Vice Ganda Naglabas Ng Saloobin Sa Bagong Kas0 Ni Vhong Navarro!

Martes, Setyembre 20, 2022

/ by Lovely


Inilipat na ang aktor at host ng It's Showtime na si Vhong Navarro sa kulungan matapos madagdagan ang naunang kaso at hindi makapagpyansa dahil not bailable ang kasong rape na isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo.

Inilabas na rin ng NBI ang mugshot ni Vhong Navarro sa publiko kung saan nakasulat ang kasong kinakaharap nito ngayon.

Matatandaang, kusang sumuko si Vhong Navarro nang malamang lumabas na ang warrant of arrest sa kasong Act of Lasciviousness laban sa kanya. Naghahanda na sanang magpyansa si Vhong ngunit lumabas naman ang isa pang warrant laban sa kanya sa kaso namang rape na isinampa pa rin ni Deniece.

Ayon kay Vhong Navarro, labis silang nagtataka dahil buong akala nila naipanalo na nila ang kaso noon pa man. Nadidismaya din umano siya dahil tila nabaliktad na ang sitwasyon ngayon.

Samantala, nanahimik kahapon ang mga kasamahan ni Vhong sa trabaho at sa programa ng ABS-CBN na It's Showtime kahapon ngunit tila hindi na nakatiis ang mga ito ngayon. Buo ang tiwala nila sa kanilang kasamahan at patuloy na sinusuportahan ito. Ipinabatid din nila na naroroon lamang sila palagi para kay Vhong Navarro.



Hiling din nila na sana ay lumabas na ang katotohanan at makalaya na ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo