Mavy Legaspi, Nagsalita Na Tungkol Sa Hiwalayan Nila Ni Kyline Alcantara

Huwebes, Nobyembre 30, 2023

/ by Lovely


 Lalong lumalakas ngayon ang mga bulong-bulungan patungkol sa umano'y hiwalayan ng isa pang celebrity couple na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.


Bukod sa kumakalat na video na ibinahagi mismo ni Kyline Alcantara, naglabas rin ng isang blind item ang online entertainment sites patungkol sa iba pang celebrity couple na naghiwalay na.


Ayon sa pamagat ng article, bukod sa hiwalayan ng dalawa ibinulgar pa nila na umano'y naging battered boyfriend ang actor sa kamay ng kanyang celebrity girlfriend.


Dahil sa pananakit ng aktres, nagpasya na rin umano ang kampo ng aktor na sampahan na ito ng kaso.


Ayon sa blind item, matagal na umanong tinitiis ng actor ang mga sampal, tadyak batok, sapok at suntok dahil mahal na ang aktres.


Hindi na umano natiis ng mga nagmamahal sa aktor ang pang-aabuso na natanggap nito mula sa nobya kaya naman pinaghihiwalay na nila ito.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, nakikipag-ugnayan na umano sa mga abogado ang pamilya ng aktor sa kung ano ang posible nilang ikaso laban sa dating girlfriend ng kanilang anak.


Samantala, may ibinigay naman na clue kung sino ang kanilang tinutukoy sa blind item.


Ang aktres na ito ay naging third party na rin umano noon sa hiwalayan ng isang relasyon at ang pagkabuwag ng isang loveteam.


Samantala, hindi pa naman kumpirmado ang balitang nanakit nga ang aktres subalit totoong hiwalay na umano ang dalawa.


Bagamat hindi naman pinangalanan kung sino ang tunutukoy sa blind item, marami sa mga netizens ang naghinalang si Kyline Alcantara ang tinutukoy na mapanakit na girlfriend sa kanyang boyfriend na si Mavy Legaspi.


Unang pumutok ang balitang nahiwalay na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara nang magbahagi ng mga cryptic post si Kyline Alcantara, kalakip ang video nang tila double date ng magkambal.


Kasunod nito naglabas din ng mensahe ang ina ng kambal kung saan tila ipinagtatanggol niya ang mga ito laban sa mga bumabatikos dahil sa pagsisiwalat ni Kyline Alcantara.


Maging ang ama ng kambal na si Zoren Legaspi ay tila pinatutsadahan din si Kyline Alcantara sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe sa kanyang mga anak.


Pinapasalamatan ni Zoren Legaspi ang tunay na mga kaibigan ng kanyang mga anak.


Matatandaan na unang naging usap-usapan noon sa social media ang pag-unfollow nina Kyline Alcantara at Cassy Legaspi sa isa't-isa.


Hinala ng mga netizens na may kaugnayan ang kanilang pag-unfollow sa isa't-isa sa usapin sa kanilang lovelife.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo