Xian Gaza May Rebelasyon Sa Hiwalayang KathNiel, Ibinulgar ang Pagkakadawit ni Andrea Brillantes

Walang komento

Biyernes, Disyembre 1, 2023


 Naglabas ng maiinit na rebelasyon ang pambansang marites na si Christian Albert Gaza na mas kilala bilang si Xian Gaza hinggil sa totoong dahilan kung bakit tuluyan nang hiniwalayan ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla na naging karelasyon ng aktres sa loob ng 11 years.


Inamin ni Xian Gaza sa kanyang live na ang kanyang source sa hiwalayan ng KathNiel ay walang iba kundi si Ogie Diaz.


Matatandaan na naunang isiniwalat ni Ogie Diaz na nakarating sa kanya ang balitang naghiwalay na ang KathNiel subalit hindi pa umano ito kumpirmado. Nakatanggap pa ng pambabatikos noon si Ogie Diaz kung saan tinatawag siyang fake news peddler ng mga KathNiel fans.


Samantala, ayon kay Xian Gaza, hindi dapat binabatikos si Ogie Diaz dahil sa tagal na nito sa industriya ay tiyak na marami na itong koneksyon na makakapagsabi sa mga latest ganap sa showbiz industry.


Isiniwalat rin ni Xian Gaza na napapagod na itong si Kathryn Bernardo sa pauulit-ulit na pambababae ni Daniel Padilla sa loob ng 11 years nilang relasyon. Ilang beses na umanong nahuhuli ng aktres si DJ sa mga chats at texts nito. Ilang beses na rin umanong pinagbibigyan ni Kathryn ng chance si Daniel Padilla sa pag-asang tuluyan itong magbago.


Isa pa umano sa mga dahilan kung bakit hindi kaagad na nakipaghiwalay si Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla ay ang kanilang trabaho at ibang bang business related stuff.


Ayon pa kay Xian Gaza, hindi lamang iisang beses na palihim na nagkikita sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla mula noong maghiwalay sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes. Dahil dito, hindi na napigilan pa ni Kathryn na putulin ang kanilang ugnayan sa panahong ito, ilang buwan na rin umanong may hindi pagkakaunawaan ang KathNiel.


Isiniwalat din ni Xian Gaza sa talagang hobby nitong si Andrea Brillantes ang mang-agaw ng mga boyfriend ng iba pang mga artista. Sa katunayan, may anim pang sikat na personality na lumapit sa kanya kung saan pinapatunayan ng mga itong ganun nga si Andrea Brillantes.


Ayon pa kay Xian Gaza, maraming mga babae ang nalink kay Daniel Padilla bago pa man kay Andrea Brillantes subalit walang lumutang dahil natatakot ang mga ito sa pamilya ng aktor.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang ipinapalabas na image ni Daniel Padilla ay loyal, conservative at gentleman kaya naman palaging hinaharangan ng pamilya ang mga babaeng nais na ipahayag ang umano'y totoong pagkatao ng aktor.


Ipinunto rin ni Xian Gaza ang posibilidad na hindi lang si Andrea Brillantes ang dahilan ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil maari ring naghiwalay na ang KathNiel bago umiksena si Andrea gamit ang hiwalayan nila ni Ricci Rivero kung saan nagpakakuya itong si DJ.


Samantala, kumakalat naman ngayon ang pagkakadawit ng pangalan ni Gillian Vicencio sa hiwalayan ng KathNiel dahil ito umano ang kinaka-text ni Daniel Padilla na nahuli mismo ni Kathryn.


May mga chika pa na si Sue Ramirez ang nagsumbong kay Kathryn na may nangyari kina Daniel at Gillian dahil naikwento umano ito ng huli sa kanya.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag at reaksyon ang lahat ng mga itinuturong sangkot sa hiwalayang nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Gayunpaman, hiling ng mga netizens na sana ay malampasan ng dalawa ang lahat ng mga pagsubok na kinakaharap nila ngayon.


Hiling din ng maraming KathNiel fans ang agarang paghilom ng kanilang mga puso para maka move forward na ang dalawa kahit pa hindi nila hawak ang kamay ng isa't-isa.



Ina Ni Kathryn Bernardo, Naglabas Ng Mensahe Pinaasa Ang KathNiel Fans

Walang komento


 Nagbigay ng pahayag ang ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo para sa kanyang anak at para sa lahat ng mga tagahanga ng kanyang anak at para sa lahat na sumusuporta sa KathNiel.


Sa gitna ng mainit na usapin hinggil sa pagkumpirma nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang hiwalayan, kaagad na nagbigay ng mensahe ang ina ni Kathryn Bernardo kung saan ipinahayag niyang hindi pa rito magtatapos ang kanilang pagsasama ng KathNiel fans.


Bagama't nagtapos na umano ngayon ang relasyon ng kanyang anak at ni Daniel Padilla, hindi ibig sabihin nito ay magtatapos na rin ang samahan ng mga fans ng KathNiel. Maari pa rin namang suportahan ng mga ito ang dalawa bilang mga artista.


“KathNiels, Kathcakes, Solid DJ maraming maraming salamat sa inyo, hindi dito nagtatapos ang ating pagsasama,” Instagram post ni Min Bernardo kalakip ang nakatalikod na larawan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Samantala, marami naman sa mga tagahanga ng KathNiel ang umaasa na sana ay darating din ang pagkakataon na magkakabalikan ang dalawa.


"Yakap na mahigpit sa Bernardo family. Thank you for everything you've done for Kath and Deej. Baka hindi rin aabot ng 12 years kung wala ang inyong paggabay."


"PANG HAHAWAKAN PO NAMIN YAN TITA MIN ALAM PO NAMIN NAG MAG BABALIKAN SILA NANDITO LANG PO KAMI LAGING NAKA SUPPORT"


"Sending a virtual hugs for kath and to you tita min. Hope this is not the end."


Samantala, bagama't hiniling ni Kathryn Bernardo sa mga tagahanga nila ni Daniel Padilla to not take sides. Marami pa rin sa mga fans nilang dalawa ni Daniel Padilla ang kumampi sa kanya at binitawan na si Daniel Padilla dahil sa isyu ng panloloko nito sa kanilang relasyon.



Marami sa mga KathNiel fans ang sinisisi si Daniel sa hiwalayan nila dahil hindi umano ito nakuntento sa kayang ibigay ni Kathryn. Naghanap pa umano ito ng kalinga mula sa ibang mga babae.


Sa katunayan, may ilang mga fans pa na nagpapasalamat na hiniwalayan na ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla dahil ilang beses na umano nitong niloloko si Kathryn.


Ayon pa sa ilang mga fans na buti na lang ay hindi pa kasal ang dalawa nang malaman ni Kathryn ang totoong kulay at kung gaano kababaero itong si Daniel Padilla dahil mas mahirap na umano kung naikasal na sila bago nalaman ng aktres dahil dadaan pa sila sa annulment.


May mga humanga rin sa aktres dahil sa pagiging matapang nito sa pakikipaghiwalay kay Daniel na nakarelasyon na niya sa loob ng 11 years. Marami kasi ang nagsasabi na ang ibang babae ay nagpapalabulag at bingi na lamang dahil nasasayangan sa mga taong pinagsamahan nila.


"Payakap kay @bernardokath tita min ❤️❤️❤️ napaka-strong at npakatapang."


Sa ngayon patuloy na lumalabas sa iba't-ibang social media platforms ang mga baho ni Daniel Padilla. Naglabasan na rin ang mga resibo ng pambababae nito sa likod ni Kathryn Bernardo.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon noon pa man ay nalalaman na ni Kathryn Bernardo ang pambababae ni Daniel Padilla. Ilang beses na pinatawad umano ni Kathryn si Daniel dahil sa pagmamahal niya rito. Pinanghahawakan rin umano ni Kath ang mga pangako ni Daniel na hindi na ito uulit na ilang beses ding napako. 



Gillian Vicencio Pala Ang Dahilan Ng Hiwalayan Ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla!

Walang komento


 Kasunod ng pag-amin ng long time celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kanilang hiwalayan, naging usap-usapan ngayon sa social media ang mga naging babae ng aktor bukod pa sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang ilang mga entertainment news sites na hindi ang palihim na pagkikita noon nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla ang dahilan kung bakit tuluyan nang winakasan ni Kathryn Bernardo ang relasyon nila ni Daniel Padilla, kundi si Gillian Vicencio.


Ayon sa usap-usapan ngayon napag-alaman umano ni Kathryn Bernardo ang relasyon ni Daniel Padilla at ng actress na si Gillian Vicencio.


Unti-unti nang nabibigyan ng linaw ngayon, kung ano nga ba ang nangyari sa relasyon ng KathNiel na naging dahilan upang maghiwalay na ang mga ito sa kabila ng pahayag nilang may pagmamahal pa sila para sa isa't-isa.


Kumakalat ngayon sa social media ang isang post kung saan makikita ang umano'y conversation kung saan isiniwalat na may nangyari sa pagitan nina Daniel Padilla at Gillian Vicencio habang magkarelasyon pa sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Kumalat rin ngayon sa social media na ilang beses nang nag-cheat itong si Daniel Padilla sa naging relasyon nila ni Kathryn. Palagi lamang siyang pinagbibigyan ng aktres dahil sa pagmamahal at para na rin sa kanilang mga fans.


Samantala, ayon sa mga usap-usapan ngayon na nito lamang nagdaaang September, muling nagcheat si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo. Naikwento umano nitong Gillian Vicencio ang nangyari sa kanila ni Daniel Padilla kay Sue Ramirez na isinumbong naman ng huli kay Kathryn Bernardo.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, bago pumunta ni Kathryn Bernardo sa South Korea pinuntahan muna niya si Daniel Padilla sa condo nito upang kausapin dahil ilang buwan na rin silang hindi nagkakausap dahil palagi na silang nag-aaway.


Tila napansin na rin kasi ni Kathryn Bernardo ang pagbabago kay Daniel Padilla, hindi na umano siya nito kinakausap at palagi pang may ka-chat. Sinubukan rin umano ni Kathryn Bernardo na hiramin ang cellphone ni Daniel Padilla na dati naman ay pinapahiram kaagad ng aktor, subalit sa pagkakataon ito ay hindi na pumapayag si Daniel na pakialaman ni Kathryn ang kanyang phone.


Nagbanta naman si Kathryn na kung hindi ibibigay ni Daniel Padilla ang kanyang cellphone ay makikipaghiwalay na siya rito, sa huli ibinigay ni DJ ang kanyang cellphone. Dito na rin inamin ng aktor na may mga cheating conversation sa kanyang phone at palagi niyang kausap si Gillian.


Nakipaghiwalay umano si Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla dahil hindi na niya kinakaya ang panloloko nito. 2 weeks after ng hiwalayan ng dalawa nagsimulang mag-inom ni Daniel Padilla. Tila naghahanap ng comfort ang actor at doon naman pumasok sa eksena si Andrea Brillantes.


Si Andrea Brillantes umano ang nagbigay ng comfort kay Daniel Padilla na kasalukuyan din dumaan sa isang break up.


Ayon pa sa mga kumakalat na post, na totoong may nangyari rin sa pagitan nina Daniel Padilla at Andrea Brillantes sa Spain, subalit sa panahong ito ay hiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ang totoong naging dahilan sa hiwalayan nilang dalawa ay ang pag-cheat ni Daniel kay Kathryn Bernardo kung saan pinatulan nito ang isa sa kanilang naging co-stars.


Samantala, may mga nagsasabi ngayon na kaya nagpa-iksi ng buhok si Kathryn Bernardo ngayon ay pinaparinggan umano niya si Gillian Vicencio na alam naman ng lahat na may maiksing buhok.


Sa ngayon ay halos apat na buwan na rin umanong hiwalay ang KathNiel.


Hinala ng naman ng ilang mga netizens na nagsawa na itong si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo at sa kanilang set-up kaya naman gumawa na siya ng paraan para tuluyan na siyang iwan ng aktres.




Karla Estrada, May Malaking Utang Pala Kay Kathryn Bernardo, Min Bernardo Naimbyerna Kay Karla

Walang komento

Huwebes, Nobyembre 30, 2023


 Lalong lumala ang isyu sa naging dahilan ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang hayagan na nilang aminin sa kani-kanilang mga Instagram account na tuluyan na nilang tinuldukan ang kanilang pagmamahalan.


Maging ang mga magulang umano nilang dalawa na sina Karla Estrada at Min Bernardo ay hindi na rin umano maayos ang kanilang samahan at hindi na rin umano sila nagkikibuan ngayon.


Samantala, lumalabas naman ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung sinisingil umano ngayon ng kampo ni Kathryn Bernardo ang ina ni Daniel Padilla dahil may mga utang umano ito sa aktres.


Ayon sa mga kumakalat na isyu, kung susumahin ang pagkakautang ni Karla Estrada ay aabot umano ito sa milyon.


Samantala, hindi pa naman kumpirmado ang balitang ito dahil hindi pa naglalabas ng pahayag si Karla Estrada.


Ang kumpirmado pa lamang sa pagkakataong ito ay ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil nagmula na mismo ang pag-aming ito sa kanilang mga official Instagram account.


Matatandaan na kumalat noon sa social media ang isang conversation kung saan ipinahayag ni Daniel na aayusin niya ang relasyon nila ni Kathryn Bernardo.


Subalit, sa inilabas na pag-amin ng KathNiel tila hindi na naayos pa ni Daniel ang kanilang pag-iibigan.



Daniel Padilla, Kinumpirma Ang Hiwalayan Nila Ni Kathryn Bernardo

Walang komento


 Sa wakas ay nagsalita na ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla hinggil sa matagal nang napapabalitang hiwalayan nila ng kanyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Nitong November 30, 2023, ginulat  nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang magkasunod silang maglabas ng mga official statement sa kani-kanilang Instagram accounts kung saan kinumpirma na nila ang kanilang paghihiwalay.


Sa official Instagram account ni Daniel Padilla ipinahayag niya ang kanyang pag-amin sa hiwalayan nila ni Kathryn.


Pinasalamatan din niya ang dating nobya sa lahat ng pagmamahal nito sa kanya at pagsama sa kanya sa up and downs sa buhay.


"11 years K D Pagibig. Sa mundo, buhay ay sa limitadong oras na tayo ay nandito, Isang malaking biyaya ang pagmamahal. Ang mahalin ka at mahalin mo.


"Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw. Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows.


"Our lives may drift away, but our love will still ride that tide."


Nagbigay din siya ng mensahe sa lahat ng mga Kathniel fans na hanggang sa huli ay sumusuporta parin sa kanilang pagmamahalan ni Kathryn Bernardo.


"Kathniels, maraming salamat sa pagmamahal ninyo. Maraming salamat sa napakagandang pinagsamahan natin. Hinding-hindi namin ipagpapalit at hindi makukumpara kahit ano pang gawin nila.


"Hinding-hindi nila pwedeng sirain yun. This is beyond show business, pamilya kayo at mga kaibigan. Magiging mahirap pero kailangan natin yakapin ang kinabukasan.


"I pray for us to grow, and heal."


Sa huli, nagbigay ng mensahe si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo kung saan ipinahayag niya ang pagmamahal niya sa aktres hanggang sa katapusan.


"Bal, ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan."


Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang nalungkot sa tuluyang pag-amin nila na winakasan na nila ang kanilang relasyon sa loob ng 11 years.


Marami ang naghinayang sa pinagsamahan nila sa loob ng mahabang panahon, gayunpaman may mga nagsasabi naman na mas maigi na ang ganoon upang maging malinaw na sa lahat at matapos na ang lahat ng mga speculations.


Hiling naman ng ilang mga fans nila na tuluyan na silang makapag-move forward sa kani-kanilang buhay.


Si Daniel John Ford Padilla, na mas kilala sa kanyang mga tagahanga at sa entertainment industry bilang Daniel Padilla o DJ, ay isang multi-awarded Pinoy actor, recording artist, model, at product endorser. Ipinanganak siya noong Abril 26, 1995 sa aktor na si Rommel Padilla at aktres na si Karla Estrada. Bilang isang artista, nakatanggap si DJ ng maraming parangal sa telebisyon at pelikula.


Maegan Aguilar, Ikinuwento Kung Paano Sinuyo Ang Kanyang Ama

Walang komento


 Ibinahagi ni Maegan Aguilar sa isang panayam kung paano niya muling nakasama ang kanyang ama, ang legendary OPM artist na si Freddie Aguilar, matapos ang ilang taon na hindi pag-uusap sa isa't isa.


Sa isang panayam kay Julius Babao, sinabi ni Maegan na gumawa siya ng ilang paraan upang makipag-ugnayan muli sa kanyang ama, kabilang sa mga ito ang pakikipag-usap sa isa sa kanyang mga anak na babae, na nakatira kay sa kanyang ama na si Freddie Aguilar.


“My daughter na nakatira sa kanya. Since naka-block ako, syempre naka-block ako kay tatay ‘di ba? Dinaan ko sa anak ko. Anak, tanong mo naman kay lolo, kung pwede kaming pumunta diyan,” pahayag ni Maegan.


Hindi umano alam ni Maegan kung gaano siya kasaya nang biglang pumayag ang kanyang ama sa kanyang kahilingan.


“Mommy pwede daw pero overnight lang daw…”


Nang magpunta na sila sa bahay ng kanyang ama, biniro umano niya ito na mas nagmukha na itong mas bata kaysa sa kanya.


“‘Tay ang daya mo. Ang bata-bata ng itsura mo, ako mukhang lola.” 


Samantala, ibinahagi rin ni Maegan ang kanyang saloobin tungkol sa buhay sa nasabing panayam.


“‘Yung deeds mo na magaganda sa ibang tao hindi yun ‘yung magdadalo sa’yo sa langit. Ang magdadali sa’yo sa langit is yung “You are humbled in his feet” na alam mo na wala ka, you are nothing without HIM so now that’s what I believe na “Lord, hindi ko ‘to kaya if I’m alone kasi wala ako eh if wala ka.”


Matatandaang nahiwalay si Maegan sa kanyang ama noong 2019, dahil umano sa kanyang mga bisyo.


Nag-viral pa si Maegan sa social media matapos niyang ilabas ang mga isyu nila sa kanyang ama sa Wanted Sa Radyo.


Gayunpaman, iginiit ni Freddie na siya lang ang magdedesisyon kung nagbago na si Maegan.


“Kasi si Maegan, sinasabi niya sa akin na, ‘Tay, nagbago na po ako.’ Sabi ko, ‘Anak, hindi mo kailangan sabihin na nagbago ka sa akin, e. Ako, malalaman ko yun anak kapag nagbago ka. 


"Ako mismo magsasabi sa yo anak, anak, halika, nagbago ka na, e.’ Pero kako, hindi mo puwedeng sabihin lang, may kasamang action yan kako. With what you’re doing now, hindi ka pa rin nagbabago.”




‘End of KathNiel era’ Kathryn Bernardo Kinumpirma Ang Hiwalayan Nila Ni Daniel Padilla Sa Instagram

Walang komento


 Sa wakas ay si Kathryn Bernardo na mismo ang gumalaw sa baso hinggil sa napapabalitang hiwalayan nila ng kanyang longtime celebrity boyfriend na si Daniel Padilla.


Matapos ang ilang linggong puro speculations at haka-haka sa wakas ay kinumpirma na mismo ni Kathryn Bernardo ang mga tsismis na bumabalot sa kanila ni Daniel Padilla.


Sa kamakailang Instagram post ng aktres, tuluyan na niyang inamin na natapos na ang relasyon nila ni Daniel Padilla matapos ang 11 years.


Ibinahagi ni Kathryn Bernardo ng isang open letter para makipag-usap sa kanyang mga tagahanga at ikinuwento kung paano siya kusang-loob na naging ka-love team at, nang maglaon, naging kapareha ni Daniel.


“Chapter closed. I hope this finally helps all of us to move forward. I won’t be entertaining questions regarding this anymore. Thank you for understanding,” caption ni Kathryn sa kanyang Instagram post kalakip ang larawan nila ni Daniel at ang kanyang open letter para sa lahat.


"I've been in showbiz for almost 21 years now, 12 years as the one-half of Kathniel, and 11 years as someone who loved Deej even behind the camera.


"I didn't grow up in this industry constantly being controlled and dictated on. I was lucky to have had the best guidance and support system when I started my career and I've continously worked hard to earn people's trust.


"But since I became an adult, I took it upon myself to take charge of my own life- the projects I work on, the way I dressm the people I surround myself with.


"I've always tried to be my own person. I was encouraged to think for myself and decide for myself. Even when it comes to love. Especially when it comes to love.


"I promised to never lose myself in this industry, so I've always been as authentic to you as I can be. I know what many of you are thinking right now. 


"I'm well aware of the rumors and speculations going around, and as hard as it is to put everything into words, I want you to hear it straight from me: It’s true that Deej and I have decided to part ways."


Ipinahayag naman ni Kathryn na lahat ng mga nangyari sa kanila ni Daniel Padilla ay totoo. Totoo rin ang kanilang pagmamahalan nilang dalawa. Ipinahayag din ni Kathryn na ilang beses din niyang sinubukang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan subalit na-realize niyang tapos na ang lahat sa kanila ni Daniel Padilla.


"What Deej and I had was real. It was never for show. We were together not because of the cameras, not because of the fans, not because of the many that comes with a successful love team.


"We were genuinely in love. We grew up together, dreamed together, and saw many of those dreams become a reality- still together. That's almost half of my life I would never regret and would never trade for anything in the world.


"These 11 years that brought me joy, adventure, and the feeling of being home. Years that taught me the real meaning of unconditional love and friendship. He knew me more than anyone else. He was my first boyfriend. He was my comfort zone. He was my person. I will always have love for him.


“Like any other relationships, we tried our best to make it work. We’ve been drifting apart for a while now, and ultimately had to accept that we can’t go back where we used to be. It just won’t be fair to pretend that everything is still the same.


“These past few months have been tough, but thank you for giving us the time we need to process the pain and finally face the elephant in the room. Our love story began with respect and ended with respect.”


Nagbigay naman ng mensahe si Kathryn sa lahat ng mga KathNiel fans na alam niyang nasasaktan rin sa kanilang hiwalayan ngayon.


"KathNiels, we know you are hurting, and trust me, this also hurts us both more than you can imagine. The last thing we want is for this family to break apart with taking sides-please don't.


"Deej and I will continue to support each other as we try to heal and move forward from this. We will continue to love you and make you proud, but we hope you understand that this is something we really need.


"We hope you can join us in this healing process and not let those precious memories go to waste. Kaya natin to.


Sa huli, nagpasalamat si Kathryn kay Daniel Padilla sa masasayang alaala na ibigay nito sa kanya sa loob ng 11 years nilang pagiging magkasintahan.


"Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will forever cherish. I will always be grateful for you."



Asawa Ni Baron Geisler Sinugod Ng Kabit na Artista

Walang komento


 Hindi na nakapagtimpi si Jamie Evangelista sa isang Kapuso actress na diumano'y nanlalandi sa kanyang asawang si Baron Geisler.


Sa kanyang online program, ibinunyag ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz ang nangyaring komprontasyon sa pagitan ni Jamie Evangelista at ng nasabing Kapuso actress.


Ipinahayag pa ni Ogie Diaz na nagpakita ng mga resibo ang kanyang source para patunayan na totoong nangyari ang paghaharap ng dalawa.


“Nakakaloka. Talagang may mga resibong pinakita sa akin at pinarinig,” saad ni Ogie Diaz.


Ipinahayag din niya ang ilan sa naging linya ni Jamie Evangelista sa naging harapan nila ng babae na nais umanong mag-finance sa annulment nilang mag-asawa.


“Gusto mo ‘yon na alam mo na married man ‘yung lalake, gusto mo ‘yon? You have two sons, meron din akong mga anak. May anak kami ni Baron,” saad umano ni Jamie.



“It’s disgusting,” dagdag pang pahayag ni Jamie.


Ayon pa kay Ogie Diaz na handa ang nasabing babae na bayaran ang lahat ng fees sa annulment nina Jamie at Baron Giesler upang mapasakanya na si Baron.


“Ito hindi ko ito kinaya. Diyos ko, sa sobrang in-love ni ‘Kapuso person’ dito kay Baron e parang nag-alok pa ito kay Jamie, sa asawa ni Baron, na siya raw gagastos sa annulment nila if ever. Willing siyang saluhin si Baron,” pahayag ni Ofie Diaz.


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Baron Giesler hinggil sa nasabing isyu.




Kathryn Bernardo Pinapa-Terminate Na Kontrata Nila Daniel Padilla Bilang Couple Endorsers

Walang komento


 Tila hindi na nagpapapigil ang aktres na si Kathryn Bernardo sa pakikipaghiwalay niya sa kanyang ka-loveteam na si Daniel Padilla kung saan tila ayaw na rin niya maidikit ang mga pangalan nilang dalawa.


Naglabasan sa iba't-ibang social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang isyung pinapa-terminate na umano ng aktres ang lahat ng mga couple endorsement nilang dalawa.


Tila umiiwas na umano ngayon ang aktres na muling makatrabaho si Daniel Padilla at muling maiugnay ang kanilang mga pangalan.


Hindi na umano matanggap at mapapatawad pa ngayon ni Kathryn Bernardo ang aktor na si Daniel Padilla dahil sa ilang beses na panloloko nito sa kanya sa kabila ng matagal na nilang relasyon at pinagsamahan.


Galit na galit na umano ngayon ang aktres dahil maging ang kanilang pinagsososyuhang negosyo ay nais na rin niyang buwagin.


Nais na ring buwagin ni Kathryn Bernardo at ipinapaterminate na niya ang mga kontrata nila ni Daniel Padilla kung saan kinuha sila bilang celebrity couple endorser.


Pinapadali pa umano ito ngayon ni Kathryn upang hindi na sila muling magkakasama pang muli bilang couple dahil hindi na naman sila mag-couple at wala na umanong namamagitan sa kanila ng aktor.


Samantala, tila hindi naman umano magkakaroon ng problema si Kathryn Bernardo sa pagpapaterminate ng kontrata dahil nakasaad naman umano sa pinirmahan nila na maari rin nilang tapusin ang kanilang kontrata sakaling maghiwalay sila at hindi na totoong magcouple.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, kalat na kalat na sa mundo ng showbiz ang hiwalayan nilang dalawa, maging ang malalaking kompanya na pinag-endorsan nila ay alam na rin ang pagtatapos nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang relasyon.


Gayunpaman, hindi pa umano tuluyang tini-terminate ng mga kompanya ang kontrata, dahil hindi pa naman harapang nagpunta sa kanila sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens.


"Magdasal ka lang na bigyan ka ng lalaki yung hind manloloko move on ka na maganda ka at magaling na aktres wag sayangin ang lalaking yan marami ka pang makikita higit pa sa kanya yaan mo na lang hindi lang siya ang lalaki sa mundo magpataba ka mag-nobena ka."


"Well when you signed a contract it’s a contract and it’s depend sa mga business or company kung di na nila gusto dito ko nakita na medyo mayabang na yata si KB porke support  siya ng INK kaya pala siya sikat you know.  


"At kung di din gawa ni Daniel hindi rin siya si sikat kasi wala naman siyang skills ni sumayaw o kumanta at di naman mahusay sa acting she suppose to bigay respect sa mga kumuha  sa kanila na endorse their product FYI a kung hindi gawa nila Charo Santos  at Malou Santos ay di naman sisikat ang loveteam nila  they were given lots of big and beautiful, projects, left and right with famous na mga artista.


"I saw both of them in person even sa airport eh di naman din sila ka class  na artista in person kaya dapat sila magpasalamat at May/mga big producers magdala sa loveteam nila ."


"Kath wag mo iyakan ang ganyan klaseng lalaki di pwede pagkatiwalaan, ito naman si Andrea alam niya taken na si Daniel pinatulan pa ahas talaga."




Xian Gaza Sinasabing Bading Daw Si Daniel Padilla, Susunod Daw Sa Yapak Ni Rustom Padilla

Walang komento


 Naglabas ng hinala ang self proclaimed Pambansang male marites ng Pilipinas patungkol sa totoong dahilan kung bakit nagkakalabuan na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Ilang linggo na ring laman ng mga usap-usapan sa social media ang long time celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa napapabalitang hiwalayan nila.


Maging si Xian Gaza na matagal-tagal ring nanahimik sa social media ay napareact na rin kung saan kimunpirma niya ang naging hiwalayan ng dalawa.


Samantala, ayon sa panibagong inilabas na update ni Xian Gaza sa kanyang social media, ipinahayag niyang nais umanong sundan nitong si Daniel Padilla ang yapak ng kanyang tiyuhin na si Rustom Padilla.


Sa panibagong post ni Xian Gaza sa kanyang Facebook account, isiniwalat niyang nagbabalak ngayon Daniel Padilla na sumunod sa yapak ng kanyang tiyuhin na si Rustom Padilla.


"Feeling ko susunod si DJ sa yapak ni Rustom at wala akong nakikitang mali doon. Ganyan na ganyan kasi yung hiwalayang Carmina Villaroel at Rustom Padilla eh."


Dagdag pang pahayag ni Xian Gaza sa comment section, "Waiting sa official statement na kunyare sila pa at baka nagbago yung isip nila na huwag magsalita kasi ayaw nilang magsinungaling sa mga fans nila."


"Tsismis ang hatid ko dito hindi peace of mind at ba't parang ikaw pa ata ang galit diyan eh sumasagap ka na nga lang ng chika eh parang ako pa tuloy yung mali ngayon grabeng gaslight 'to."


"Kung ikaw ay isang tao na nasa tamang hulog ang pag-iisip at hindi baliw sa kanilang loveteam, alam mong hiwalay na talaga sila mula sa punto na hindi sila naglabas ng official statement for the last one month para sa peace of mind ng mga fans.


""Wala na kami eh, so pa'no? Magsinungaling pa kami at saktan pa sila lalo sa huli?" silence is the best option."


"Sorry, Marsie. Hindi ko intensyon na pahirapan jayong matulog. Mabuti na rin yan para makalaya na si Kathryn at mabuhay ng masaya. Sana makawala na siya sa kontrata. Inshallah."


Sa kabila ng mga ingay na nililikha ngayon ng isyung hiwalayan ng KathNiel patuloy pa rin ang pananahimik ng dalawang panig.


Hindi sila naglalabas ng kumpirmasyon sa kanilang hiwalayan, hindi rin naman nila pinabubulaanan ang mga isyu  at patuloy na nananahimik na lamang.




Mga Pulis Wala Ng Nakikitang Proof of Life Kay Catherine Camilon

Walang komento


 Inamin na ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group Region 4-A na wala na silang nakikitang proof of life sa nawawalang Miss Grand Philippines contestant na si Catherine Camilon.


Sa kabila nito, patuloy pa rin umano ang pangangalap ng ebidensya upang matagpuan si Catherine Camilon, buhay man ito o hindi na.


Sa ngayon ay may nakalap na umano silang nakalap na mga impormasyon na maaring may kaugnayan sa pagkawala ni Catherine Camilon.


Ayon sa PNP Spokeperson na si PNP Chief Fajardo, tuloy-tuloy ang ginagawa nilang back tracking sa mga CCTV, kahit halos magdadalawang buwan nang nawawala si Catherine Camilon.


May mga nakita umano silang lugar kung saan dumaan ang pulang CRV kung saan isinakay si Catherine Camilon.


Sa kabila ng mga impormasyong ito, hindi pa rin natutukoy ng mga pulis ang eksaktong lokasyon ng pinagdalhan kay     Catherine Camilon.


Matatandaan na nauna nang naiulat na malinis at walang bakas ng mga fingerprint mula sa mga kidnapper na nakuha sa loob ng sasakyan at tanging bakas na lamang ni Catherine ang naiwan.


Naging malaking tulong naman para sa mga pulis ang pagkakamatch ng mga DNA results na naiwan sa sasakyan at ng mga magulang ni Catherine Camilon dahil kahit papaano ay nalaman ng mga kapulisan kung saan isinakay si Catherine Camilon.


Sa ngayon, ay sinampahan na ng kasong carnapping ang dalawang indibidwal na huling nagmamay-ari sa sasakyan na ginamit ni Catherine Camilon bago siya mawala.


Gayunpaman, nanatiling tikom ang mga bibig ng mga itinuturong suspect sa kaso at patuloy na pinabubulaanan ang mga kasong isinampa sa kanila.


Samantala, itinakda na ang preliminary investigation sa kaso sa darating na December 19, habang sa darating naman na January 9, 2024 inaasahan na magpapasa ng counter affidavits ang mga itinuturong suspect sa kaso na sina Allan De Castro, ang kanyang driver at bodyguard na si Jeffrey Magbantay at dalawang pang indibidwal.


Sa ngayon ay may gagawin pang ibang DNA Tests sa nakuhang ibang hair strands mula sa sasakyan na pinaghihinalaan na mula sa mga suspek.


Hindi pa ito napo-proseso dahil hinihintay pa ang consent mula kay Allan De Castro na siyang primary suspect sa kaso.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens.


"Sana .makulong habang Buhay Ang may kagagawan pgkamatay at pgkawala ni Catherine,condolence po,kawawa,hwag po mawalan ng PG asa sa Buhay"


"Isama yan sa kulangan ang mga suspects, husband at legal wife ilagay mo sa may maraming inmates para magtino sila, ilagay sa kulangan tag iisa nila na merong mababangis na mga inmates para tudas iisa sa kanila para pantay pantay na closure na."


"Ang mismong mga pulis na sinasabing malabo ng buhay si camilon. Hanggang ngayon hindi pa nahuhuli ang pumatay. May mga tistigo na."


"Wala nang aasahan yan.ako ang hula ko lang sa  kasong niya malabo mapatunayan.

Habang tumatagal lumalabo.ang kahihinatnan."


"Unsolved case dhil ang may hawak ng kaso may pinoprotektahan. Nahuli na un driver/bodyguard bakit dipa maituro asan na c catherine. Patagal ng patagal mauuwi ŕin sa wala."




Mavy Legaspi, Nagsalita Na Tungkol Sa Hiwalayan Nila Ni Kyline Alcantara

Walang komento


 Lalong lumalakas ngayon ang mga bulong-bulungan patungkol sa umano'y hiwalayan ng isa pang celebrity couple na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.


Bukod sa kumakalat na video na ibinahagi mismo ni Kyline Alcantara, naglabas rin ng isang blind item ang online entertainment sites patungkol sa iba pang celebrity couple na naghiwalay na.


Ayon sa pamagat ng article, bukod sa hiwalayan ng dalawa ibinulgar pa nila na umano'y naging battered boyfriend ang actor sa kamay ng kanyang celebrity girlfriend.


Dahil sa pananakit ng aktres, nagpasya na rin umano ang kampo ng aktor na sampahan na ito ng kaso.


Ayon sa blind item, matagal na umanong tinitiis ng actor ang mga sampal, tadyak batok, sapok at suntok dahil mahal na ang aktres.


Hindi na umano natiis ng mga nagmamahal sa aktor ang pang-aabuso na natanggap nito mula sa nobya kaya naman pinaghihiwalay na nila ito.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, nakikipag-ugnayan na umano sa mga abogado ang pamilya ng aktor sa kung ano ang posible nilang ikaso laban sa dating girlfriend ng kanilang anak.


Samantala, may ibinigay naman na clue kung sino ang kanilang tinutukoy sa blind item.


Ang aktres na ito ay naging third party na rin umano noon sa hiwalayan ng isang relasyon at ang pagkabuwag ng isang loveteam.


Samantala, hindi pa naman kumpirmado ang balitang nanakit nga ang aktres subalit totoong hiwalay na umano ang dalawa.


Bagamat hindi naman pinangalanan kung sino ang tunutukoy sa blind item, marami sa mga netizens ang naghinalang si Kyline Alcantara ang tinutukoy na mapanakit na girlfriend sa kanyang boyfriend na si Mavy Legaspi.


Unang pumutok ang balitang nahiwalay na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara nang magbahagi ng mga cryptic post si Kyline Alcantara, kalakip ang video nang tila double date ng magkambal.


Kasunod nito naglabas din ng mensahe ang ina ng kambal kung saan tila ipinagtatanggol niya ang mga ito laban sa mga bumabatikos dahil sa pagsisiwalat ni Kyline Alcantara.


Maging ang ama ng kambal na si Zoren Legaspi ay tila pinatutsadahan din si Kyline Alcantara sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe sa kanyang mga anak.


Pinapasalamatan ni Zoren Legaspi ang tunay na mga kaibigan ng kanyang mga anak.


Matatandaan na unang naging usap-usapan noon sa social media ang pag-unfollow nina Kyline Alcantara at Cassy Legaspi sa isa't-isa.


Hinala ng mga netizens na may kaugnayan ang kanilang pag-unfollow sa isa't-isa sa usapin sa kanilang lovelife.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo