It's Showtime, It's Your Lucky Day May Bagong Timeslot

Biyernes, Oktubre 27, 2023

/ by Lovely


 Naniniwala ang aktres na si Jessy Mendiola na hindi pa magtatapos ngayong araw ang kinabibilangang show ng kanyang asawang si Luis Manzano.


Naniniwala si Jessy na magpapatuloy pa rin ang It's Your Lucky ang show na pansamantalang ipinalit sa It's Showtime habang suspendido ito sa loob ng 12 airing days.


Ipinahayag ito ni Jessy Mediola sa kayang komento sa naging post ni Luis Manzano patungkol sa nakatakdang pagwawakas ng It's Your Lucky Day.


"Magtutuloy tuloy yan! Ibang timeslot lang. Thank you sa pagpapasaya sa bawat ka-lucky, howhow @luckymanzano, we love you!"


Samantala, ayon sa mga kumakalat ngayong mga bali-balita, may imo-move umano na timeslot sa mga programa may malilipat sa 11:30 habang may mamomove naman sa 4:30.


Matatandaan na marami ang nagrequest na sana ay magtagal pa ang It's Your Lucky Day at matutuloy-tuloy ang pag-ere nito sa kabila ng pagbabalik ng It's Showtime.


Handa naman umano sila na lumipat sa ibang timeslot kung sakali.


Nangalap pa ng mga opinyon si Luis Manzano sa kanyang mga fans kung saan dapat ilagay ang It's Your Lucky Day, bago o pagkatapos ng It's Showtime o di kaya ay bago mag TV Patrol.


Samantala, may nagsabi naman na ang ilipat ay ang show na lamang umano nina Vice Ganda na It's Showtime ang ilipat dahil mas nakakatawa naman umano ang show nina Luis Manzano.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo