Vhong Navarro Tuloy Sa Kulung@n, Bagong Kas0 Walang Piyansa!!!

Martes, Setyembre 20, 2022

/ by Lovely


Posibleng matutuloy sa kulungan ang actor-host na si Vhong Navarro matapos lumabas ang ikalawang arrest warrant laban sa kanya.

Sunod-sunod ang paglabas ng warrant of arrest laban kay Vhong Navarro sa dalawang kasong isinampa sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo hinggil sa insidenteng naganap halos walang taon na ang nakakalipas.

Noong September 19, 2022 inilabas ang unang warrant of arrest laban kay Vhong sa kasong Act of Lasciviousness. Kusa namang sumuko ang aktor sa NBI matapos malamang lumabas na ang nasabing arrest warrant. Maaring magpyansa sa kasong ito sa halagang 36,000 pesos. Inakala ng aktor na agad siyang makakalaya matapos sumuko sa pamamagitan ng pagpapyansa.

Ngunit, ginulat na lamang sila nang may muling lumabas na warrant of arrest sa kasong rape na isinampa pa rin ni Deniece. Ang nakakalungkot, hindi bailable ang kasong rape. Kasalukuyang nasa puder ng NBI Vhong Navarro ngunit maaring mailipat siya sa detention center ng NBI.



Samantala, malakas ang loob ng abogado ni Vhong na malulusotan nila ang kasong rape dahil mahina ang ebedinsya nina Deniece. Maghahain din umano sila ng Motion of Reconsideration para makakapag-apela upang i-overturn at makapagpyansa ang aktor.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo