Anji Salvacion Bino-Boycott Dahil Sa Kanyang Akting Skills

Martes, Oktubre 31, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon ang aktres na si Anji Salvacion dahil sa kanyang ligwak na aktingan sa teleseryeng Linlang.


Ginagampanan ni Anji Salvacion ang papel ng kapatid ni Kim Chiu sa nasabing Primevideo series kung saan kasama niya ang iba pang mga bigatin at magagaling na artista.


Hindi nagustuhan ng marami ang pag-arte ni Anji Salvacion dahil halatang pilit at hilaw pa umano ang aktres. Hindi pa umano ito nababagay na makasama sa line up ng magagaling na artista.


Napakagaling umano ng pag-arte nina Kim Chiu, JM De Guzman, Paulo Avelino at Maricel Soriano subalit nalalaglag ang eksena sa tuwing si Anji na ang sumasalang sa aktingan.


Hindi rin nagustuhan ng maraming netizens ang pilit na love angle ni Anji Salvacion sa kanyang co-actor na si Kice na naging finalist ng Idol Philippines.


Viral na ngayon sa social media ang aktingan ni Anji Salvacion na umaani ng pambabatikos mula sa mga netizens.


"jusko wag ng ipilit please lang. Hanggang sa pag-arte apakaOA talaga nitong Anji.. ABS naman bakit ba ipinupush nyo itong si girl e wala talagang karisma. Please lang nasisira ang serye because of her."


"Napansin ko din yan na naduling na si Anji. Hindi na alam kung pano iiarte un eksena. Anyway, walang malii sa accent niya. Lalo naman sa mukha niya. Tatay niya foreigner yung acting lang talaga. Siguro eh pinagworkshop muna dapat bago isalang. Saka sa PBB palang dami ng nakapansin sa kanya na umiiyak ng walang luha.”



@_amvxnxx naduling pa nga si anteh #anjisalvacion #linlang #pooracting ♬ original sound - iwz - _

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo