Pia Magalona Inamin Kay Kris Aquino Ang Love Story Nila ni Francis M

Biyernes, Oktubre 27, 2023

/ by Lovely


 Mahigit isang dekada na rin ang lumipas nang pumanaw ang sikat at magaling na Rapper sa bansa na si Francis Magalona.


Subalit, muling naging laman ng mga usap-usapan ngayon sa social media ang nasabing personality dahil sa paglalantad ng dating nakarelasyon nito na si Abegail Rait kasama ang sinasabing anak nila na si Gail Francesca Rait.


Dahil dito, marami sa mga netizens ang na-curious sa naging relasyon noon nina Francis Magalona at asawa nitong si Pia Magalona.


Agad namang binalikan ng ilang mga netizens ang naging panayam noon ni Kris Aquino kay Pia Magalona kung saan inamin ng huli kung paano lumago ang pagmamahalan nila ni Francis.


8 years ago, naging guest sa TV Program ni Kris  Aquino si Pia Aroyo kung saan isiniwalat niya ang naging kwento ng pagmamahalan nila ni Francis Magalona.


Ibinahagi rin dito ni Pia kung paano nagkaroon ng leukemia si Francis na nadiagnose noong 2008 na agad namang binawian ng buhay matapos ang 7 months.


Ayon kay Pia, hindi namana ni Francis ang kanyang sakit dahil nakuha umano niya ito.


Hinangaan pa noon ni Kris Aquino ang katatagan ni Pia sa pag-aalaga kay Francis Magalona at ang uri ng pagmamahal na ibinibigay niya rito.


Ibinahagi naman ni Pia kung sino ang naging daan ng pagkakakilala nila ni Francis Magalona. Nagkakilala umano silang dalawa dahil kay Richard Gomez na pareho nilang kaibigan.


Sa bar umano sila unang nagkakilala hanggang sa nanligaw na umano sa kanya si Francis Magalona.


Inamin pa ni Pia kay Kris na napa-strikto ng kanyang mga magulang noon sa paglabas-labas niya at paggimik sa kabila ng pagkakaroon niya ng anak sa panahong iyon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo