Ama ni Ricci Rivero, Muling Pinasaringan si Andrea Brillantes, Walang Ginawang Mali si Ricci

Martes, Oktubre 31, 2023

/ by Lovely


 Hindi na nakapagtimpi ang ama ni Ricci Rivero sa mga netizens na patuloy na bumabatikos sa kanyang anak na si Ricci Rivero matapos ang pag-amin nito sa relasyon nila ni Leren Mae Bautista.


Sinagot ni Paolo Rivero ang ilang netizens sa social media na patuloy na batikos sa kanyang anak na si Ricci dahil sa break up nila ni Andrea Brillantes.


Sa kanyang mahahabang post sa social media, paulit-ulit na sinasabi ni Paolo Rivero ang katagang ‘time is the ultimate truth teller’ para ipagtanggol ang kanyang anak.


Muli rin niyang pinasaringan si Andrea Brillantes sa pagkokontrol sa mga tao sa kanyang paligid at mga fans na si Ricci ang totoong may kasalanan gayung ito umano ang totoong biktima.


“The reason why we always ask God for guidance and blessings is because we know we are on the right side. Really, time is the ultimate truth-teller. Time will come we will know who’s lying and who’s not. We may be outnumbered now but I truly believe that if God is with you, who can be against you. God has a perfect timing for everything. Those who wish something bad happens to us will definitely be accountable to our creator, Lord God.”


Dagdag pa nito, “You can guys can say anything but in the end our family can still go to bed and have a good sleep because we know KUNG SINO ANG SINUNGALING AT SINO ANG GUMAGAWA NG KWENTO AT PA-PANIWALAIN ANG MGA TAGA SUPORTA and asking others to spread false information just to gain sympathy. She might not be taking in public but definitely asking her friends to post and spread false rumors, alam mo yan iha.”


Ipinagdidiinan din nito na walang katotohanan ang mga ibinabatong isyu noon kay Ricci Rivero, patungkol sa hindi paglalaba sa loob ng isang taon at ang pagpapabili nito ng gamit kay Andrea Brillantes.


Hinimok pa niya ang mga netizens na magsagawa muna ng fact-checking bago maniwala sa mga isyu.


Ayaw na sana umano nilang palakihin pa ang isyung ito subalit hindi na umano nila nakayanan ang stress na idinulot ng mga fans ni Andrea Brillantes.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo