pag-eedit. Pinagtabi lamang kasi ang mga larawan nila ni Mariel Rodriguez at Ciara Sotto, orange naman ang background na siya kulay na sumisimbolo kay Manny Villar.

Agad umani ng pambabatikos mula sa mga netizens ang nasabing post at ipinunto na tila tinitipid o walang alam ang kanilang editor. Pinagtatawanan din ito ng iba at sinabing tila nagmamadali na sa paggawa ng poster dahil 5 mins. nalang deadline na.



Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataong nabash ang ALLTV dahil sa kanilang low budget marketing. Nauna nang binash ang performance noon ni Toni Gonzaga sa launching ng ALLTV dahil sa makalumang audio umano nito.

No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo