Pamamahiya Ni Vice Ganda Sa Batang Singer Na Si Zephanie Dimaranan Inalmahan Ng Fans!

Martes, Setyembre 20, 2022

/ by Lovely


Trending ngayon sa mga social media ang tila pagpaparinig ni Vice Ganda kay Zephanie Dimaranan sa nakaraang grand final ng Idol Philuippines season 2.

Naging host si Vice sa nasabing event, nagperform din si Vice ng isang kanta bilang promotion sa kanyang bagong show. Sa huli ay tinanong ito ni Robi kung ano ang magiging payo niya sa susunod na magiging grand winner ng Idol Philippines. Ayon kay Vice ay sana manatili siya sa ABS-CBN.

Matatandaang ang grand champion ng Idol Philippines season 1 noong 2019 ay lumipat sa GMA7 noong mawalan ng franchise ang ABS-CBN. Si Vice ay isa rin sa mga naging hurado sa Idol Philippines noong 2019 kung saan si Zephanie ang tinanghal bilang winner.



Samantala, umalma naman ang mga fans ni Zephanie sa ginawang pagpaparinig ni Vice. Para sa mga ito ay tila paninira ang ginawa ni Vice kay Zephanie. Komento pa nila na wala namang masama sa ginawa ni Zephanie dahil wala naman na itong kontrata sa ABS-CBN at naging praktikal lamang ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo