Karla Estrada, May Malaking Utang Pala Kay Kathryn Bernardo, Min Bernardo Naimbyerna Kay Karla

Huwebes, Nobyembre 30, 2023

/ by Lovely


 Lalong lumala ang isyu sa naging dahilan ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang hayagan na nilang aminin sa kani-kanilang mga Instagram account na tuluyan na nilang tinuldukan ang kanilang pagmamahalan.


Maging ang mga magulang umano nilang dalawa na sina Karla Estrada at Min Bernardo ay hindi na rin umano maayos ang kanilang samahan at hindi na rin umano sila nagkikibuan ngayon.


Samantala, lumalabas naman ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung sinisingil umano ngayon ng kampo ni Kathryn Bernardo ang ina ni Daniel Padilla dahil may mga utang umano ito sa aktres.


Ayon sa mga kumakalat na isyu, kung susumahin ang pagkakautang ni Karla Estrada ay aabot umano ito sa milyon.


Samantala, hindi pa naman kumpirmado ang balitang ito dahil hindi pa naglalabas ng pahayag si Karla Estrada.


Ang kumpirmado pa lamang sa pagkakataong ito ay ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil nagmula na mismo ang pag-aming ito sa kanilang mga official Instagram account.


Matatandaan na kumalat noon sa social media ang isang conversation kung saan ipinahayag ni Daniel na aayusin niya ang relasyon nila ni Kathryn Bernardo.


Subalit, sa inilabas na pag-amin ng KathNiel tila hindi na naayos pa ni Daniel ang kanilang pag-iibigan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo