Julia Barretto Tiwalang Hindi Sasaktan Ni Gerald | Feels Safe & Secure!

Miyerkules, Setyembre 21, 2022

/ by Lovely


Naglabas na ng pahayag si Julia Barretto sa kinakaharap na isyu ng hiwalayan nila ng boyfriend na si Gerald Anderson.

Sa panayam ni Karen Davila kay Julia Barretto, sinagot ni Julia ang ilang mga katanungan hinggil sa kanilang relasyon. Ayon kay Julia nararamdaman umano niyang safe siya sa piling ng boyfriend. Sinabi rin ni Julia na tila nasasanay na siya sa mga nagpapakalat ng isyung hiwalay na sila ng aktor, ngunit ipinunto niyang hindi sila naghihiwalay at maghihiwalay.

Buo din umano ang loob ni Julia na hindi siya sasaktan at lolokohin ng boyfriend. Hindi din umano siya binibigyan ng rason ni Gerald na magduda sa pagmamahal nito sa kanya. Sinabi din ni Julia isa sa mga nagustuhan niya sa aktor ay ang kabaitan nito at ito rin umano ang nag-udyok sa kanya upang maging mas mabuting tao.

Matatandaang kumalat ang balita noong naghiwalay sina Julia at Gerald matapos pumunta ng Swirzerland ng aktor para sa filming nila ni Kylie Padilla para sa kanilang pelikula.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo