Gillian Vicencio Pala Ang Dahilan Ng Hiwalayan Ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla!

Biyernes, Disyembre 1, 2023

/ by Lovely


 Kasunod ng pag-amin ng long time celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kanilang hiwalayan, naging usap-usapan ngayon sa social media ang mga naging babae ng aktor bukod pa sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang ilang mga entertainment news sites na hindi ang palihim na pagkikita noon nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla ang dahilan kung bakit tuluyan nang winakasan ni Kathryn Bernardo ang relasyon nila ni Daniel Padilla, kundi si Gillian Vicencio.


Ayon sa usap-usapan ngayon napag-alaman umano ni Kathryn Bernardo ang relasyon ni Daniel Padilla at ng actress na si Gillian Vicencio.


Unti-unti nang nabibigyan ng linaw ngayon, kung ano nga ba ang nangyari sa relasyon ng KathNiel na naging dahilan upang maghiwalay na ang mga ito sa kabila ng pahayag nilang may pagmamahal pa sila para sa isa't-isa.


Kumakalat ngayon sa social media ang isang post kung saan makikita ang umano'y conversation kung saan isiniwalat na may nangyari sa pagitan nina Daniel Padilla at Gillian Vicencio habang magkarelasyon pa sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Kumalat rin ngayon sa social media na ilang beses nang nag-cheat itong si Daniel Padilla sa naging relasyon nila ni Kathryn. Palagi lamang siyang pinagbibigyan ng aktres dahil sa pagmamahal at para na rin sa kanilang mga fans.


Samantala, ayon sa mga usap-usapan ngayon na nito lamang nagdaaang September, muling nagcheat si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo. Naikwento umano nitong Gillian Vicencio ang nangyari sa kanila ni Daniel Padilla kay Sue Ramirez na isinumbong naman ng huli kay Kathryn Bernardo.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, bago pumunta ni Kathryn Bernardo sa South Korea pinuntahan muna niya si Daniel Padilla sa condo nito upang kausapin dahil ilang buwan na rin silang hindi nagkakausap dahil palagi na silang nag-aaway.


Tila napansin na rin kasi ni Kathryn Bernardo ang pagbabago kay Daniel Padilla, hindi na umano siya nito kinakausap at palagi pang may ka-chat. Sinubukan rin umano ni Kathryn Bernardo na hiramin ang cellphone ni Daniel Padilla na dati naman ay pinapahiram kaagad ng aktor, subalit sa pagkakataon ito ay hindi na pumapayag si Daniel na pakialaman ni Kathryn ang kanyang phone.


Nagbanta naman si Kathryn na kung hindi ibibigay ni Daniel Padilla ang kanyang cellphone ay makikipaghiwalay na siya rito, sa huli ibinigay ni DJ ang kanyang cellphone. Dito na rin inamin ng aktor na may mga cheating conversation sa kanyang phone at palagi niyang kausap si Gillian.


Nakipaghiwalay umano si Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla dahil hindi na niya kinakaya ang panloloko nito. 2 weeks after ng hiwalayan ng dalawa nagsimulang mag-inom ni Daniel Padilla. Tila naghahanap ng comfort ang actor at doon naman pumasok sa eksena si Andrea Brillantes.


Si Andrea Brillantes umano ang nagbigay ng comfort kay Daniel Padilla na kasalukuyan din dumaan sa isang break up.


Ayon pa sa mga kumakalat na post, na totoong may nangyari rin sa pagitan nina Daniel Padilla at Andrea Brillantes sa Spain, subalit sa panahong ito ay hiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ang totoong naging dahilan sa hiwalayan nilang dalawa ay ang pag-cheat ni Daniel kay Kathryn Bernardo kung saan pinatulan nito ang isa sa kanilang naging co-stars.


Samantala, may mga nagsasabi ngayon na kaya nagpa-iksi ng buhok si Kathryn Bernardo ngayon ay pinaparinggan umano niya si Gillian Vicencio na alam naman ng lahat na may maiksing buhok.


Sa ngayon ay halos apat na buwan na rin umanong hiwalay ang KathNiel.


Hinala ng naman ng ilang mga netizens na nagsawa na itong si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo at sa kanilang set-up kaya naman gumawa na siya ng paraan para tuluyan na siyang iwan ng aktres.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo