Billy Crawford Pinagsisihan Na Iniwan Ang It's Showtime

Martes, Oktubre 31, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang tila pagbabalik ni Billy Crawford sa Kapamilya noontime show na It's Showtime matapos ang ilang taon.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon mula sa mga taong malapit sa mga hosts ng nasabing noontime show, welcome pa rin naman umano si Billy sa It's Showtime.


Matatandaan na isa si Billy Crawford sa mga orihinal na host ng It's Showtime.


Samantala, hindi naman makapaniwala ang ibang mga madlang pipol dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang naging isyu nina Billy Crawford noon sa iba pa niyang kasamahan sa kanyang pag-alis.


Nauna na rito, ipinahayag ni Billy Crawford na walang problema sa kanya at agad siyang babalik kung mabibigyan ng pagkakataon na makabalik sa It's Showtime.


Matatandaan na isa rin si Billy Crawford sa mga taong naniniwala na anumang pagsubok ay malalampasan ng kanilang show.


Matagumpay na nakabalik sa ere ang It's Showtime matapos ang 12 airing days suspension na ipinataw sa kanila ng MTRCB dahil sa indecent acts nina Vice Ganda at Ion Perez sa pagsubo nila ng cake icing sa isang episode ng nasabing show.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo