Jessy Mendiola Naiyak Sa Pamamaalam Ni Luis Manzano Sa It's Your Lucky Day

Biyernes, Oktubre 27, 2023

/ by Lovely


Hindi napigilan ng aktres na si Jessy Mendiola ang kanyang emosyun nang magpaalam na ang kanyang mister na si Luis Manzano sa madlang pipol sa huling araw ng kanilang show na It's Your Lucky Day.


Si Jessy Mendiola naman ang naging bisita ng It's Your Lucky Day sa kanilang huling araw sa noontime dahil magbabalik na ang pansamantalang nakasuspinde na It's Showtime bilang pagsuporta na rin sa kanyang mister.


Sa huling araw ng nasabing show, nagpahayag si Jessy Mendiola sa mga Lucky Stars, lalo na sas kanyang asawa na si Luis Manzano.


Hindi naman napigilan ng It's Your Lucky Day hosts ang kanilang mga emosyon nang ihayag na ni Luis Manzano ang kanyang question of the day.


Ang naging tanong ni Luis Manzano ay kung ano ang mamimiss ng kanyang mga kasamahan sa 12 days na pagsasama nila sa iisang noontime show.


Hindi napigilan ni Luis Manzano ang kanyang emosyon dahil napamahal na rin sa kanya ang nasabing show kahit pa sa maikling panahon nito sa ere.


Makikita naman ang dedikasyon ni Luis Manzano sa kauna-unahang noontime show na kanyang pinangunahan. Palagi rin umanong binibida ni Luis kay Jessy ang kanyang experience sa show.


Maging si Jessy Mendiola ay hindi rin napigil ang emosyon dahil sa madamdaming pahayag ng It's Your Lucky Day hosts.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo