MTRCB Naglabas Agad Ng Pahayag Laban Kay Vice Ganda

Walang komento

Martes, Oktubre 31, 2023


 Muling naging laman ng mga usap-usapan online ang Unkabogable Star na si Vice Ganda matapos mag viral ang kanyang video habang kumakain ng friwd chicken.


May kumakalat kasing haka-haka na muli na namang pinatawag ng MTRCB si Vice Ganda dahil rito.


Nagsimula ang isyu dahil sa pagpopost ng isang social media page na ginamit pa ang pangalan ni Cristy Fermin para maging kapani-paniwala ang isyu.


Kaya naman kaagad na nilinaw ng MTRCB sa pamamagitan ng paglalabas ng official statement ang isyu kung saan pinabulaanan nilang muling ipinatawag ng kanilang ahensya ang komedyante.


“Pinabulaanan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga post sa social media na nagsasabing ipinatawag ng Board ang isang kilalang personalidad na lumabas kamakailan sa isang Television Commercial ng isang Fast-food chain. Ang mga paratang na ito ay may masamang hangarin at walang katotohanan.”


Hinikayat rin ng MTRCB ang mga netizens na maging mapanuri sa mga napapanood na balita sa iba't-ibang news sites at tiyakin ang katotohanan nito bago ipamahagi sa iba.


“Sa panahon ng digital age, mahalaga na tiyakin kung tunay ang mga balita at maging mapanuri sa iba’t ibang sources ng impormasyon bago ito ipamahagi. Ipinapakita ng insidenteng ito ang kahalagahan ng Media literacy at Kritikal na pag-iisip.


“Patuloy na sumusuporta ang MTRCB sa administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. at sa Presidential Communications Office (PCO) sa kampanya nito laban sa disinformation at misinformation.”




Nawat Sinabing Very Unprofessional Si Nikki De Moura Kaya Naligwak Sa Top 20

Walang komento


 Nagsalita na ang president ng Miss Grand International na si Nawat Itsaragrisil laban sa representative ng Pilipinas na si Nikki De Moura.


Matatandaan na marami sa mga Filipino pageant fans ang hindi nagustuhan ang resulta sa katatapos lamang na Miss Grand International kung saan hindi nakapasok sa top 20 ang pambato ng bansa.


Marami sa mga fans ang nagsasabing malaking cooking show ang nangyari sa Miss Grand International. May mga nagsasabi rin na tila may personal hate ang owner ng nasabing pageant sa Pilipinas dahil hindi pa nakuha ng bansa ang korona ng nasabing beauty pageant.


Nauna  nang ipinahayag ng kandidata ng bansa na si Nikki De Moura ang kanyang disappointment at heartbreak sa naging resulta ng kompetisyon.


Gayunpaman, nanatili pa rin umano siyang grateful dahil sa pagkakataon na ibinigay sa kanya para mairepresent ang Pilipinas.


Samantala, matapos ang announcement ng top 20 hindi na muling lumabas pa si Nikki De Moura.


Tila hindi naman ito nagustuhan ng may-ari ng Miss Grand International na si Nawat Itsaragrisil. Sa isang TikTok live, inihayag niya ang kanyang disappointment sa kandidata ng Pilipinas dahil sa pagiging unprofessional umano nito.


“It’s not my fault and your candidate did not make it to top 20. After announcing the top 20 she decided to walkout even her National Director did not stop her. We invested a lot of money from day one to rehearsal up to finals and not showing up makes her very unprofessional.”


Muling iginiit ni Mr. Nawat na hindi siya ang dapat sisihin sa pagpapadala ng Pilipinas ng mga maling candidates para sa Miss Grand International pageant.


“The problem with you is choosing the wrong candidate to compete, from day one she has a lot of problem/fault. You Filipinos stop blaming me as you have chosen the wrong candidate to compete.”


Inisa-isa rin nito ang nakikita umano niyang mali kay Nikki De Moura kabilang na ang hindi umano pagsunod ng kandidata sa ilang mga instructions, wala rin umano itong respeto sa iba at hindi siniseryoso ang kanyang mga responsibilities.



Ogie Diaz Inoferan Si Anji Salvacion Ng Libreng Workshop!

Walang komento


 Inalok na ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ang aktres na si Anji Salvacion ng isang libreng acting workshop para mag-improve ang acting skills nito.


Viral ngayon sa social media ang ilang mga video clips na kuha mula sa mga eksena ni Anji Salvacion sa seryeng Linlang dahil sa kanyang ligwak na pag-arte na nakabanas sa ilang mga manonood.


Maging si Ogie Diaz ay nauna nang ipinahayag ang kanyang pagkayamot sa paraan ng pag-arte ni Anji Salvacion na hayagan niyang ipinahayag sa social media.


Agad naman siyang sinigundahan ng mga netizens na noon pa man umano ay nabubwisit na sa pag-arte ng PBB Big Winner.


May mga nagsasabi pa na nakakahiya umano ang paraan ng pag-arte ni Anji kumpara sa mga kasamahan niya sa teleserye na kilala na magagaling sa larangan.


May mga humihiling pa na sana ay tanggalin na lamang si Anji Salvacion sa serye dahil naging panggulo lamang ito sa kwento.


Kaya naman, inalok na ni Ogie Diaz si Anji ng isang libreng acting workshop dahil marami rin naman ang nagsasabing kulang lamang ito sa praktis at gagaling din ito kalaunan.


Ayon kay Ogie Diaz, willing siyang isali sa kanyang acting workshop ang aktres.


“Kung gusto ni Anji Salvacion at saka ‘yung si Kice, libre ko kayong iwo-workshop. Hindi ko kayo pagbabayarin.” 


Maging ang kapartner ni Anji Salvacion sa serye na si Kice ay nadadmay narin sa isyu ng pag-arte ni Anji.




Anji Salvacion Bino-Boycott Dahil Sa Kanyang Akting Skills

Walang komento


 Usap-usapan ngayon ang aktres na si Anji Salvacion dahil sa kanyang ligwak na aktingan sa teleseryeng Linlang.


Ginagampanan ni Anji Salvacion ang papel ng kapatid ni Kim Chiu sa nasabing Primevideo series kung saan kasama niya ang iba pang mga bigatin at magagaling na artista.


Hindi nagustuhan ng marami ang pag-arte ni Anji Salvacion dahil halatang pilit at hilaw pa umano ang aktres. Hindi pa umano ito nababagay na makasama sa line up ng magagaling na artista.


Napakagaling umano ng pag-arte nina Kim Chiu, JM De Guzman, Paulo Avelino at Maricel Soriano subalit nalalaglag ang eksena sa tuwing si Anji na ang sumasalang sa aktingan.


Hindi rin nagustuhan ng maraming netizens ang pilit na love angle ni Anji Salvacion sa kanyang co-actor na si Kice na naging finalist ng Idol Philippines.


Viral na ngayon sa social media ang aktingan ni Anji Salvacion na umaani ng pambabatikos mula sa mga netizens.


"jusko wag ng ipilit please lang. Hanggang sa pag-arte apakaOA talaga nitong Anji.. ABS naman bakit ba ipinupush nyo itong si girl e wala talagang karisma. Please lang nasisira ang serye because of her."


"Napansin ko din yan na naduling na si Anji. Hindi na alam kung pano iiarte un eksena. Anyway, walang malii sa accent niya. Lalo naman sa mukha niya. Tatay niya foreigner yung acting lang talaga. Siguro eh pinagworkshop muna dapat bago isalang. Saka sa PBB palang dami ng nakapansin sa kanya na umiiyak ng walang luha.”



@_amvxnxx naduling pa nga si anteh #anjisalvacion #linlang #pooracting ♬ original sound - iwz - _

Billy Crawford Pinagsisihan Na Iniwan Ang It's Showtime

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa social media ang tila pagbabalik ni Billy Crawford sa Kapamilya noontime show na It's Showtime matapos ang ilang taon.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon mula sa mga taong malapit sa mga hosts ng nasabing noontime show, welcome pa rin naman umano si Billy sa It's Showtime.


Matatandaan na isa si Billy Crawford sa mga orihinal na host ng It's Showtime.


Samantala, hindi naman makapaniwala ang ibang mga madlang pipol dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang naging isyu nina Billy Crawford noon sa iba pa niyang kasamahan sa kanyang pag-alis.


Nauna na rito, ipinahayag ni Billy Crawford na walang problema sa kanya at agad siyang babalik kung mabibigyan ng pagkakataon na makabalik sa It's Showtime.


Matatandaan na isa rin si Billy Crawford sa mga taong naniniwala na anumang pagsubok ay malalampasan ng kanilang show.


Matagumpay na nakabalik sa ere ang It's Showtime matapos ang 12 airing days suspension na ipinataw sa kanila ng MTRCB dahil sa indecent acts nina Vice Ganda at Ion Perez sa pagsubo nila ng cake icing sa isang episode ng nasabing show.




Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!

Walang komento


 Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos ang Dear Heart concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kung saan nadawit na rin maging ang mister ni Sharon na si Kiko Pangilinan.


Umani ng negatibong komento mula sa mga netizens ang ibinahaging larawan ni Kiko Pangilinan matapos ang sold out concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.


Ibinahagi kasi ni Kiko sa social media ang larawan na yakap-yakap niya si Sharon.


Hindi naman nakapagtimpi si Rosanna Roces at nilinaw sa mga netizens ang kaibahan ng trabaho sa personal na buhay ng artista.


"Ito ang hindi maiintindihan ng mga haters..na kesyo pati feelings ng mga partners ng dating mag asawa pinakikialaman. Ganito kasi yan...Sa likod ng ingay...rehearsal..pagod sa promo at sa gabi ng actual show Mayroon tayong isang Tao na inuuwian..sila ang may hawak ng kapayapaan at katahimikan ng puso. They are what we call HOME."


Pagdedetalye pa ni Rosanna Roces, "everythings alright pag kapiling na natin sila. Naglalaho lahat ng ingay at pagod. Sila yung pinili natin Maging pamilya dahil afterall..Showbiz is not Forever....Family is Forever"


Hiniling din ni Rosanna Roces na intindihin sana ng mga fans na may mga personal ring buhay ang mga artista na dapat ring igalang at irespeto.


"Maging masaya na lang tayo at napagbigyan ang hiling ng mga fans at ng kaisa isa nilang anak na sana ay mapag sama kahit sa entablado lang ang kanyang ama at ina. Isa ring patunay ito na walang gusot ang di maayos kung magkakaunawaan lang lahat."



Dahilan Ng Biglaang Pagp5naw Ni Joey Paras Sa Edad Na 45

Walang komento


 Sumakabilang buhay na ang komedyante, former Sunday Pinasaya star at dating bida sa 'Bekikang' na si Joey Paras sa edad na 45 taong gulang.


Sa isang social media post, kinumpirma ng pamilya ni Joey Paras ang pagpanaw nito noong linggo October 29, 2023 dahil sa heart failure.


"To all of our family and friends, we are saddened to announce that our Tito Joey Paras  passed away and joined our Creator this afternoon, October 29, 2023 at 5:40pm. Unfortunately his heart wasn't able to recover anymore."


Nanawagan din ang pamangkin ni Joey Paras ng tulong pinansyal para sa lahat ng may mabubuting puso para ma-settle nila ang kanilang bills at mailabas ang dating aktor sa hospital.


"Currently, his remains is still at the hospital's morgue. We need to settle his hospital bills for us to take him home. Our family is knocking at your kind and generous heart to help us raise a fund to cover his hospital bills."


Kalakip nito ay ang impormasyon kung saan ipapadala ang mga donations.


Sa mga sumunod na post, inilahad ng pamangkin ni Joey Paras na hanggang ngayon ay hindi pa nila masasabi kung kailan ang burol nito dahil kailangan pa nilang i-settle ang hospital bills at nangangailangan pa sila ng malaking halaga para sa funeral service.


"Sa ngayon po malaking halaga pa po ang kailangan ng aming pamilya,pambayad po sa Funeral Service ni Tito at iba pa gagastusin para maiburol na po si Tito Joey."


"Sa mga nagtatanong naman po kung kelan at saan ibuburol magpopost nalang po kami,as of now po kasi inaayos pa po si Tito at need pa pong isettle ang bills niya para maitransfer na po siya sa QC. Pasensiya na po sa mga hindi ko narereplyan."




Ama ni Ricci Rivero, Muling Pinasaringan si Andrea Brillantes, Walang Ginawang Mali si Ricci

Walang komento


 Hindi na nakapagtimpi ang ama ni Ricci Rivero sa mga netizens na patuloy na bumabatikos sa kanyang anak na si Ricci Rivero matapos ang pag-amin nito sa relasyon nila ni Leren Mae Bautista.


Sinagot ni Paolo Rivero ang ilang netizens sa social media na patuloy na batikos sa kanyang anak na si Ricci dahil sa break up nila ni Andrea Brillantes.


Sa kanyang mahahabang post sa social media, paulit-ulit na sinasabi ni Paolo Rivero ang katagang ‘time is the ultimate truth teller’ para ipagtanggol ang kanyang anak.


Muli rin niyang pinasaringan si Andrea Brillantes sa pagkokontrol sa mga tao sa kanyang paligid at mga fans na si Ricci ang totoong may kasalanan gayung ito umano ang totoong biktima.


“The reason why we always ask God for guidance and blessings is because we know we are on the right side. Really, time is the ultimate truth-teller. Time will come we will know who’s lying and who’s not. We may be outnumbered now but I truly believe that if God is with you, who can be against you. God has a perfect timing for everything. Those who wish something bad happens to us will definitely be accountable to our creator, Lord God.”


Dagdag pa nito, “You can guys can say anything but in the end our family can still go to bed and have a good sleep because we know KUNG SINO ANG SINUNGALING AT SINO ANG GUMAGAWA NG KWENTO AT PA-PANIWALAIN ANG MGA TAGA SUPORTA and asking others to spread false information just to gain sympathy. She might not be taking in public but definitely asking her friends to post and spread false rumors, alam mo yan iha.”


Ipinagdidiinan din nito na walang katotohanan ang mga ibinabatong isyu noon kay Ricci Rivero, patungkol sa hindi paglalaba sa loob ng isang taon at ang pagpapabili nito ng gamit kay Andrea Brillantes.


Hinimok pa niya ang mga netizens na magsagawa muna ng fact-checking bago maniwala sa mga isyu.


Ayaw na sana umano nilang palakihin pa ang isyung ito subalit hindi na umano nila nakayanan ang stress na idinulot ng mga fans ni Andrea Brillantes.




Dating Asawa Ni Joey De Leon Na Si Daria Ramirez, May Panawagan Sa E.A.T Host

Walang komento


 Hayagang umapela ang beteranong aktres na si Daria Ramirez sa kanyang dating asawa na si Joey De Leon, na tulungan siya sa gitna ng mga pagsubok na kanyang kinakaharap ngayon.


Sa panayam kay Ogie Diaz, ibinahagi ni Daria ang nakaraan niyang relasyon sa E.A.T. host at kung paano sila naghiwalay.


Ipinahayag ni Daria, na ina nina Kempee at Cheenee de Leon, na umaasa siyang mapansin ni Joey ang kanyang apela.


Ibinahagi rin niya na alam ng kanyang mga anak kanyang mga problema, ngunit pinili nilang huwag makialam sa kanilang mga magulang.


Ayon kay Daria, umaasa siyang matutulungan siya ni Joey De Leon sa kanyang financial problems.


“Don De Leon, baka naman you know. Siguro naman nararamdaman mo, di mo lang pinapansin eh. Kailangan ko ng tulong mo. Baka naman maalala mo ako. Hintay lang ako. Hindi lang masabi ng mga anak natin dahil ayaw nilang gumitna. Alam mo yun. At mas lalong alam ko kasi nakakausap ko sila,” panawagan ni Daria.


Gayunpaman, hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagot si Joey De Leon sa mga naging pahayag ng kanyang dating asawa.


Si Joey De Leon ay kasalukuyang co-owner ng TVJ Productions, na diumano ay tumatanggap ng daan-daang milyong piso sa kanilang partnership sa TV5.




Paolo Contis, Arra San Agustin Nilinaw Ang Kanilang Relasyon

Walang komento


 Hindi napigilan ng mga fans ng Eat Bulaga ang kiligin kina Paolo Contis at Arra Agustin matapos makita ang pagiging sweet nila sa isa't-isa.


Napansin ng mga netizens ang special treatment na natatanggap ni Arra mula sa kanyang co-host na si Paolo Contis, na pinag-ugatan ng tsismis na tila may namumuo sa pagitan nilang dalawa.


Marami naman ang naghinalang may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-nobya, may mga nagsasabi pa na tila pinagdadaanan naman ngayon ni Yen ang nangyari sa mga naunan g karelasyon ni Paolo Contis.


Sa kabilang banda, hindi napigil ng ilang mga Eat Bulaga fans na kiligin sa ipinapakita ng dalawa sa harap at likod ng kamera. May mga nagsi-ship naman sa tambalang Paolo Contis at Arra San Agustin.


May mga bumabatikos naman ngayon kay Paolo Contis dahil sa tila panliligaw niya kay Arra at pagpapakita ng sweet gestures sa kabila ng pagkakaroon niya ng girlfriend.


Tila hindi pa rin umano ito natuto sa mga naging past relationship niya sa mga naunang babae sa kanyang buhay.


Gayunpaman, ipinagtanggol naman si Paolo Contis ng kanyang mga tagahanga at sinasabing nais lamang ni Paolo na maging ka-loveteam sila ni Arra San Agustin.


Iginiit din nila na walang romantic relationship ang dalawa at walang balak na makipagdate si Arra sa kanyang co-host. Subalit sa isang panayam, inilalarawan ni Arra San Agustin na isang caring person si Paolo Contis.


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng anumang pahayag si Yen Santos hinggil sa isyung kinakaharap ng kanyang nobyo na si Paolo Contis.




Paolo Contis, Nililigawan Si Arra San Agustin, Yen Santos, Iniwan Na?

Walang komento


 Pinaghihinalaan ngayon ng mga netizens na hiwalay na sina Paolo Contis at Yen Santos, matapos mapansin ng mga netizens ang mga sweet nina Paolo at Arra Agustin sa Eat Bulaga.


Ikinagulat ng mga netizens ang pagbabahagi ni Yen Santos ng cryptic posts sa kanyang Instagram account. Marami ang naghinalang patama ang mga ito sa iniisyu ngayong sa kanilan ni Paolo Contis.


"You ever looked at someone and be like damn you really a liar."


Kumakalat ngayon sa social media na tila may bagong  pinupormahan si Paolo Contis, ito'y walang iba kundi ang kanyang co-host sa Eat Bulaga na si Arra San Agustin.


Sina Paolo Contis at Arra San Agustin ay palaging tinutukso sa Eat Bulaga, lalo pa't napapansin ng mga manonood ang kanilang sweet gestures.


Sa kabilang banda, usap-usapan naman ngayon sa social media ang isiniwalat ng isang source patungkol sa naging out of town show ni Arra San Agustin.


Nagulat umano ang production sa nangyaring show ni Arra San Agustin dahil naroon din sa lugar na iyon si Paolo Contis.


Ayon kay Paolo Contis, pinauwi niya ang kasamang personal assistant ni Arra San Agustin at siya na ang nag-volunteer na mag-assist rito.


May mga nagsasabi rin na kahit sa backstage ng Eat Bulaga ay palaging nakaalalay si Paolo Contis kay Arra San Agustin. Tila hindi rin umano nawawala kay Arra ang paningin ni Paolo.


Hinahatid din umano ni Paolo Contis si Arra San Agustin sa bahay nito na tila binabakuran na ito.


Dahil sa kumakalat na sweet moments nina Paolo Contis at Arra San Agustin marami ang napapatanong kung ano ang nangyari sa relasyon nila ni Yen Santos.


Malakas ang hinala ng mga netizens na nangyari na rin kay Yen Santos ang pinagdaanan noon ng mga naunang karelasyon ni Paolo na sina Lian Paz at LJ Reyes.




Kris Aquino Nagulat Sa Mensahe Sa Kanya Ni KC Concepcion!

Walang komento


 Marami sa mga netizens ang natuwa sa muling pagkikita nina Kris Aquino at Boy Abunda. Maraming mga naging rebelasyon si Boy Abunda patungkol kay Kris Aquino na umano ng mga reaksyon mula sa iba pang mga celebrities.


Kabilang sa mga napakomentong celebrities ang panganay na anak ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion. Ipinahayag ni KC Concepcion ang kanyang tuwa sa pagkikitang muli nina Kris Aquino at Boy Abunda.


"I love seeing this and you both! @boyabunda It was honor to be able to share the stage with the two of you for a moment in time in my career.. praying for you."


Ikinatuwa naman ng mga netizens ang komentong ito ni KC Concepcion kung saan nakasaad na hindi talaga siya nakakalimot sa naging pinagsamahan nila noon nang maging co-host si KC Concepcion sa The Buzz.


Agad namang sinagot ni Kris Aquino ang komento ni KC Concepcion kung saan itinanong niya sa aktres kung kailan ito makakapunta sa kanilang town.


"@kristinaconcepcion will you be in town anytime soon?"


Marami naman ang na-excite sa posibilidad na magkikita muli sina Kris Aquino at KC Concepcion dahil kadalasan ay nasa Amerika naman ang aktres.




Kris Aquino Dinalaw Ni Boy Abunda, Mark Leviste Ganito Kasupportive Kay Kris

Walang komento

Biyernes, Oktubre 27, 2023


 Ibinahagi ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang muling pagkikita nila ng kanyang matalik na kaibigan na si Boy Abunda nang binisita siya nito sa California.


Isiniwalat pa ni Kris Aquino kung paano pinipigilan ni Boy Abunda na mapaluha habang ikinukwento niya ang pinagdadaanang sakit dahil sa kanyang mga injections. Subalit sa huli ay hindi rin umano nito napigil at napahaguhol na sa pag-iyak.


"Boy freaked because i needed a shot while he was here. And he really hates needles. Nagkwento pa lang ako ng pinagdadaanan kong mga treatment at yung at least 18 pieces of vitamins, supplements, as well as medicine


"parang the whole 3 hours boy was here he was stopping himself from crying pero bumigay din sya talaga."


Nag-apologize naman si Kris Aquino kay Jessica Soho na naroon din umano sa kanilang lugar. Hindi naman umano plinano ni Boy Abunda na mainterview si Kris Aquino sa katunayan ay Iphone lamang ni Kris ang gamit at si Mark Leviste ang naging cameraman nila.


"And with my sincerest apology to @km_jessica_soho who is also in town, and had asked if it was possible to give her an interview- it was all impromptu using just my iPhone with @markleviste being our cameraman & bimb asking the questions."


"Boy never asked for anything pero sa laki ng utang na loob namin sa kanya, binigay ko ng buong buo yung medyo naputol ng ilang beses na footage."


Ipinahayag din ni Kris Aquino ang pasasalamat sa lahat ng mga Batangueño sa pagpapahiram sa kanilang Vice Gov. upang umalalay sa kanya habang nagpapagamot siya sa kanyang mga sakit.


"Maraming salamat sa mga Batangueño sa pagpapahiram ng inyong vice governor. But in a few days babalik na sya sa 🇵🇭 at sa Pasko, kasama ng 3 anak nya na kaming lahat magsasama."



Jessy Mendiola Naiyak Sa Pamamaalam Ni Luis Manzano Sa It's Your Lucky Day

Walang komento


Hindi napigilan ng aktres na si Jessy Mendiola ang kanyang emosyun nang magpaalam na ang kanyang mister na si Luis Manzano sa madlang pipol sa huling araw ng kanilang show na It's Your Lucky Day.


Si Jessy Mendiola naman ang naging bisita ng It's Your Lucky Day sa kanilang huling araw sa noontime dahil magbabalik na ang pansamantalang nakasuspinde na It's Showtime bilang pagsuporta na rin sa kanyang mister.


Sa huling araw ng nasabing show, nagpahayag si Jessy Mendiola sa mga Lucky Stars, lalo na sas kanyang asawa na si Luis Manzano.


Hindi naman napigilan ng It's Your Lucky Day hosts ang kanilang mga emosyon nang ihayag na ni Luis Manzano ang kanyang question of the day.


Ang naging tanong ni Luis Manzano ay kung ano ang mamimiss ng kanyang mga kasamahan sa 12 days na pagsasama nila sa iisang noontime show.


Hindi napigilan ni Luis Manzano ang kanyang emosyon dahil napamahal na rin sa kanya ang nasabing show kahit pa sa maikling panahon nito sa ere.


Makikita naman ang dedikasyon ni Luis Manzano sa kauna-unahang noontime show na kanyang pinangunahan. Palagi rin umanong binibida ni Luis kay Jessy ang kanyang experience sa show.


Maging si Jessy Mendiola ay hindi rin napigil ang emosyon dahil sa madamdaming pahayag ng It's Your Lucky Day hosts.




Vice Ganda Nakisalo Sa Huling Tanghalian Ng It'S Your Lucky Day!

Walang komento


 Talagang Kapamilya na ang turing ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa host ng ipinalit na show sa kanila na It's Your Lucky Day.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ngayong araw ang huling araw ng It's Your Lucky Day dahil magbabalik na bukas ang noontime show na It's Showtime na pansamantalang pinalitan nila.


Kaya naman, binisita ni Vice Ganda ang studio ng nasabing show upang makipagsalo sa huling tanghalian ng mga ito roon.


Samantala, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga fans ng It's Your Lucky na magpapatuloy pa rin ang nasabing show kung saan bibigyan na sila ng sariling timeslot.


Sa kabilang banda, excited naman ngayon ang mga madlang pipol dahil muli na namang magbabalik ang It's Showtime sa ere.


Muli na naman itong magbibigay ng saya para sa lahat na naghihintay sa kanilang pagbabalik matapos ang 12 airing days suspension na ipinataw sa kanila ng MTRCB.


Inaabangan na rin ngayon ng mga madlang pipol ang pasabog na ibubungad ng It's Showtime family sa kanilang pagbabalik sa ere.




Nobyong Pulis ng Nawawalang Miss Grand Philippines 2023 Candidate Sinuspinde Na

Walang komento


Gumawa ng malaking rebelasyon ang mga awtoridad tungkol sa kaso ng nawawalang Miss Grand Philippines 2023 Candidate na si Catherine Camilon.


Ayon sa pagbubunyag ng Police Regional Office 4A, isa sa mga persons of interest sa pagkawala ni Catherine Camilon ay isang pulis na umano'y karelasyon nito.


Ayon sa naging pahayag ng Camilon family, natuklasan nila na ang kanilang nawawalang mahal sa buhay ay may karelasyon na pulis.


Hindi naman pinangalanan ng organisasyon kung sino ang nasabing police na naging nobyo ng beauty queen.


Alinsunod sa pagsasagawa ng imbestigasyon, sinuspinde na muna ng organisasyon ang pulis na tinutukoy bilang person of interest.


“The removal of the police officer from his position is essential to ensure that the investigation remains free from potential influence and guarantees a fair and thorough examination of the case,” pahayag ng PRO4A Acting Regional Director Brigadier General na si Paul Kenneth Lucas.


Gayunpaman, hinihiling nila na sana ay hindi muna magspeculate ng kung ano-ano ang mga tao dahil isinasagawa pa rin nila ang imbestigasyon hanggang ngayon.


“We request everyone to refrain from speculating or disseminating unverified information. We will keep the media and the public informed as the investigation unfolds, and we will do everything in our power to find answers regarding this incident.”


Sa ngayon ay nawawala pa rin ang dalaga at wala pa ring nakapagtuturo sa kasalukuyang lokasyon at kalagayan nito.




Ai Ai Delas Alas, Umalma Sa Nagpapakalat Ng Balitang Na-Str0ke Siya

Walang komento


 Nagpahayag ng pagkadismaya ang komedyanteng si Ai-Ai delas Alas matapos siyang ma-feature sa isang advertisement para sa isang health supplement nang walang pahintulot.


Sa kanyang Facebook post, ipinagdidiinan ni Ai-Ai  na hindi siya endorser ng anumang produkto. Hindi rin niya nagustuhan ang paraan na ginamit ng kumpanya para i-advertise ang kanilang produkto.


Kumakalat kasi ngayon ang mga ads kung saan nakahiga siya sa hospital bed na sinasabing ang produkto ng mga ito ang nakapagpagaling sa kanya.


Subalit ang katotohanan umano nito ayon kay Ai-Ai ay kuha ang larawan sa isa sa kanyang mga pelikula.


“Mga walanghiya kayo. Buwisit kayo talaga eh. Mga kampon kayo ni Satanas,” said Ai-Ai. “Ginagawan n’yo ako ng sakit. Walanghiya, ginamit n’yo pa ‘yung picture ko doon sa teleserye namin eh, ‘yung ‘Raising Mamay’, na may sakit ako sa ospital.” 


“Mga walanghiya kayo. ‘Yun pa ‘yung talagang ginamit n’yo para makapagbenta kayo niyang tinitinda n’yong produkto. Sinasabi n’yo pa na-stroke ako? Mga p*nyeta kayo! Hirap na hirap ako mag-exercise para maging healthy ako tapos… gagawan n’yo ko nang na-stroke ako. Diyusko ‘day. Anong klaseng mga tao ba kayo?”


Samantala, hindi naman binanggit ni Ai-Ai Delas Alas kung magsasampa ba siya ng pormal na reklamo laban sa kompanya.


Kabilang din sa mga celebrities na ginamit sa pekeng ads ay si Doctor Willie Ong.



Pia Magalona Inamin Kay Kris Aquino Ang Love Story Nila ni Francis M

Walang komento


 Mahigit isang dekada na rin ang lumipas nang pumanaw ang sikat at magaling na Rapper sa bansa na si Francis Magalona.


Subalit, muling naging laman ng mga usap-usapan ngayon sa social media ang nasabing personality dahil sa paglalantad ng dating nakarelasyon nito na si Abegail Rait kasama ang sinasabing anak nila na si Gail Francesca Rait.


Dahil dito, marami sa mga netizens ang na-curious sa naging relasyon noon nina Francis Magalona at asawa nitong si Pia Magalona.


Agad namang binalikan ng ilang mga netizens ang naging panayam noon ni Kris Aquino kay Pia Magalona kung saan inamin ng huli kung paano lumago ang pagmamahalan nila ni Francis.


8 years ago, naging guest sa TV Program ni Kris  Aquino si Pia Aroyo kung saan isiniwalat niya ang naging kwento ng pagmamahalan nila ni Francis Magalona.


Ibinahagi rin dito ni Pia kung paano nagkaroon ng leukemia si Francis na nadiagnose noong 2008 na agad namang binawian ng buhay matapos ang 7 months.


Ayon kay Pia, hindi namana ni Francis ang kanyang sakit dahil nakuha umano niya ito.


Hinangaan pa noon ni Kris Aquino ang katatagan ni Pia sa pag-aalaga kay Francis Magalona at ang uri ng pagmamahal na ibinibigay niya rito.


Ibinahagi naman ni Pia kung sino ang naging daan ng pagkakakilala nila ni Francis Magalona. Nagkakilala umano silang dalawa dahil kay Richard Gomez na pareho nilang kaibigan.


Sa bar umano sila unang nagkakilala hanggang sa nanligaw na umano sa kanya si Francis Magalona.


Inamin pa ni Pia kay Kris na napa-strikto ng kanyang mga magulang noon sa paglabas-labas niya at paggimik sa kabila ng pagkakaroon niya ng anak sa panahong iyon.




Ricci Rivero, Nagbantang Ilalabas Ang Baho Ni Andrea Brillantes Kung Hindi Siya Nito Titigilan

Walang komento


 Nagbigay ng pahayag ang basketball player at dating boyfriend ni Andrea Brillantes na pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili na ilabas ang mga baho ng aktres.


Subalit, kung hindi pa rin umano siya titigilan ng mga pang-iintriga at pambabatikos dahil kay Andrea, baka ay isiwalat na umano niya ang mga bagay na hindi pa alam ng publiko patungkol sa aktres.


Sa isang panayam sa radio show na 'Marites University,' inagrereklamo si Ricci Rivero kung bakit siya ang pinalabas na masamang tao matapos ang paghihiwalay nila ni Andrea.


“Kasi ayoko na and sinabi ko ‘yan sa kanya paulit-ulit. So, I am the bad person here for not telling the public that I am single? She asked me not to let people know muna kasi baka masira ang image niya tapos nung hindi ako pumayag magkabalikan, sisiraan na ako bigla?” paghihimutok ni Ricci Rivero.


Ipinahayag din ni Ricci na labis siyang nadismaya nang akusahan siyang hindi naglalaba ng kanyang damit dahil sa pahayag ni Andrea sa isang panayam kay Vice Ganda.


“Nanahimik ako sa detalye at tiniis lahat ang gawa-gawa nilang paninira d’yan sa mga laundry na ‘yan, sa mga gamit sa bahay para lang pagbigyan ang coping mechanism nila, pero sobra na. 


"Wala naman nang mawawala sa akin, so bakit di ako magsasalita kung gusto pala nila ng detalye at hanggang ngayon hindi sila matigil sa kahibangan nila sa buhay ko.”


Samantala, tila nagbanta naman si Ricci Rivero na isisiwalat niya ang iba pang mga baho ni Andrea Brillantes kung hindi umano siya titigilan nito.


“Pero kung pati future ko nakadepende sa pangit na nakaraan na ‘yan, hindi na ako papayag.”


Nauna na rito, ibinulgar ni Ricci Rivero na ilang beses umano nagpunta sa kanyang condo si Andrea Brillantes kahit madaling araw, para lamang magkipagbalikan sa kanya na pilit naman umano niyang tinatanggihan dahil ayaw na talaga niya.




It's Showtime, It's Your Lucky Day May Bagong Timeslot

Walang komento


 Naniniwala ang aktres na si Jessy Mendiola na hindi pa magtatapos ngayong araw ang kinabibilangang show ng kanyang asawang si Luis Manzano.


Naniniwala si Jessy na magpapatuloy pa rin ang It's Your Lucky ang show na pansamantalang ipinalit sa It's Showtime habang suspendido ito sa loob ng 12 airing days.


Ipinahayag ito ni Jessy Mediola sa kayang komento sa naging post ni Luis Manzano patungkol sa nakatakdang pagwawakas ng It's Your Lucky Day.


"Magtutuloy tuloy yan! Ibang timeslot lang. Thank you sa pagpapasaya sa bawat ka-lucky, howhow @luckymanzano, we love you!"


Samantala, ayon sa mga kumakalat ngayong mga bali-balita, may imo-move umano na timeslot sa mga programa may malilipat sa 11:30 habang may mamomove naman sa 4:30.


Matatandaan na marami ang nagrequest na sana ay magtagal pa ang It's Your Lucky Day at matutuloy-tuloy ang pag-ere nito sa kabila ng pagbabalik ng It's Showtime.


Handa naman umano sila na lumipat sa ibang timeslot kung sakali.


Nangalap pa ng mga opinyon si Luis Manzano sa kanyang mga fans kung saan dapat ilagay ang It's Your Lucky Day, bago o pagkatapos ng It's Showtime o di kaya ay bago mag TV Patrol.


Samantala, may nagsabi naman na ang ilipat ay ang show na lamang umano nina Vice Ganda na It's Showtime ang ilipat dahil mas nakakatawa naman umano ang show nina Luis Manzano.






Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo