Manay Lolit Solis Na-expel Sa PAMI Matapos Mag Resign Ni Shirley Kuan!

Miyerkules, Oktubre 19, 2022

/ by Lovely


Malungkot na ibinahagi ni Manay Lolit Solis ang balitang nakatanggap siya ng expulsion letter mula sa PAMI dahil sa kanyang paglabag sa isa sa mga rules nito.

Ang Professional Artists Manager Inc. (PAMI) ay ang samahan ng mga manager na kinabibilangan din dati ng manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan. Ayon kay Lolit Solis natanggap niya ang expulsion letter galing sa PAMI. Tanggap din umano niya ang desisyon ng PAMI na tanggalin siya dahil may nilabag siyang rules. Nilinaw din ni Lolit na hindi siya natanggal sa samahan dahil sa pangbubully niya kina Bea Alonzo at Shirley Kuan.

"Nalungkot ako Salve ng matanggap ko ang EXPULSION letter ng PAMI. Alam ko na may nagawa akong kasalanan kaya tanggap ko ang parusa. Humanga ako dahil naging matapang si June Rufino this time na gumawa ng stand. Maganda example na ipakita nila sa lahat na binibigyan nila ng parusa ang mga hindi sumunod sa rules ng PAMI. I am sorry for messing up, at mabuti nga ginawa nila ito at baka dumami pa ang mag resign tulad ni Shirley Kuan. Ngayon hindi na magri resign ang mga ayaw sa akin, dahil expelled na ako. At least, na EXPEL ako dahil sa ibang rason at hindi dahil sa BULLY ako. I admit to my mistake, I bow to June Rufino as president of PAMI, and I hope the organization at ang mga members magtagumpay lahat lalo na ang mga alaga nila na parang anak na kaya inilalaban ng patayan gaya ni Shirley Kuan kay Bea Alonzo . Wish all of you well and success. Your EXPELLED member, Lolita Solis"


Sa huli, hiling ni Manay Lolit Solis magiging matagumpay ang lahat ng mga myembro ng PAMI at ipaglaban ang kanilang mga alaga na itinuturing na nilang anak.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo