Ina Ni Kathryn Bernardo, Naglabas Ng Mensahe Pinaasa Ang KathNiel Fans

Biyernes, Disyembre 1, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng pahayag ang ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo para sa kanyang anak at para sa lahat ng mga tagahanga ng kanyang anak at para sa lahat na sumusuporta sa KathNiel.


Sa gitna ng mainit na usapin hinggil sa pagkumpirma nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang hiwalayan, kaagad na nagbigay ng mensahe ang ina ni Kathryn Bernardo kung saan ipinahayag niyang hindi pa rito magtatapos ang kanilang pagsasama ng KathNiel fans.


Bagama't nagtapos na umano ngayon ang relasyon ng kanyang anak at ni Daniel Padilla, hindi ibig sabihin nito ay magtatapos na rin ang samahan ng mga fans ng KathNiel. Maari pa rin namang suportahan ng mga ito ang dalawa bilang mga artista.


“KathNiels, Kathcakes, Solid DJ maraming maraming salamat sa inyo, hindi dito nagtatapos ang ating pagsasama,” Instagram post ni Min Bernardo kalakip ang nakatalikod na larawan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Samantala, marami naman sa mga tagahanga ng KathNiel ang umaasa na sana ay darating din ang pagkakataon na magkakabalikan ang dalawa.


"Yakap na mahigpit sa Bernardo family. Thank you for everything you've done for Kath and Deej. Baka hindi rin aabot ng 12 years kung wala ang inyong paggabay."


"PANG HAHAWAKAN PO NAMIN YAN TITA MIN ALAM PO NAMIN NAG MAG BABALIKAN SILA NANDITO LANG PO KAMI LAGING NAKA SUPPORT"


"Sending a virtual hugs for kath and to you tita min. Hope this is not the end."


Samantala, bagama't hiniling ni Kathryn Bernardo sa mga tagahanga nila ni Daniel Padilla to not take sides. Marami pa rin sa mga fans nilang dalawa ni Daniel Padilla ang kumampi sa kanya at binitawan na si Daniel Padilla dahil sa isyu ng panloloko nito sa kanilang relasyon.



Marami sa mga KathNiel fans ang sinisisi si Daniel sa hiwalayan nila dahil hindi umano ito nakuntento sa kayang ibigay ni Kathryn. Naghanap pa umano ito ng kalinga mula sa ibang mga babae.


Sa katunayan, may ilang mga fans pa na nagpapasalamat na hiniwalayan na ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla dahil ilang beses na umano nitong niloloko si Kathryn.


Ayon pa sa ilang mga fans na buti na lang ay hindi pa kasal ang dalawa nang malaman ni Kathryn ang totoong kulay at kung gaano kababaero itong si Daniel Padilla dahil mas mahirap na umano kung naikasal na sila bago nalaman ng aktres dahil dadaan pa sila sa annulment.


May mga humanga rin sa aktres dahil sa pagiging matapang nito sa pakikipaghiwalay kay Daniel na nakarelasyon na niya sa loob ng 11 years. Marami kasi ang nagsasabi na ang ibang babae ay nagpapalabulag at bingi na lamang dahil nasasayangan sa mga taong pinagsamahan nila.


"Payakap kay @bernardokath tita min ❤️❤️❤️ napaka-strong at npakatapang."


Sa ngayon patuloy na lumalabas sa iba't-ibang social media platforms ang mga baho ni Daniel Padilla. Naglabasan na rin ang mga resibo ng pambababae nito sa likod ni Kathryn Bernardo.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon noon pa man ay nalalaman na ni Kathryn Bernardo ang pambababae ni Daniel Padilla. Ilang beses na pinatawad umano ni Kathryn si Daniel dahil sa pagmamahal niya rito. Pinanghahawakan rin umano ni Kath ang mga pangako ni Daniel na hindi na ito uulit na ilang beses ding napako. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo