Ricci Rivero, Nagbantang Ilalabas Ang Baho Ni Andrea Brillantes Kung Hindi Siya Nito Titigilan

Biyernes, Oktubre 27, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng pahayag ang basketball player at dating boyfriend ni Andrea Brillantes na pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili na ilabas ang mga baho ng aktres.


Subalit, kung hindi pa rin umano siya titigilan ng mga pang-iintriga at pambabatikos dahil kay Andrea, baka ay isiwalat na umano niya ang mga bagay na hindi pa alam ng publiko patungkol sa aktres.


Sa isang panayam sa radio show na 'Marites University,' inagrereklamo si Ricci Rivero kung bakit siya ang pinalabas na masamang tao matapos ang paghihiwalay nila ni Andrea.


“Kasi ayoko na and sinabi ko ‘yan sa kanya paulit-ulit. So, I am the bad person here for not telling the public that I am single? She asked me not to let people know muna kasi baka masira ang image niya tapos nung hindi ako pumayag magkabalikan, sisiraan na ako bigla?” paghihimutok ni Ricci Rivero.


Ipinahayag din ni Ricci na labis siyang nadismaya nang akusahan siyang hindi naglalaba ng kanyang damit dahil sa pahayag ni Andrea sa isang panayam kay Vice Ganda.


“Nanahimik ako sa detalye at tiniis lahat ang gawa-gawa nilang paninira d’yan sa mga laundry na ‘yan, sa mga gamit sa bahay para lang pagbigyan ang coping mechanism nila, pero sobra na. 


"Wala naman nang mawawala sa akin, so bakit di ako magsasalita kung gusto pala nila ng detalye at hanggang ngayon hindi sila matigil sa kahibangan nila sa buhay ko.”


Samantala, tila nagbanta naman si Ricci Rivero na isisiwalat niya ang iba pang mga baho ni Andrea Brillantes kung hindi umano siya titigilan nito.


“Pero kung pati future ko nakadepende sa pangit na nakaraan na ‘yan, hindi na ako papayag.”


Nauna na rito, ibinulgar ni Ricci Rivero na ilang beses umano nagpunta sa kanyang condo si Andrea Brillantes kahit madaling araw, para lamang magkipagbalikan sa kanya na pilit naman umano niyang tinatanggihan dahil ayaw na talaga niya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo