Vhong Navarro Isang Serial Reypis Pagbubunyag Ni Cedric Lee!

Miyerkules, Setyembre 21, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng matapang na pahayag si Cedric Lee hinggil sa pagkakakulong kay Vhong Navarro.

Nagsalita na ang isa sa mga sangkot sa hinaharap na kaso ngayon ni Vhong Navarro na si Cedric Lee. Matatandaang sinampahan ng kasong rape ni Deniece Cornejo si Vhong Navarro matapos puntahan ng aktor ang condo ng dalaga noong 2014.

Agad naman itong pinabulaanan ng aktor at sinabing na frame up lamang siya. Siya pa umano ang dehado dahil sa pambubugbog ng grupo nila ni Deniece, na ang mastermind umano ay si Cedric Lee. Kasalukuyang nakakulong ngayon si Vhong Navarro matapos muling nabuksan ang kasong rape na isinampa ni Deniece.

Samantala sa isang panayam sa ABS-CBN, nagbigay ng pahayag si Cedric Lee tungkol sa pagkakakulong ni Vhong. Ayon sa kanya, kailangang harapin ni Vhong ang mga kasong isinampa laban sa kanya. Sinabi din niya na binigyan siya ni Deniece Cornejo ng authorization na siya ang tumanggap sa warrant of arrest dahil nasa out of town ang dalaga.

Masaya rin umano si Cedric dahil matapos ang ilang taon ay makakaharap na niya si Vhong sa korte kaugnay sa mga isinampa nilang kaso. Hindi na rin umano matutulungan ngayon si Vhong ng mga maimpluwensyang tao na tumulong sa kanya noon.

"He has to face all the charges against him. Just like we didi. I feel slightly vindicated because finally we will have our day in court after almost 9 years," ani Cedric Lee sa isang  panayam ng ABS-CBN.

Dagdag pa niya, "This serial rapist will finally be made to answer for all the women he raped. He can't hide anymore behind De Lima who's now in jail, or Calvento who's now dead, or ABS who lost its franchise. His modus operandi of being a serial rapist will now be exposed."



Umalma naman ang ilang mga netizens sa mabigat na paratang ni Cedric na serial rapist si Vhong dahil hindi pa ito napapatunayan sa korte.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo