Kris Aquino Dinalaw Ni Boy Abunda, Mark Leviste Ganito Kasupportive Kay Kris

Biyernes, Oktubre 27, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang muling pagkikita nila ng kanyang matalik na kaibigan na si Boy Abunda nang binisita siya nito sa California.


Isiniwalat pa ni Kris Aquino kung paano pinipigilan ni Boy Abunda na mapaluha habang ikinukwento niya ang pinagdadaanang sakit dahil sa kanyang mga injections. Subalit sa huli ay hindi rin umano nito napigil at napahaguhol na sa pag-iyak.


"Boy freaked because i needed a shot while he was here. And he really hates needles. Nagkwento pa lang ako ng pinagdadaanan kong mga treatment at yung at least 18 pieces of vitamins, supplements, as well as medicine


"parang the whole 3 hours boy was here he was stopping himself from crying pero bumigay din sya talaga."


Nag-apologize naman si Kris Aquino kay Jessica Soho na naroon din umano sa kanilang lugar. Hindi naman umano plinano ni Boy Abunda na mainterview si Kris Aquino sa katunayan ay Iphone lamang ni Kris ang gamit at si Mark Leviste ang naging cameraman nila.


"And with my sincerest apology to @km_jessica_soho who is also in town, and had asked if it was possible to give her an interview- it was all impromptu using just my iPhone with @markleviste being our cameraman & bimb asking the questions."


"Boy never asked for anything pero sa laki ng utang na loob namin sa kanya, binigay ko ng buong buo yung medyo naputol ng ilang beses na footage."


Ipinahayag din ni Kris Aquino ang pasasalamat sa lahat ng mga Batangueño sa pagpapahiram sa kanilang Vice Gov. upang umalalay sa kanya habang nagpapagamot siya sa kanyang mga sakit.


"Maraming salamat sa mga Batangueño sa pagpapahiram ng inyong vice governor. But in a few days babalik na sya sa 🇵🇭 at sa Pasko, kasama ng 3 anak nya na kaming lahat magsasama."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo