Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!

Martes, Oktubre 31, 2023

/ by Lovely


 Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos ang Dear Heart concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kung saan nadawit na rin maging ang mister ni Sharon na si Kiko Pangilinan.


Umani ng negatibong komento mula sa mga netizens ang ibinahaging larawan ni Kiko Pangilinan matapos ang sold out concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.


Ibinahagi kasi ni Kiko sa social media ang larawan na yakap-yakap niya si Sharon.


Hindi naman nakapagtimpi si Rosanna Roces at nilinaw sa mga netizens ang kaibahan ng trabaho sa personal na buhay ng artista.


"Ito ang hindi maiintindihan ng mga haters..na kesyo pati feelings ng mga partners ng dating mag asawa pinakikialaman. Ganito kasi yan...Sa likod ng ingay...rehearsal..pagod sa promo at sa gabi ng actual show Mayroon tayong isang Tao na inuuwian..sila ang may hawak ng kapayapaan at katahimikan ng puso. They are what we call HOME."


Pagdedetalye pa ni Rosanna Roces, "everythings alright pag kapiling na natin sila. Naglalaho lahat ng ingay at pagod. Sila yung pinili natin Maging pamilya dahil afterall..Showbiz is not Forever....Family is Forever"


Hiniling din ni Rosanna Roces na intindihin sana ng mga fans na may mga personal ring buhay ang mga artista na dapat ring igalang at irespeto.


"Maging masaya na lang tayo at napagbigyan ang hiling ng mga fans at ng kaisa isa nilang anak na sana ay mapag sama kahit sa entablado lang ang kanyang ama at ina. Isa ring patunay ito na walang gusot ang di maayos kung magkakaunawaan lang lahat."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo