Xian Gaza May Rebelasyon Sa Hiwalayang KathNiel, Ibinulgar ang Pagkakadawit ni Andrea Brillantes

Biyernes, Disyembre 1, 2023

/ by Lovely


 Naglabas ng maiinit na rebelasyon ang pambansang marites na si Christian Albert Gaza na mas kilala bilang si Xian Gaza hinggil sa totoong dahilan kung bakit tuluyan nang hiniwalayan ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla na naging karelasyon ng aktres sa loob ng 11 years.


Inamin ni Xian Gaza sa kanyang live na ang kanyang source sa hiwalayan ng KathNiel ay walang iba kundi si Ogie Diaz.


Matatandaan na naunang isiniwalat ni Ogie Diaz na nakarating sa kanya ang balitang naghiwalay na ang KathNiel subalit hindi pa umano ito kumpirmado. Nakatanggap pa ng pambabatikos noon si Ogie Diaz kung saan tinatawag siyang fake news peddler ng mga KathNiel fans.


Samantala, ayon kay Xian Gaza, hindi dapat binabatikos si Ogie Diaz dahil sa tagal na nito sa industriya ay tiyak na marami na itong koneksyon na makakapagsabi sa mga latest ganap sa showbiz industry.


Isiniwalat rin ni Xian Gaza na napapagod na itong si Kathryn Bernardo sa pauulit-ulit na pambababae ni Daniel Padilla sa loob ng 11 years nilang relasyon. Ilang beses na umanong nahuhuli ng aktres si DJ sa mga chats at texts nito. Ilang beses na rin umanong pinagbibigyan ni Kathryn ng chance si Daniel Padilla sa pag-asang tuluyan itong magbago.


Isa pa umano sa mga dahilan kung bakit hindi kaagad na nakipaghiwalay si Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla ay ang kanilang trabaho at ibang bang business related stuff.


Ayon pa kay Xian Gaza, hindi lamang iisang beses na palihim na nagkikita sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla mula noong maghiwalay sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes. Dahil dito, hindi na napigilan pa ni Kathryn na putulin ang kanilang ugnayan sa panahong ito, ilang buwan na rin umanong may hindi pagkakaunawaan ang KathNiel.


Isiniwalat din ni Xian Gaza sa talagang hobby nitong si Andrea Brillantes ang mang-agaw ng mga boyfriend ng iba pang mga artista. Sa katunayan, may anim pang sikat na personality na lumapit sa kanya kung saan pinapatunayan ng mga itong ganun nga si Andrea Brillantes.


Ayon pa kay Xian Gaza, maraming mga babae ang nalink kay Daniel Padilla bago pa man kay Andrea Brillantes subalit walang lumutang dahil natatakot ang mga ito sa pamilya ng aktor.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang ipinapalabas na image ni Daniel Padilla ay loyal, conservative at gentleman kaya naman palaging hinaharangan ng pamilya ang mga babaeng nais na ipahayag ang umano'y totoong pagkatao ng aktor.


Ipinunto rin ni Xian Gaza ang posibilidad na hindi lang si Andrea Brillantes ang dahilan ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil maari ring naghiwalay na ang KathNiel bago umiksena si Andrea gamit ang hiwalayan nila ni Ricci Rivero kung saan nagpakakuya itong si DJ.


Samantala, kumakalat naman ngayon ang pagkakadawit ng pangalan ni Gillian Vicencio sa hiwalayan ng KathNiel dahil ito umano ang kinaka-text ni Daniel Padilla na nahuli mismo ni Kathryn.


May mga chika pa na si Sue Ramirez ang nagsumbong kay Kathryn na may nangyari kina Daniel at Gillian dahil naikwento umano ito ng huli sa kanya.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag at reaksyon ang lahat ng mga itinuturong sangkot sa hiwalayang nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Gayunpaman, hiling ng mga netizens na sana ay malampasan ng dalawa ang lahat ng mga pagsubok na kinakaharap nila ngayon.


Hiling din ng maraming KathNiel fans ang agarang paghilom ng kanilang mga puso para maka move forward na ang dalawa kahit pa hindi nila hawak ang kamay ng isa't-isa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo